Chapter 13

26 3 0
                                    

Chapter 13: Love You for 365 Days

Ilang araw pa na nagtagal sila Freen sa Italy. At sa mga araw na iyon ay wala silang ibang ginawa kundi ang magsaya. Umalis na rin kasi sila Summer kinabukasan. Habang sila Samuel naman ay may sariling lakad. Kaya naman ay nasolo nilang dalawa ang isa't isa.
“Parang ayaw ko nang umuwi,” ani Becky. Nakahiga sila sa beach chair sa labas ng yate kung nasaan sila. Humigpit ang yakap niya sa asawa. “H’wag na lang kaya tayo umuwi?”
Napangiti si Freen. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito habang nakapikit pa rin. “You know we can’t do that. Marami akong dapat asikasuhin sa Pinas.”
Lumabi si Becky. Dumapa siya upang makita nang maayos si Freen. “Ano’ng mangyayari kapag umuwi tayo? Hindi ba magagalit ang daddy mo?”
Idinilat na ni Freen ang mga mata at tiningnan si Becky. “He will be angry… for sure. Pero wala na siyang magagawa. We’re married.”
Muling napangiti si Becky. “Ang sarap talagang marinig ‘yan mula sa ‘yo. Never kong naisip na magkakaasawa ako agad.”
“Or hindi mo naisip na mag-aasawa ka ng babae?”
“Grabe ka naman sa akin. Hindi kaya ako ang confuse sa ating dalawa, ‘no?”
Natawa si Freen. “Hindi ka talaga nagpapatalo, ‘no?”
Nginitian lang ni Becky si Freen at muling yumakap dito. “I don’t want this to end.”
Tumingin si Freen kay Becky. Tumagilid siya at sinigurado na magsasalubong ang kanilang mga mata. “It won’t,” ani niya at hinalikan sa labi ang dalaga.
Mahigit dalawang linggo pa silang nanatili roon bago nila naisipan nang bumalik ng Pinas at hindi na kasama sila Samuel. Habang naglalakad sa airport ay hindi maiwasang kabahan ni Freen. Alam niyang sa oras na tumapak ang mga paa niya sa Pinas ay malalaman na agad ng tatay niya na may kasama siyang babae. Tiwala siya sa mangyayari. Ngunit kinakabahan siya para kay Becky.
“Freen, sigurado ka ba talaga na sa inyo tayo dederetso?” nag-aalalang tanong ni Becky. Nakasunod lang siya kay Freen. Parehas silang nakasuot ng sumbrelo, mask, at sunglasses. Noong una ay nagtataka pa siya kung bakit. Pero noong makakita na siya ng mga tao ay doon lang niya naunawaan kung bakit. May iilang mga tao na kumukuha ng larawan nila nang palihim. O hindi nga inililihim ng mga ito dahil may isa na makakasalubong nila na agad silang pinicture-an.
“Yes,” matipid na sagot ni Freen.
“Ahm, hindi naman sa naduduwag ako, Freen. Pero ‘di ba dapat ikaw muna ang kumausap sa parents mo? Nakita mo naman ang sinabi ng mommy sa akin, ‘di ba?”
Tumigil sa paglalakad si Freen. Halos mabunggo pa si Becky sa likod niya dahil hindi nito inaasahan ang pagtigil niya. Hinarap niya si Becky at ibinaba ang suot na mask.
Namilog ang mga mata ni Becky at napalinga-linga sa paligid. Nakita niya sa dulo ang isang grupo ng mga tao na may hawak na camera at nakatutok sa kanila. Muli niyang tiningnan si Freen.
“Ano’ng ginagawa mo? May camera!”
Ngunit imbes na pansinin ni Freen ang paalala ni Becky ay hinawakan pa niya ang kamay nito at sinapo ang pisngi. Ngumiti siya nang malapad. “Don’t worry. I won’t let them hurt you. Just trust me okay?”
Napalunok si Becky. Biglang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Gustuhin man niyang kiligin sa sinabi ng dalaga. Ngunit hindi niya magawa dahil sa pag-aalala para kay Freen. Sigurado siya na magiging usap-usapan na naman ito.
“S-Salamat.”
“You’ll be okay.”
‘OMG!’ sigaw ni Becky sa isipan. Mabuti na lamang at nakasalamin siya at mask. Dahil siguradong makikita ng lahat ang pamimilog ng mga mata niya’t pamumula ng pisngi noong hinalikan siya ni Freen sa labi. Kahit na mayroong nakaharang na mask ay ramdam pa rin niya ang diin at lambot ng labi nito. Mabilis lamang iyon pero hindi na siya nakapagreklamo pa rito.
Ngitiang muli ni Freen si Becky. Inilagay niya ang bawat daliri sa pagitan ng mga daliri nito at hinawakan ito nang mahigpit.
“Let’s go?”
Tumango lamang si Becky. Muling itinaas ni Freen ang mask at saka naglakad silang dalawa nang magkahawak-kamay. Lihim na napangiti si Freen noong makita niya ang gulat sa mga paparazzi sa ‘di kalayuan. Sigurado siya na hindi pa man sila nakakauwi sa kanila ay makakarating na sa ama ang balita. Na kaniyang nais.
Wala namang pagsidlan ang galak na nararamdaman ni Becky dahil sa ginawa ni Freen. Alam niyang kontrata lang sila. Alam niyang nagkakaintindihan na silang dalawa. Kung umakto sila sa isa’t isa ay parang magnobya na. Mag-asawa na sila ngunit sa totoo lang, hindi pa alam ni Becky ang nararamdaman ni Freen para sa kaniya. Ngunit kung siya ang tatanungin ay gusto na niya ang dalaga. Kaya ipinapangako niya na susuportahan niya si Freen sa mga gagawin nito. At ipaglalaban ito sa sarili nitong ama. Hinding-hindi niya ito bibiguin.
Pagkalabas nila ng airport ay mayroon nang naghihintay na kotse sa kanila. Pinagbuksan ni Freen si Becky ng pinto at una itong pinapasok. Pasimple pa siyang tumingin muna ulit siya sa paligid at nakitang naroon pa rin ang mga paparazzi. Kaya lalo siyang napangiti. Sumakay na siya sa kotse.
“To the mansion.”

Love you for 365 Days (FreenBecky)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon