Chapter 12: Love You for 365 Days
Hindi agad nakagalaw si Becky noong siniil siya bigla ng halik ni Freen. Hindi naman ito ang unang beses na nahalikan niya ang dalaga. Ngunit hindi niya kasi inaasahan ang ginawa nito bigla. Ilang sandali sila sa ganoong posisyon at noong tutugunin na sana ni Becky ang halik nito ay bigla naman itong tumayo nang maayos. Bahagyang nangunot ang noo niya dahil sa pagkabitin at dismaya dahil sa pagtigil nito.
“Okay, wife,” ani Freen. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Becky. Dahan-dahan hanggang sa maabot ng mga daliri niya ang labi ng dalaga. Napatitig siya roon ng ilang sandali at ngumiti. “Pretty.”
Hindi naman malaman ni Becky ang kaniyang gagawin. Biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso at nag-init ang mga pisngi.
‘Wife? Tinawag niya ba talaga akong wife?’ tanong ni Becky sa kaniyang isipan. Pinigilan niyang ngumiti sa harapan ni Freen kahit gusto na niyang sumigaw sa sobrang kilig. Bakit naman siya nito tatawaging wife?! Oo nga’t kasal na sila. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay talagang mag-asawa sila. Galing mismo sa bibig nito na h’wag siyang maging masyadong emosyonal sa kung ano ang mayroon sila.
“I’ll get a shower. Be ready.”
Nag-angat ng ulo si Becky at nalilitong tiningnan si Freen. “Ha?”
Hindi sumagot si Freen at naglakad na papunta sa banyo. Isa-isa nitong hinubad ang butones ng blusang suot-suot. Tuluyan niya iyong hinubad noong makapasok na siya ng banyo. Napangiti bigla nang malapad si Freen. Hindi niya alam kung bakit imbes na magalit sa mga sinabi ni Becky kanina ay natuwa pa siya. Kitang-kita niya kasi ang pag-aalala sa mga mata nito. At sa buong buhay niya bukod sa ama ay ito lamang ang nagsalita sa kaniya ng ganoon. Nang walang takot.
Samantala, hindi mapakali si Becky sa kaniyang hinihigaan. Habang tumatagal na nasa loob ng banyo si Freen ay mas lalo siyang binubundol ng kaba. Iniisip niyang maigi kung ano ba ang ibig sabihin nito.
“Be ready? Saan? Ano’ng ire-ready ko?” tanong niya sa sarili. Bigla siyang natigilan at muling pinamulahan ng mga pisngi. “Ibig sabihin ba niya ay… Gosh! Ang harot, Beck!” kinikilig niyang sabi. Sinapo pa niya ang mga pisngi ata umiling-iling.
Napatingin siya sa banyo noong narinig niya ang paglagaslas ng tubig mula sa loob. Dahil doon ay hindi niya maiwasang maisip ang ginagawa ngayon ni Freen. Dumadaloy mula sa shower ang malamig na tubig sa hubad na katawan ng dalaga. Hinahaplos nito ang katawan habang sinasabon ang balat. Mula sa leeg, papunta sa dibdib, hanggang sa… Napadapa na si Becky sa higaan at sinubsob ang mukha sa unan.
‘Gosh! Ano ba itong iniisip ko?! Pinagnanasaan ko na ba ang asawa ko?’ Tumagilid siya at natawa sa sarili. ‘Asawa ko? Asawa ko!’
Napahagikhik siya nang kaunti ngunit agad niya ring sinapo ang kaniyang bibig at napatingin sa banyo. Ayaw man niyang umasa pero bigla siyang nasabik sa sinabi ni Freen. Isa pa, masyado siyang kinilig dahil tinawag siya nitong wife at maganda. May itinatago naman pala itong tamis ngunit palagi na lang nakakunot ang noo.
“Sana palagi siyang ganito,” ani Becky sa sarili. Pilit na niyang pinakalma ang sarili at hinintay ang dalaga. Ilang sandali pa ay narinig ni Becky na natigil na ang paglagaslas ng tubig mula sa banyo. Napalunok siya at mahigpit na kumapit sa kumot na tumatabing sa katawan. Bumukas na ang pinto ng banyo at agad sumabog ang amoy ng lavender na mula sa sabon na ginamit ni Freen.
‘Kalma, self. Kalma!’ sigaw niyang muli sa isipan.
Oo nga’t hindi ito ang unang beses na magsasama sila sa iisang silid ni Freen. Pero noon kasi ay parehas silang lasing at halos walang maalala sa nangyari. Ngayon ay nakainom man sila ay alam pa rin nila ang kanilang mga ginagawa.
Maya-maya pa ay naramdaman na ni Becky na bumigat ang kabilang parte ng kama. Tanda naupo na roon ang dalaga. Muling gumalaw ang kama at narinig niya ang malalim na paghinga ni Freen. Napalunok si Becky at pilit na kinalma ang sarili noong mulit bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Ngunit lumipas na ang ilang sandali ay walang nangyari. Panay na ang paggalaw ng kaniyang paa dahil sa pagkainip. Kung ano-ano na rin ang tumatakbo sa kaniyang isipan.
‘Natutulog na kaya siya? Bakit wala siyang ginagawa? Ano na ang sunod? Bakit niya sinabing mag-ready ako? Ready naman ako anytime!’
Napangiwi si Becky at kulang na lang ay umungol sa inis. Ngunit ayaw naman niyang mahalata ng dalaga na hinihintay niya itong kumilos. Huminga siya nang malalim at minabuting dahan-dahan na humarap sa pwesto ni Freen. Pero natigilan siya noong mukha ni Freen ang sumalubong sa kaniya. Gising ito at titig na titig sa kaniya na para bang hinihintay talaga siyang humarap.
“G-Gising ka pa pala?” tanong ni Becky.
“I can’t sleep.”
Tumikhim si Becky. “Bakit naman?”
“Iniisip ko kung yayakapin ba kita o hindi. Kasi kapag ginawa ko iyon ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.”
Napamaang si Becky sa sinabi ni Freen. ‘Nagko-confess na ba siya sa akin?’ hindi makapaniwalang tanong niya sa isipan. Muli siyang tumikhim.
“P-Pwede naman.”
“What do you mean?”
Ngumiti siya rito. “Pwede mo akong i-kiss at yakapin. H’wag kang magpigil. I am ready.”
Si Freen naman ang natigilan sa sinabi ni Becky. Unti-unting sumilay ang matipid na ngiti sa kaniyang labi. “Really?” Tumango si Becky. Dahil doon ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Freen. Inabot niya ang iilang pulgadang layo ng kanilang mga mukha at siniil ito ng halik.
Agad namang tumugon si Becky sa mga halik ni Freen at sinabayan ang bawat galaw nito. Hindi na rin niya pinigilan pa ang sarili. Humawak siya sa baywang nito at inalalayan pa ang dalaga na pumatong sa kaniya.
Sandaling tumigil si Freen. Ipinatong niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ni Becky. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang mukha ni Becky.
“I’m sorry.”
“Para saan?”
“Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko sa ‘yo kanina. Hindi ko lang talaga alam kung paano… natatakot akong ipakita sa ‘yo ang totoong ako.”
Napangiti si Becky. Sinapo niya ang mga pisngi ni Freen. “Freen, idol kita. Kahit ano ka pa, tanggap kita. Hayaan mo lang akong tulungan ka.”
“Thank you.”
Bumaba ang mga mata ni Becky sa labi ni Freen. Siya ang umabot doon at hinalikan ang dalaga. Hindi kagaya kanina ay mas matagal at mas malalim na ang kanilang mga halik. Oo, kontrata lang ang dahilan kung bakit sila ganito ngayon. Wala dapat halong feelings. Pero kung kontrata lang talaga ito, bakit ganito ang kaniyang nararamdaman?
Bumaba ang mga halik ni Freen sa leeg ni Becky. Pinuno niya ng halik iyon at dinilaan hanggang sa may tainga. Kumawala ang mahihinang ungol sa bibig ni Becky dahil doon.
“O-Okay lang ba talaga sa ‘yo ito?” tanong ni Becky.
“Yes. Sa ‘yo?”
“Oo.”
Ngumiti si Freen. Bahagya niyang ibinuka ang mga hita ni Becky at naupo sa may gitna nito. Habang hindi inaalis ang mga titig sa mga mata ng dalaga ay unti-unti niyang hinubad ang suot na roba.
Napapalunok naman si Becky habang pinapanood ang dalaga. Unti-unting natanggal ang suot nitong roba. Lumantad sa kaniyang paningin ang katamtamang laki ng mga dibdib nito. Tayong-tayo na ang mga nipol nito na para bang kanina pa nag-aabang sa kaniyang mga haplos. Napalunok si Becky. Uupo sana siya ngunit pinigilan siya ni Freen. Kaya naman ay nanatili siyang nakahiga at hinintay ang gagawin nito.
Hinawakan ni Freen ang tali ng suot na roba ni Becky. Tinanggal niya ang pagkakabuhol niyon at hinawi upang makita ang hubad na katawan ng dalaga. Napahugot agad siya nang malalim na paghinga noong makita ang katawan nito. Agad na tumaas ang kaniyang temperatura at may kung anong namuo sa kaniyang puson.
Naiarko na lamang ni Becky ang kaniyang katawan noong mag-umpisa nang kainin ni Freen ang kaniyang pagkababae. Kumapit siya sa kobre kama at mas ibinuka pa ang mga hita. Hindi niya mapigilang maungol nang malakas habang patuloy sa pagdila si Freen sa kaniyang bukana. Ilang sandali iyong ginawa ng dalaga hanggang sa unti-unti na niyang maramdamang lalabasan na siya.
“F-Freen.”
“Hmm?”
“Ohh… Please!”
Sandaling tumigil si Freen at muling pumatong kay Becky. Pinunasan niya ang bibig saka hinalikan ito sa labi. Habang ang isa niyang kamay ay inabot ang pagkababae ng dalaga at nilaro-laro ang nakausling laman nito.
Napakapit nang mahigpit si Becky sa balikat at braso ni Freen. Malalim na ang paghinga niya at sumasabay na ang kaniyang balakang sa bawat haplos ng kamay ni Freen sa kaniyang pagkababae. Bumaba ang mga halik niya sa leeg ni Freen at minasahe na rin ang dibdib nito.
Nakagat ni Freen ang labi at ipinasok na ang isang daliri sa pagkababae nito.
Sandaling napatigil si Becky at napaungol. Mas lalong bumigat ang kaniyang paghinga dahil sa sarap na nararamdaman. Lalo na noong dinagdagan pa nito iyon ng isang daliri.
“Ohh!”
Mas lalong nag-init si Becky. Sinapo niya ang dalawang dibdib ni Freen at isinubo ang isa. Nilaro-laro niya ang nipol nito gamit ang dila at marahang kinakagat.
Napaungol na rin si Freen dahil sa sensasyong kaniyang nararamdaman. Ilang sandali sila sa ganoong posisyon. Papalit-palit si Becky sa kaniyang dibdib habang siya ay patuloy na nilalabas-masok ang mga daliri sa bukana nito. Hanggang sa hindi na kinaya pa ni Freen. Sinapo niya ang pisngi ni Becky at hinalikan ito sa labi. Pagkatapos ay tinigil niya ang ginagawa at pinahiga si Becky. Bahagya niya itong pinatagilid. Itinaas niya ang isang hita nito pumwesto sa gitna nito.
Napahinga nang malalim si Becky noong dumikit sa kaniyang ari ang ari ni Freen. Agad siyang binalot nang kakaibang sensyasyon na mas nagpainit sa kaniya. Nag-umpisang gumalaw si Freen.
Sumabay si Becky sa bawat galaw ni Freen. Sa bawat pagkiskis ng kanilang mga ari ay parang mawawala na sa sarili ang dalaga. Patindi nang patindi ang sarap na kaniyang nararamdaman at pabilis din nang pabilis ang kanilang mga galaw. Hanggang sa unti-unti na niyang naramdamang siya ay lalabasan na.
“F-Faster!” nahihirapang sabi ni Becky.
Nakagat ni Freen ang kaniyang labi. Mas binilisan niya pa ang pagkilos sa ibabaw ng dalaga.
“Look at me,” tawag niya rito.
Bahagyang napaungol si Freen nang makita ang nagsusumamong mga mata ni Becky. Sa puntong iyon ay alam na niyang malapit na ang dalaga. Kaya mas ibinuka niya pa ang mga hita at ginalingan ang pagkilos. Nagpatuloy siya sa paggalaw hanggang sa unti-unti na rin niyang naramdamang lalabasan na siya.
Humigpit ang kapit niya sa hita ni Becky. Ilang sandali pa ay sabay na silang napaungol nang malakas. Sabay nilang inilabas ang matinding init ng katawan at naabot ang rurok ng kaligayahan.
Bumagsak si Freen sa tabi ni Becky at naghabol ng paghinga. Ipinikit niya ang mga mata at pinakalma ang sarili. Napakislot siya noong maramdamang yumakap sa kaniya si Becky. Napangiti si Freen at hinayaan na lang ang dalaga.
“Thank you,” ani Freen. Saka hinalikan sa ulo ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Love you for 365 Days (FreenBecky)
RomanceNag-iisang anak si Freya Ann 'Freen' Salvador ng isang sikat na negosyante sa bansa. Lahat ng mga tao ay tinitingala ang kanilang pamilya at nakabantay sa bawat kilos nila. Noong umabot na sa tamang edad si Freen ay napagkasunduan ng kaniyang pamily...