Chapter 17

65 1 0
                                    

CHAPTER 17: KISS


Daevin's POV


"Huy! Bakit kayo nagsosolo dito ha?"


Naputol ang usapan namin ni Glance nang biglang sumulpot si Vince.


"Kanina pa kayo hinahanap ni Gerdy. Tara na shot na daw."


Agad naman kaming tumayo ni Glance para sumunod kay Vince.


Hanggang ngayon ay confused pa rin ako sa mga sinagot ni Glance sa tanong ko kanina. Ako ba talaga yung tinutukoy niya?


Or sadyang tipo lang ni Glance ang mga magagaling sa math?


If yes, well pwedeng pwede ko nang ibugaw si Ayanna. Kase bagay talaga sila.


"Guys, truth or dare tayo." Pag-anyaya ni Topher habang kapit ang mic ng videoke.


"Sige go lang."

"G ako diyan."

"Game!!!!"


Sabay sabay naming banggit. Umayos na kami ng upo para sa larong truth or dare.


Pumalibot kami sa table habang may isang bote na nasa gitna.


"Kung kanino matapat ang bote, siya ang pipili kung truth or dare." Pagpapaliwanag ni Topher habang pa yung mic. "Tapos magpapaikot ulit tayo ng isa pa. Kung kanino matapat yung bote, siya ang magbibigay ng ipagagawa dun sa nauna."


"Tatlong shot kapag hindi ginawa yung dare or kapag ayaw sagutin yung tanong." Dagdag pa ni Vince.


"Grabe tatlo agad?"
Pagrereklamo ko.


"Yun nga yung exciting na part e. Mapipilitan ka talagang gawin yung dare or sagutin yung tanong." Tuwang-tuwa na sambit ni Vince.


Walang reaksyon si Glance sa mga pinagsasasabi ng mga kaibigan ko. I know na party guy 'tong si Glance kaya sanay na sanay 'to sa inuman.


And I don't think na kinakabahan siya sa larong 'to. In fact, mukha siyang excited. Tsk!


Medyo hesitant pa'ko kung sasali talaga ako sa laro pero wala naman akong magagawa dahil ayoko naman na sabihan nila ako ng KJ.


"Game. Ito na."
Pinaikot na ni Vince yung bote kaya lahat kami ay napatingin doon.


Kinakabahan ako pota.


"Uy, Birthday boy."
Sambit ni Topher nang matapat ang bote kay Gerdy.


"Oh well." Gerdy shrugged.


"Okay sino kaya ang maswerteng nilalang."
Pinaikot ulit ni Vince ang bote para malaman kung sino ang magtatanong ng 'Truth or Dare'.


"Uuuyyy!!!!" Nagreact si Topher nang sa kanya matapat ang bote. "Eherm.. Okay bro, truth or dare?" Pagtatanong nito.


"Truth." Kampanteng sagot ni Gerdy.


Nag-isip isip pa si Topher ng kung anong pwedeng itanong kay Gerdy. "Ah alam ko na."


Umupo ito ng maayos bago ibato ang tanong. "Eto. Sino sa classmates naten ang naka-one night stand mo?"


Biglang naubo si Gerdy nang marinig ang tanong ni Topher. "What the heck, bro!"


Maging kami ay nagulat sa tinanong nito. Really? Seryoso ba si Topher? Ay pota, I almost forgot, lahat nga pala ng chismis ay alam nito.


Waking Up With Him (Pinoy BL Novel) || BrightWinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon