"She said no. Mahirap bang intindihin iyon?"
Napuno ng tensyon ang paligid nulang tatlo. Deretsong tinitigan ni Freen ang lalakeng may hawak sa isa pang babae.
"Whoa! Why? Do you want to join us?" tanong ng lalake imbes na umiwas.
Lalong nangunot ang noo ni Freen. Hinila niya ang kamay ng binata at bahagya itong itinulak. Wala siyang pakealam kung lalake man ito at mas matangkad sa kaniya dahil hindi niya nagustuhan ang ginagawa nito.
Mukha namang hindi nagustuhan ng lalake ang kaniyang ginawa kaya hindi ito nagpatulak sa dalaga. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Kapag sinabi ng isang babae na ayaw niya. You should stop already. You are harassing her."
"What? Girlfriend ko 'yan!"
"Ano?!" sabat ni Becky. "Hindi 'yan totoo, Miss! Hindi ko nga kilala 'yan e!"
Pinagkrus ni Freen ang mga kamay at muling tinitigan ang lalake. "Boy, if you want a fuck, you shouldn't find it here." Tiningnan niya ang lalake mula ulo hanggang paa. "Walang papatol sa 'yo kahit na bakla."
Napanganga si Becky sa sinabi ni Freen. Hindi niya maiwasang mamangha sa sinabi nito dahil totoo naman. Bigla na lang kasi sumulpot sa likuran niya ang lalake kanina habang sumasayaw siya. Magmula noon ay hindi na siya nito tinantanan at pinipilit na sumama rito.
"O-Oo nga! Totoo!" segunda ni Becky sa sinabi ni Freen. "Ang panget mo kaya!"
Napangisi si Freen sa sinabi ni Becky. "See? No one likes you here. So, go!"
Kitang-kita naman ang galit sa mukha ng lalake. Pinaglipat-lipat nito ang mga tingin sa dalawang dalaga. Ngunit minabuti na lamang nitong iwanan ang mga ito kaysa mapalabas sa loob ng club.
Nakahinga naman nang malalim si Becky noong umalis na ang lalake. Muli siyang naupo at ininom ang alak na ibinigay sa kaniya ng lalake. "Sa wakas!" ani niya.
Napailing naman si Freen at muling naupo sa kaniyang pwesto. Ang pinaka ayaw sa lahat ay mga lalakeng kagaya nito na akala mo ay gugustuhin ng kababaihan. Umaabot pa sa puntong kailangang mamilit para lang patulan.
"What a freak," napapailing na sabi ni Freen.
"Uy, thank you!" Kinalabit ni Becky si Freen. "Salamat sa pagtulong mo sa akin kanina, ha?"
Nangunot ang noo ni Freen at tiningnan ang kamay ni Becky na nakahawak sa braso niya. Pagkatapos ay seryoso pa ring tiningnan ito sa mukha.
Para namang napahiya si Becky dahil sa mga tingin ni Freen. Unti-unti niyang binitawan ang braso nito at umusod nang kaunti.
"Sorry. Gusto ko lang mag-thank you."
"Okay."
Bahagyang napalabi si Becky. "Ang sungit naman," bulong niya. "Ang ganda sana e."
"What?" tanong ni Freen.
"Ha? Ah, sabi ko salamat po!" Nilakasan ni Becky ang boses niya. "Sige, iiwan na kita, Miss. Thank you ulit!"
Napailing muli si Freen habang sinusundan ng tingin ang dalaga. Napaayos siya nang upo at pinagmasdan ang likuran nito. Sa tuwing nakakakita siya ng isang babae ay hindi niya mapigilan ang sarili na suriin ito. Sakto lang ang katawan ng dalaga ngunit kahit na madilim ay kitang-kita niya na makinis ang balat nito mula sa suot nitong bestida. Sa kaniyang hinuha ay hindi sanay ang dalaga sa pagsusuot ng sandals na may mataas na takong dahil gumegewang ito nang kaunti. Kinuha niya ang baso ng alak at uminom doon habang patuloy na sinusuri ang dalaga. Hindi niya masisisi kung bakit natipuhan ito ng lalake kanina. Napakasimple nito ngunit litaw na litaw ang kagandanhan.
Natigilan siya noong biglang lumingon sa kaniya ang dalaga. Kumaway pa ito sa kaniya kaya nag-iwas na siya ng tingin.
'What is wrong with me? Ang aga pa ay parang lasing na ako!'
Napailing si Freen at minabuti na lamang na umalis sa lugar. Masyadong magulo ang kaniyang isipan ngayon para paguluhin pa lalo sa lugar na ito.
Nagpatuloy sa pag-indak si Becky sa gitna ng dance floor. Hindi na niya alam kung gaano katagal na siya nasa loob ng club habang pilit na inaaliw ang sarili. Umalis siya sa kanila matapos siyang palayasin ng sariling ina. Dahil lang sa wala raw siyang maitulong sa mga ito. Ang hindi niya maunawaan ay halos wala na ngang natitira sa sweldo niya kakaibigay sa mga ito. Pero siya pa rin ang walang maitulong.
"Whoa!" sigaw ni Becky. Napatigil siya sa pag-indak noong mapatingin siya sa bar counter at hindi na nakita ang babaeng tumulong sa kaniya kanina. "Umalis na siya? Sayang naman."
Hindi niya maitatanggi kanina na kung hindi dahil dito ay sigurado siyang mapapahamak na siya. Ngayon lamang siya nakaharap ng isang tao na may malakas na presensya. Pero hindi niya maiwasang mapaisip dahil pamilyar sa kaniya ang dalaga.
Noong mapagod ay minabuti na lamang ni Becky na lumabas ng club. Napabuga siya ng hangin noong mapatingin sa kalsada.
"Wala nga pala akong uuwian ngayong gabi," bulong niya sa sarili. "Ang malas ko naman ngayon—"
"Hey!"
Napatingin si Becky sa kaniyang gilid noong may nagsalita. Namilog ang mga mata niya noong makita ang lalakeng nangha-harass sa kaniya kanina.
"Ikaw na naman?" inis na sabi ni Becky.
"Change your mind now?"
"Mukha mo!" sigaw ni Becky at tumakbo palayo rito. Narinig niyang tinawag siya nito kaya mas lalo siyang nagmadali. Ngunit dahil sa panay ang lingon niya sa likuran at hindi rin sanay sa sandals na gamit ay bigla siyang napatapilok. Napasigaw si Becky sa sakit noong tumama ang kaniyang tuhod sa semento. "Ahh! Bwiset!"
"You! Bakit ba ang arte mo?!"
"Aray! Bitawan mo ako!" Pinagpapalo ni Becky ang kamay ng binata noong hinawakan siya nito sa braso. Ngunit dahil sadyang mas malakas ito sa kaniya ay wala siyang nagawa noong kaladkarin siya nito papunta sa parking lot. Wala manlang nakakapansin sa kanila dahil may kadiliman ang parteng iyon. Idagdag pang abot hanggang labas ang malakas na patugtog ng club. "Tulong! Bitawan mo ako! Tulong!"
Muling napasigaw si Becky sa gulat noong bigla na lamang natumba ang lalake at nabitawan siya. Napaatras siya at tumingin sa gilid niya. Doon ay nakita niyang muli ang dalagang tumulong sa kaniya at may hawak-hawak nang bato.
"Fuck!" sigaw ng lalake.
Binitawan ni Freen ang bato at nilapitan si Becky. "Are you okay? Can you walk?"
Sunod-sunod na tumango si Becky. "Y-Yes."
"Let's go. Bouncers na ang bahala sa kaniya."
"Ha?"
Ilang sandali pa ay may dumating na ilang mga bouncer na mula sa club. Agad na kinuha ng mga ito ang lalake upang dalhin sa police station.
"Freen! What happened?"
Nilingon ni Freen si Summer na humahangos palapit sa kanila. "It's okay now. Thank you sa tulong." Inalalayan niyang tumayo si Becky.
"Okay. Don't worry. Kami na ang bahala sa kaniya."
"T-Thank you po," nahihiyang sabi ni Becky.
"It's okay, girl. You're in good hands now." Kinindatan ni Summer si Becky.
Naiikot naman ni Freen ang mga mata. "Thank you, Summer."
Tumawa si Summer. "Bye, Freen! Enjoy!"
"Fuck," bulong ni Freen. Inakay na niya si Becky. "Come on. Ihahatid na kita."
"S-Sige po."
BINABASA MO ANG
Love you for 365 Days (FreenBecky)
RomanceNag-iisang anak si Freya Ann 'Freen' Salvador ng isang sikat na negosyante sa bansa. Lahat ng mga tao ay tinitingala ang kanilang pamilya at nakabantay sa bawat kilos nila. Noong umabot na sa tamang edad si Freen ay napagkasunduan ng kaniyang pamily...