Chapter 8

298 6 0
                                    

CHAPTER 8: REVIEW

Daevin's POV


"Sorry I'm late. May pinag-usapan pa kasi kame kanina sa Math Club." Hingal na hingal kong sambit habang pinapatong sa lamesa ang mga Science Books na dala ko.



"Kanina ka pa?" Medyo nahihiya kong tanong kay Glance.


Ang usapan kase namin, magrereview kaming dalawa dito sa study area by 4:00 pm. Bigla lang nagpatawag ng meeting ang adviser namin sa Math Club para sa mga nalalapit na events. Siyempre at Club President, hindi pwedeng wala ako sa meeting.


"Huy, kanina ka pa ba?" Pag-uulit ko ng tanong.


As expected, hindi na naman siya nagrerepond sa mga sinasabi ko at patuloy lang siya sa pagbabasa ng mga libro about Physics.


"Sorry nga pala sa nangyari kanina ah." I'm referring about what happened this morning. Yung muntikan na kaming mag-rambol sa kwarto niya. "Don't worry. Gaya ng sinabi ko sa'yo before, hahanap ako ng paraan para matanggal 'tong sumpa."


Hindi man lang siya tumitingin sa akin. Kainis! Ayan na naman po tayo sa pagmo-monologue ko.


Kumuha na'ko ng libro na pwedeng basahin. Kumuha na rin ako ng ballpen at papel para i-take down ko ang mga mahahalagang notes na mababasa ko dito sa libro.


Ang tahimik niyang mag-review. Yung mga mata niya lang ang nagbabasa ng libro dahil hindi man lang bumubuka ang kanyang bibig. Unlike sa'kin na binabasa ko talaga gamit ang bibig ko para marinig ko yung sentences na sinasabi ko, thus mabilis kong masasaulo.


Nakaka-ilang minuto na kami dito sa study area pero hindi pa rin kami nag-uusap ng maayos. Dapat nagpapalitan kami ng ideas dito. Anong point ng pagrereview namin dito nang magkasama kung magkakanya-kanya lang din pala kame?


After ilang minutes, binaba na ni Glance yung libro na binabasa niya. Uminom siya saglit ng tubig at kumuha ng snacks na nasa bag niya. I guess magpapahinga muna siya sa pagbabasa kaya ginaya ko na rin siya. Break time muna.


Nilabas ko yung piattos ko na sweet and sour flavor tsaka yung dutch mill delight na sobrang paborito ko.


"Anong reationship niyo ni Kylie? Anong status niyo ngayon?" Medyo nagulat ako sa sinabi ko habang kumakain. Anubayan Dae, dahan-dahan naman.


Biglang napatingin si Glance sa akin pero iniwas niya rin ito agad. Medyo nakuha ko siya don. Kanina kase hindi naman siya tumitingin sa akin kapag nagsasalita ako.


"Girlfriend mo na ba siya?" Seryosong tanong ko.


Nagpatuloy lang siya sa pagnguya ng kinakain niya habang nakatingin sa malayo.


"Nililigawan?"


Sinubukan kong hulihin ang tingin niya pero hindi ko magawa.


"M.U.?"


Pangungulit ko pa. Ano Daevin, kaya ba today?


"Fuck Buddies?"


Bigla siyang napatingin sa akin habang nakakunot ang noo. Ano huli ka ngayon.





I feel achieved na napalingon ko siya after all those entries pero tsaka ko lang din narealize kung ano ba talaga 'yung sinabi ko. Wait!?!?!?


"So fubu kayo ni Kylie?" Medyo napataas ang tono ng boses ko this time. Medyo masakit ito sa part ko na tinatanong ko 'to sa kanya. Shit!


"A-ano? Sagot!?" Medyo nauutal ako sa sinabi ko kase parang hindi ko kayang tanggapin sa sarili ko na ginagawa nila 'yon.


He stared at me for a moment and his lips suddenly turned into a smirk.



I prepared myself on what is he going to say.


"Relax. She has never been my fuck buddy." Then he immediately sips on his bottled water.


I felt like a heavy weight was taken off my chest after hearing his words. Phew!


"She courted on me but I rejected her." He said while staring at his bottled water.


I once again felt relieved after hearing that.


So mali ang chismis sa amin ni Topher na nililigawan ni Glance si Kylie. Baliktad pala. Si Kylie ang nanligaw kay Glance. Ugh, ganyan na ganyan din ang ginawa ni Kylie sa'kin. Buti na lang hindi niya sinagot si Kylie. Hindi naman sila bagay!


Natahimik ako nang ilang segundo. I feel like lahat ng mga tanong ko before ay unti-unti nang nasasagot. Wala talagang hindi nareresolba sa matinong usapan.


"Any follow-up questions?" He said while arching a brow.


Wow. This is new. Siya na yung nag-initiate kung may tanong pa'ko sa kanya. Okay! Susulitin ko na 'to dahil once in a blue moon lang kung magsalita 'tong si Glance. Parang 3-day sale or limited edition kung magsalita.


"Did you had sex... For once?" I just wanna make sure. Kung hindi man sila naging fubu ay gusto ko lang alamin kung may nangyari sa kanila at least once.


He looked down after hearing my question and the side of his lips rose up once again.


"Never." He assured me. "Gusto mo tayo na lang?" He winked.


Halos malaglag na'ko sa kinauupuan ko nang marinig ko 'yung sinabi niya. Putangina. Anong pinagsasasabi nitong hayop na 'to. May pakindat pang nalalaman. Gago ba siya?


Uminom muna ako ng dutch mill delight dahil parang pinagpawisan ako bigla dito sa kinauupuan ko.


Narinig ko pa siyang tumawa nang mahina na parang ligayang-ligaya sa mga sinabi niya. Hindi ko rin talaga mabasa ang taong 'to. One moment, hindi siya nagsasalita, pero ngayon sobrang nakakainis na siya dahil kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig niya.


Nang makarecover na'ko ay tumingin ako sa kanya nang masama. Hayop na 'to.


"What?" He said innocently while arching a brow as if he'd said nothing.


Kinuha ko na lang 'yung ballpen at papel ko sabay abot ng panibagong libro na babasahin. Bwiset na Glance 'to. Paano na'ko makakapag-focus sa pagrereview niyan. Nakakainis!


Nakita niya na dumaretso na'ko sa pagbabasa ng libro kaya kumuha na rin siya ng bagong libro at nagbasa ulit.


After a few minutes, inayos na ni Glance lahat ng gamit niya sa table. Niligpit niya lahat ng notes niya at biglang sinakbit ang kayang bag. Ano, uuwi na siya? Ang aga pa ah. Tsk.


"I'll go ahead." Then naglakad siya papalapit sa akin.


"Teka. Ang usapan—"


Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko nang pitikin niya ako sa noo ko pero mahina lang.


"Aish!" Inis na sambit ko.


Pota naman. Bakit niya ba laging pinipitik ang noo ko. Magpapaalam na nga lang pero kailangan pa ba niyang gawin 'yon?


Tumingin ito nang daretso sa akin. "Punk." Sabay kindat.


Naglakad na siya agad papalayo sa akin nang hindi man lang ako hinahayang magsalita.

Waking Up With Him (Pinoy BL Novel) || BrightWinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon