Chapter 16

73 0 0
                                    

CHAPTER 16: GERDY'S BIRTHDAY


Daevin's POV


"Pota ang mahal naman nito."


Binalik ko agad itong sweatshirt na white sa clothing rack pagkatapos kong makita yung tag price.


"Ang hirap naman regaluhan ng mayayaman." Naiinis na sambit ni Vince.  "Kahit mag-ambagan pa tayong tatlo, hindi naten afford ang mga damit ni Gerdy." Dagdag niya.


May point si Vince, sobra. Puro branded ang mga damit ni Gerdy. Galing ibang bansa ang mga sapatos at relo. Tapos meron siyang latest gadgets. Kayang kayang bilhin ni Gerdy ang pagkatao naming tatlo, tbh.


"So anong ireregalo naten? Kanina pa tayo paikot-ikot dito sa Mall pero wala pa rin tayong mahanap." Tinaasan kami ng isang kilay ni Topher.


Pagod na pagod na kami sa kahahanap ng pwedeng iregalo kay Gerdy. Kapag may napili kaming item, it's either mahal or meron na si Gerdy no'n.


Hirap!!!


"Haaaayyy." Nagbuntong-hininga ako. "Hindi naman kailangan mahal, e. Basta makita niya lang na nag-effort tayo para sa kanya, matutuwa na siya."


"Effort?" Ngumisi si Vince. "Sige gawa tayo ng long message tapos isulat naten sa Manila Paper or sa Cartolina. Effort 'yon diba?" Nagiging sarkastiko na naman siya.


"Ewan ko sa'yo." Binatukan ko siya pero mahina lang.


Tumambay muna kami sa isang fast food chain para mag-lunch. Dito na rin namin pinagpatuloy ang usapan kung anong pwedeng iregalo kay Gerdy.


"Anyway, ano yung sinabi mo sa akin nung isang araw about kay Ayanna?" Pagtatanong ni Topher.


"Huy! Anong meron kay Crush?" Napalingon agad si Vince dahil sa narinig niya.


"W-wala. Gusto niya lang humingi ng favor sa akin....."


Tumigil ako saglit dahil dumating na yung crew para iserve sa table namin ang mga pagkain.


".....Akala niya kasi super close kami ni Glance. Kaya ayon, gusto niyang tulungan ko siya para mapansin siya." Dagdag ko habang ina-arrange yung plates.


"Thank you po." Sabay sabay naming sambit sa crew bago siya umalis. Ngumiti naman ito sa amin.


"Okay. Yun pala 'yon." Tumango si Topher. "So anong plano mo?"



"Edi tutulungan ko siya." Nagkibit-balikat ako. "Single naman sila parehas tsaka parang bagay sila so... ayon." Kinuha ko 'yung isang baso ng soft drinks para sumimsim.


Ibigay naten ang gusto ni ate gurl mo, tutal wala naman akong paki kay Glance. Kapag may humihingi ng favor, edi ibigay naten.


"Huwag! Sa akin lang si crush." Sambit ni Vince habang nagmi-mix ng sauce.


"May secret admirer ka na ah?" Tumaas ang isang kilay ni Topher. "Babaero ka talaga kahit kailan."


"Ganun talaga. Hekhek." Tumawa si Vince nang mahina. "Osiya, bago kumain mag-selfie muna tayo."


Nilabas ni Vince ang phone niya tapos nag-groupie kami ng mga tatlong shots.


"Naks, gwapo naten tatlo dito ah. Sayang wala si Gerdy." Sambit ni Vince habang tinitingnan yung pictures.


Waking Up With Him (Pinoy BL Novel) || BrightWinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon