Chapter 18

77 2 0
                                    

CHAPTER 18: PLANS


Daevin's POV


"Are you sure na dadating siya? What if ayaw niya 'kong kasama mag-lunch?"


Kanina pa nag-aalala 'tong si Ayanna habang hinihintay namin si Glance dito sa Cafeteria.


"Don't worry. Ako bahala sa'yo." Ngumiti ako sa kanya sabay kindat.


Oo, sineset-up ko silang dalawa. I told Glance na samahan niya 'ko mag-lunch dito sa cafeteria pero ang totoo niyan ay iiwan ko siya para magkaroon sila ng moment ni Ayanna.


"Kinakabahan ako, Dae." Nag-pout si Ayanna.


"Luhh..." I arched a brow. "Kakain lang kayo nang magkasama bakit ka kinakabahan?"


"Eh kase bak-"


Naputol ang mga sasabihin ni Ayanna nang biglang dumating si Glance na may dalang tray.


"Glance! Buti dumating ka." I acted naturally. "Dito ka na lang umupo." Sabay turo ko sa bangko na nasa tabi ko which is katapat si Ayanna.


Hindi siya nagsalita at nilapag na sa lamesa ang tray na kapit niya sabay upo sa tabi ko.


Mixed emotions ang nakikita ko sa mukha ni Ayanna. Parang excited na kinakabahan.


Well. Everything is set now. Kailangan ko nang umalis.


"Teka, parang sumakit bigla yung tiyan ko." Hinawakan ko ang tiyan ko at nag-acting na parang may sumasakit.


Nakita ko si Glance na biglang kumunot ang noo. "W-what?"


"Parang ang sakit ng tiyan ko." I acted.
"Diyan muna kayo ah. Babalik ako." Dahan-dahan akong tumayo at iniwan silang dalawa doon sa table.


"Wait... Aka-"


Hindi ko na narinig ang mga sinabi ni Glance dahil nakalayo na ako sa kanila. Bahala na kayo diyan. My work there is done.


Kinuha ko ang phone ko para itext si Ayanna.


To: Math Club Ayanna

"Yung usapan naten ah. 1 Week Supply ng Dutch Mill Delight."


I chuckled after sending the message.


Yun ang kapalit niya sa pagtulong ko sa kanya. Diba simpleng simple lang?


Dumaretso ako sa table kung nasaan ang mga kaibigan ko.


"Ano boss, mission complete na ba?" Bungad sa akin ni Vince.


Umupo ako sa bangko at uminom muna ng tubig.
"I guess so." Nagkibit-balikat ako.


"Aysuuusss. Binubugaw mo na si Glance pagkatapos niyong maglaplapan sa resort." Pang-aasar ni Topher.


"Gago." Daretsong sambit ko.
"Lasing siya non, hindi niya alam na ginawa niya 'yun sa akin." Pagdedepensa ko.


"Wehhhh?????" Sabay-sabay nilang banggit.


"Ewan ko sa inyo." Umirap ako sa kanila at dumaretso na sa pagkain ko ng lunch.


Totoo naman kase. Lasing na si Glance kaya niya lang nagawa 'yon. Plus, sabi sa akin ni Paul, nanghahalik daw talaga si Glance kapag nalalasing na. Potaina diba? Hindi naman siya ganun ka-big deal sa akin.


Waking Up With Him (Pinoy BL Novel) || BrightWinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon