CHAPTER 4: ENEMY
Daevin's POV
Agad na nagsuot ng shorts si Glance na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin sa nangyari. Same bro, same. Gulong-gulo pa rin ako sa mga nangyayari ngayon.
Parang kanina lang ay nandoon ako sa sarili kong kwarto mag-isa at hindi makatulog. Pero ngayon, mas lalo akong hindi makatulog dahil sa nakita ko. Glance is playing with his wiener wtf!
"How the hell did you get here?"
Bakas sa mukha ni Glance ang galit na nararamdaman nito. Sino ba naman kaseng hindi magagalit kapag na-istorbo mo ang isang lalaki sa sa pagja-jak- este sa pagi-invade ng privacy nito.
Hindi ako nakapagsalita ng maayos dahil hindi ko rin naman alam kung paano ako napunta dito sa kwarto niya.
"Diana!" Gulat na gulat akong napatingin sa kanya. He knows my surname? So he really knows me? "Answer me. Are you a witch or something?"
Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Sinubukan ko lang namang matulog sa kama ko pero pagmulat ko ay kalapit ko na pala siya.
"Get out!"
Tinuro niya yung pinto ng kwarto niya para paalisin ko. Oo aalis talaga ako dito puta.
Nakatungo akong naglakad palabas ng kwarto dahil sa sobrang kahihiyan. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Halos mabaliw na'ko dito sa kaiisip.
Nahawakan ko na 'yung doorknob ng pintuan niya nang marinig ko ang malakas na pagbagsak ng ulan. Shit, bakit ngayon pa.
Tumingin ako kay Glance na may halong lungkot at pag-aalala. Makiramdam ka please. Umuulan oh, paano ako uuwi nito.
Pero useless yung ginawa ko par. Wala akong napala sa pagpapa-awa ko sa kanya. Wala siyang reaksyon sa ginawa ko at parang hinihintay niya lang akong makalabas ng kwarto niya. Napaka-insensitive!
Binuksan ko na 'yung pintuan at dahan-dahan akong lumabas ng kwarto niya. Tatakbo na lang siguro ako pauwi sa amin. Bahala na kung magkasakit ako.
Isasarado ko na sana yung pintuan ng kwarto niya nang may narinig akong boses mula sa loob.
"Diana."
Bigla niyang hinila yung doorknob mula sa loob ng kwarto.
"Dito ka na matulog."
Napakamot ito sa ulo niya at parang hindi ito makatingin sa akin ng daretso. Napipilitan teh? Psh. Sa wakas at nakaramdam din ang koya niyo.
"Hala hindi na. Okay lang ako." Pagpapakipot ko. Pilitin mo muna ako boi. Charot!
"Fine."
Tinangka na nitong isara ang kanyang pinto, pero buti na lang ay nagawa ko siyang pigilan.
"Teka teka." Tinulak ko yung pinto. "Oo na dito na'ko matutulog." Napakagat pa'ko sa lower lip ko. Hindi rin ako makatingin sa kanya nang daretso. Nakakahiya kase grabe.
Hindi siya nagsalita at dumaretso lang sa wardrobe niya. Napansin ko na kumuha siya ng extrang unan at kumot sabay bato sa mukha ko.
"Shiya!!!" Inis na sabi ko. Hindi naman masakit kase unan lang naman 'yon.
BINABASA MO ANG
Waking Up With Him (Pinoy BL Novel) || BrightWin
Novela JuvenilDaevin found himself devastated after a guy named Glance outperformed him on the Top Students List. Moreover, he questionably found himself under a magical curse that could change his life forever. A curse that will unconsciously teleport himself du...