Chapter 20

86 2 0
                                    

A/N: June 05, 2020 HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!

CHAPTER 20: MOVE IN


Daevin's POV


"I won't be discussing anything today so enjoy your free time."


Matagal akong nakatulala habang nakakuyom ang nanginginig kong kamao. I was trying to fight the sudden burst of extreme emotions I had inside of me because I don't want to make a scene.


Umalis na ng classroom si Ms. Tanya kaya nagtayuan na ang mga kaklase ko para gawin ang gusto nilang gawin. Nanatili lang ako dito sa kinauupuan ko dahil overwhelmed ako sa announcement kanina.


Hindi ako makapagsalita. I felt devastated.  Gusto kong sumabog. Gusto kong sumigaw. I felt like a damn loser. This was exactly what I felt 2 months ago.


Lumapit sa akin ang mga kaibigan ko dahil alam nila kung anong nararamdaman ko ngayon. Even my other classmates came closer to me para i-comfort ako.


I felt their support for me. Gusto din nila na mag-Top 1 ako sa overall ranking. Feeling ko na-disappoint ko sila dahil pangalan ng section namin ang dinadala ko dito. Nakakainis talaga!


"Don't worry Beb! May 3rd and 4th Grading pa. We won't let this happen again." Sambit sa akin ni Belle habang sinsuklay ang buhok ko.


"True. We know na kayang-kaya mong bumawi, Dae." Dagdag naman ni Marj.


Ngumiti ako nang mapait sa kanila bago tumayo para magpunta sa Men's room.


Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob cubicle ay naramdaman ko na ang paglabas ng mga luha ko. Tinakpan ko pa ng kaliwang kamay ko ang bibig ko para hindi marinig ng iba ang paghikbi ko.


"Putangina naman oh!" Bulong ko sa sarili ko habang umiiyak. I know it's not yet the end. Kaya ko pa naman bumawi. I just felt disappointed dahil I know to myself na ginawa ko ang best ko.


"Bro! Nandiyan ka ba?" I heard Topher knocking on the door.


Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sarili ko sa pag iyak.


"Nandito lang kami para sayo, Dae." Rinig kong banggit ni Vince.


Agad kong pinunasan ng panyo ang mukha ko. Bago lumabas ng cubicle ay huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.


"Are you okay?" Tanong ni Gerdy sa akin pagkabukas ko ng pinto.


"Y-yah.. I'm okay." I faked a smile.


They don't look convinced after what I said. Bumalik na lang kami sa classroom para doon ipagpatuloy ang usapan.


I've been so low all throughout the day. Well. what do you expect? Basta wala akong ibang inisip buong araw kundi ang makauwi. Gusto ko munang mag-solo at mag-isip isip.


Pagdating ko sa boarding house, agad akong humiga at tumitig sa kisame.


"Where did I go wrong?" Tanong ko sa sarili ko.


I need to reassess my performance this quarter. Akala ko talaga ako na ang magto-Top 1.


To be perfectly honest, double effort na talaga ako this quarter. But I guess, hindi pa rin talaga 'yun sapat.


"Pota, ang galing naman ni Glance." Bulong ko ulit sa sarili ko.


Naiinis ako sa kanya ngayon. Naiinis ako kase ang galing galing niyang mag-manage ng time. Naiinis ako kase parang effortless lang sa kanya ang pagiging top 1.


Waking Up With Him (Pinoy BL Novel) || BrightWinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon