Chapter 1

796 13 2
                                    

CHAPTER 1: WAKING UP WITH HIM

Daevin's POV


"Hey, nasaan ka na?"


"Eto na malapit na."


Hindi ko alam kung bakit nagmamadali 'tong girlfriend ko na makipag-usap sa akin ngayong umaga. Talagang before class pa ha. Pwede naman mamayang lunch time or even after class. Pero sabi niya urgent daw kaya pumayag ako. I asked her to just tell it to me through phone but she insisted to say it in person. Feeling ko meron siyang surprise sakin.


Katatapos lang ng 1st Quarter dito sa school at mamaya ia-announce ang Overall Top Students. Baka gusto niya akong bigyan ng regalo in advance.


Binaba ko na 'yung phone ko at tumakbo ako papunta sa kubo kung saan siya naroon. Malapit yun sa cafeteria.


"Kanina ka pa diyan?" Hingal na hingal kong sambit nang makarating ako sa kubo. Napansin ko ang mukha niya na wala man lang karea-reaksyon.



"Let's cut to the chase Dae." Tumingin siya sa akin nang daretso. "Let's break up."


Hindi ko nagawang magrespond sa sinabi niya for almost 5 seconds kase nagsi-sink in pa sa utak ko ang bawat salita na binitawan niya. Anudaw?


"A-ah haha. Ang aga mo naman magjoke Kylie." I tried to make light of something dahil baka nagbibro lang siya. "Ibang klase ka talaga magjoke." I added a fake smile.


"I'm dead serious Dae. Wala na 'kong oras magplaytime. Salamat na lang sa lahat." Kinuha niya 'yong bag niya at nagtangka nang umalis sa kubo para iwanan ako.


"T-teka." I grabbed her wrist with a confused reaction. "Why broke up all of a sudden? Okay naman tayo diba?" I asked in a perplexed tone.


Shit. Totoo ba 'to or panaginip lang? Kase kung panaginip lang 'to ay gusto ko nang magising dahil parang binabangungot na ako.


Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Okay? Tayo? Okay ka lang?" bigla siyang tumawa. "Look, we've never been okay these past few weeks. Sobrang busy ka sa organizations mo and sa acads mo. Wala ka nang time para sakin, para 'sa atin'." She stressed the 'sa atin' part. "Pagod na pagod na akong mag-adjust Dae!"


Bakas sa mukha niya ang frustrations nito sa akin at sa relationship namin. I felt guilty sa mga sinabi niya. Totoo naman na masyado akong naging focused sa school clubs na sinasalihan ko plus 'yong acads pa. I just thought na naiintindihan niya ko pero hindi pala.


"Diba napag-usapan naman natin 'to? You know na kailangan kong maging valedictorian this year." I explained my side.


"Exactly my point Dae. I know how badly you wanted to be this year's valedictorian. Pero..." she paused a bit. "Naaapektuhan na 'yung relationship naten. Para saan pa na naging boyfriend kita kung wala ka naman oras para sakin? Just focus on your goal Dae. I'm sorry."


I didn't give her any response. Nakita ko na lang siya na palayong naglalakad sa akin at naiwan akong tulala dito sa may kubo. Fuck! That's one hell of a surprise.


Ang gandang panimula neto sa araw ko. We've been together for more than 1 year, then what? Tatapusin niya lang yon nang ganun ganun na lang? Shit! I need to do something.


**


"Class, I already have the list of the overall Top 10 Students for the 1st Quarter."


Waking Up With Him (Pinoy BL Novel) || BrightWinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon