Freen: Summer, can you look for Becky?
Summer: Who's Becky?
Freen: Bianca Mendoza. Iyong babae kahapon.
Summer: Ohhww! Mukhang na binyagan na ang aking kaibigan!
Freen: Shut up!
Freen: Just look for her and make sure she's okay.
Summer: Sure!
Summer: Congrats! Welcome to the family!
Napailing si Freen noong mabasa ang reply ni Summer. Ipinatong niya ang siko sa may pinto ng kotse na sinasakyan niya at sinapo ang ulo. Hindi mawala-wala sa isip niya ang pag-aalala kay Becky. Alam niyang mali ang mga nasabi ng mommy niya rito pero wala manlang siyang nagawa. Pakiramdam niya ay naging unfair siya rito.
"What are you thinking, Freya Ann?"
Naibaba ni Freen ang mga kamay at tumingin sa mommy niya. "Nothing, Mom."
"Sinabi ko naman sa 'yo na hindi dapat ang babaeng iyon ang inaalala mo."
Bumuga ng hangin si Freen at muling tumingin sa labas ng bintana ng kotse. "You hurt her feelings, Mom. Hindi mo dapat iyon sinabi sa kaniya."
Umarko ang kilay ni Patricia. "Don't tell me you really like that woman?" Napailing siya. "Freya, you are just confused. Okay lang 'yan. Mag-explore ka. But at the end of the day, you will still like men."
Naiikot ni Freen ang kaniyang mga mata. Minabuti na lamang niyang hindi sumagot dito dahil alam naman niyang walang patutunguhan iyon.
Hinawakan ni Patricia ang kamay ni Freen. "Anak, sana ay maunawaan mo na para sa 'yo itong ginagawa namin. Please, h'wag kana gumaya sa pinsan mo."
Napalunok si Freen. Si Carla, ang nakatatanda niyang pinsan. Anak ito ng kapatid ng kaniyang ama na matagal nang namatay. Wala na ring ina kaya naman ay halos sa kanila na lumaki. Naging parang kapatid niya nga ito dahil sa pagiging sobrang malapit nila sa isa't isa kahit na limang taon ang tanda nito sa kaniya. Ngunit noong tumuntong ito ng bente uno anyos ay umamin ito na babae rin ang gusto. Sa sobrang galit ng kaniyang ama ay walang awa nito itong pinalayas kahit alam nitong wala itong ibang mapupuntahan. Hanggang ngayon ay walang balita si Freen sa kaniyang pinsan.
Binawi ni Freen ang kaniyang kamay mula sa ina. "I won't let him control me, Mom."
"Freen!"
Hindi na lang sumagot si Freen sa ina at hinayaan itong magsalita nang magsalita. Tahimik siyang naghintay hanggang sa marating nila ang kanilang mansyon. Para nang tinatambol ang kaniyang dibdib sa sobrang kaba habang naglalakad siya papasok sa kanila. At kagaya nang inaasahan, isang malutong na sampal ang inabot niya sa ama noong magkaharap sila.
"Inutil! Isa kang demonyo!" galit na galit na sigaw ng kaniyang ama.
"Fidel! Maghunos-dili ka!" awat ni Patricia. Sinibukan nitong hawakan ang braso ng asawa ngunit itinulak lamang siya nito. Mabuti na lang at nakahawak pa siya sa sofa kaya hindi siya tuluyang natumba.
Nagpatuloy sa paglapit si Fidel sa anak at muli itong sinampal. Napaiyak na lamang si Freen habang iniinda ang ginagawa ng ama. Noong tumigil ito ay pakiramdam niya umiikot na ang kaniyang paningin dahil sa mga sampal nito. Ngunit pinilit pa rin niyang tumayo upang harapin ang ama. Ikinuyom niya ang mga palad at sinalubong ang mga tingin ng ama.
"A-Are you done, Dad?" pigil ang mga iyak na sabi niya.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Fidel. Nagtataas-baba na ang dibdib nito sa sobrang galit dahil sa nalaman. Hinding-hindi niya matatanggap ang ginawa ng kaniyang anak.
"Are you satisfied now? Pwede mo na ba akong hayaang umalis ulit?"
"Aba't! Nagmamalaki ka na talaga sa akin, ha? Freya Ann?! Anak pa rin kita! Kahit na ano pa man ang narating mo ay anak kita! Dala mo ang dugot't laman at pangalan ko! Kaya wala kang magagawa kundi ang sundin ako! Sinasabi ko na nga! Iyang mga kaibigan mo ay nakakasama sa 'yo! Dahil sa kakasama mo sa mga demonyo mong mga kaibigan ay ganiyan na ang nangyari sa 'yo!"
Parang kutsilyong tumatarak sa dibdib ni Freen ang bawat salitang binatawan ng kaniyang ama sa kaniya. Buong buhay niya ay sinunod niya ito. Kahit na nga wala na siya sa puder ng mga ito ay sinusunod pa rin niya ito. Kung noon pa pala niya kinilala ang kaniyang sarili ay siguro hindi siya nito natanggap. Kahit nga ngayon na wala pa siyang sinasabi ay para bang itinatakwil na siya.
"B-Bakit, Dad? May mali ba sa kanila? O... may mali ba sa akin? Ako pa rin naman ito, 'di ba? Anak mo pa rin ako. Bakit ba galit na galit ka sa kanila? Bakit galit na galit ka sa amin?"
Nasapo ni Patricia ang kaniyang bibig. "F-Freya Ann, please."
"Gusto mong malaman kung kagaya nila ako? Pwes, oo! Ang tagal kong pinaniwala ang sarili ko sa bagay na hindi ko naman talaga gusto. Dahil sa 'yo, Dad! Dahil nirerespeto kita! Pero sobra na ito! Pero alam mo? Kagabi ko lang na realize kung ano ba talaga ako, Dad. Kung ano ba talaga ang gusto ko. At hindi ko hahayaan na pigilan mo ako sa kaligayahan ko, Dad."
"Ano'ng sinasabi mo?! Hindi totoo 'yan, Freya! Wala akong anak na demonyo!"
"Edi wala! Fine! Ako na ang demonyo! Pero hindi ako susunod sa gusto mo! Hindi ako papayag na magkasal sa taong hindi ko naman gusto! At kung babae ang gusto ko, ano ang masama roon? Wala, Dad! Walang—"
Muling natumba si Freya noong sinampal siya ulit ng ama. Sa puntong iyon ay nahilo siya nang kaunti. Nalasahan na nga niya ang sariling dugo sa labi kaya napadura pa siya.
"Diyos ko, Freya! Tama na, Fidel! Parang-awa mo na!"
"Manahimik ka, Patricia! Dahil sa 'yo kaya nagkakaganiyan ang anak mong 'yan! Kung hindi mo siya hinayaan na lumipat ng tirahan edi sana hindi nalason ang utak niyan!"
"Anak mo siya, Fidel! Parang-awa mo na! H'wag ang anak natin!"
Napailing-iling si Freen. Pinilit niyang tumayo at muling hinarap ang ama. Huminga siya nang malalim at unti-unting tumalikod dito. Walang patutunguhan ang pakikipagtalo sa kagaya niyang sarado na ang isip. Kung hindi siya nito matatanggap ay mas pipiliin na lang niyang h'wag siya nitong kilalanin bilang anak.
"Where are you going, Freya Ann?!" galit na tanong ni Fidel. Halos bumakat na ang mga ugat sa leeg nito sa sobrang galit. Ngunit hindi manlang lumingon si Freen at nagpatuloy sa paglalakad. "That woman!"
Biglang napataigil si Freen sa paghakbang.
"I will make sure that her life will be miserable if you leave this house, Freya Ann!"
Naikuyom ni Freena ng mga palad. Humarap siya sa ama. "Wala siyang kinalaman dito, Dad! Hindi ko siya kilala! Nakasama ko lang siya kagabi!"
"Really? Then why do you look afraid for her?"
Natameme si Freen. Nag-iwas siya ng tingin sa ama.
"Go. Leave! Don't listen to me. But you know what will happen to her, Freya Ann."
Muling nanubig ang mga mata ni Freen. "Why are you doing this, Dad?"
"Dahil siya ang rason kaya ka nagkakaganito. So, don't you dare, Freya Ann. Kapag umalis ka ngayon at hindi pumayag sa gusto ko, she will suffer!"
"Dad, I just met her last night. H'wag mo na siyang idamay dito! Ni hindi ko nga siya kilala nang lubusan e! Just, please!"
"You know what you will do, Freya Ann. Siguraduhin mong tama ang magiging desisyon mo."
Nasapo na lamang ni Freen ang kaniyang bibig at muling umiyak. Tinalikuran na siya ng ama at naglakad palayo sa kaniya. Habang ang kaniyang ina naman ay nilapitan siya at niyakap.
Alam ni Freen na hindi nagbibiro ang kaniyang ama. Ganito ang ginawa nito sa kaniyang pinsan. Kaya nga hindi na talaga ito nagpakita dahil pinahirapan talaga ng kaniyang ama. Pwede naman niyang suwayin na ito. Ngunit hindi makakaya ng konsensya niya na may ibang tao ang magbabayad dahil sa katigasan ng ulo niya sa ama. Maaring masyado pang maaga. Pero hindi niya maitatanggi na naging parte na ng kaniyang pagkatao si Becky.
At hindi niya makakayanan kung magdudusa ito dahil sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Love you for 365 Days (FreenBecky)
RomanceNag-iisang anak si Freya Ann 'Freen' Salvador ng isang sikat na negosyante sa bansa. Lahat ng mga tao ay tinitingala ang kanilang pamilya at nakabantay sa bawat kilos nila. Noong umabot na sa tamang edad si Freen ay napagkasunduan ng kaniyang pamily...