CHAPTER 15: WHO?
Vince's POV
I may not be able to tell you this in person but I just want you to know that you mean the world to me.
The moment I saw, my life changed into something more beautiful and more meaningful.
I may not be the first person in your life but I want to be the last one you ever loved. I may not be the first person who made you feel loved but I want to be the only one to make you feel loved to the core.
⁃ Secret Admirer
Pakshet mga pre. Kinikilig talaga ako kapag nababasa ko 'yung mga letter na natatanggap ko araw-araw.
Akalain mo yun, may isang taong nagta-tyagang magpadala ng love letter sa akin. Gwapo ko noh?
Hindi ko man kilala kung sino ang taong nasa likod ng bawat sulat na ito pero gusto kong malaman niya na pinapasaya niya 'ko.
Nung una, nawi-wirduhan ako kase hindi na uso ngayon ang mga love letter. Isang 'wave' mo lang sa messenger, pwedeng-pwede ka nang lumandi sa crush mo. Diba? Gawain ko 'yun, eh.
Gusto ko na siyang makilala. Hindi na importante sa akin kung maganda siya o hindi. Basta gusto ko lang magpasalamat sa kanya.
Well, karamihan naman ng mga estudyante dito sa campus ay magaganda, so feeling ko hindi naman ako dehado.
Karamihan din sa mga babae dito ay naka-sex ko na. I wonder kung dati ko siyang fuck buddy tapos na-attach sa akin.
Nagmamadali akong pumunta sa locker room dahil late na'ko sa first subject. Kailangan ko pang kunin lahat ng notebooks ko for morning class.
Props lang naman ang mga notebook ko kase hindi naman ako nagsusulat ng notes. Hehez.
"Woy, nasaan ka na? Magsisimula na 'yung presentation." Tanong sa akin ni Daevin sa kabilang linya.
"Eto na pre, nasa may locker room na. Wait." Sambit ko habang naglalakad nang mabilis.
"Bilisan mo! Aalisin ko pangalan mo sa group kap-"
"Holy Shit." Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong isang babae na nagsisilid ng isang papel sa locker ko.
"Tangina bro. Nagawa mo pa'kong murahin."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Dae sa kabilang linya at pinutol ko na yung call.
"Huuuy!" Tawag ko sa babaeng nagsisilid ng papel.
Hindi ito lumingon sa akin at dali-daling tumakbo palayo sa locker room.
"Teka, saglit!!!"
Hahabulin ko na sana siya pero nahulog nito sa sahig ang isang panyo na kulay pink. Pinulot ko ito at pinagmasdan nang mabuti.
Wala namang initials na nakalagay or what. Simpleng panyo lang ito na may flower designs tapos amoy pabango ng babae.
"Tsk. Sayang." Sambit ko sa sarili ko.
Tinabi ko 'yung panyo at dumaretso na sa locker ko. Pagbukas ko ng locker, confirmed! Siya nga yung secret admirer ko dahil nandito sa loob 'yung daily love letter na natatanggap ko.
BINABASA MO ANG
Waking Up With Him (Pinoy BL Novel) || BrightWin
Novela JuvenilDaevin found himself devastated after a guy named Glance outperformed him on the Top Students List. Moreover, he questionably found himself under a magical curse that could change his life forever. A curse that will unconsciously teleport himself du...