Chapter 9: Love You for 365 Days
Kanina pa magkaharap sina Becky at Freen sa lamesa. Panay ang inom ni Becky sa tubig na nasa tabi niya. Kapansin-pansin na rin ang pamamawis niya dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Ilang linggo niyang hindi nakita ang dalaga kaya hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Deretso lang na nakatitig sa kaniya si Freen at wala manlang pinapakitang emosyon. Ni hindi niya nga mahulaan kung natutuwa ba ito na nagkita sila ulit o hindi.
Noong hinatid niya ang pagkain ng dalawa ay biglang tumayo si Mr. Ford at pinapaupo siya sa pwesto nito. Lumipat ito ng lamesa at doon pinapahatid ang ilang pagkain. Bago pa siya magtagal sa kinakaupuan ay may dumating na isa pang lalake at naupo sa lamesa ni Mr. Ford. Panay nga ang tingin niya sa mga ito dahim nakikilala niya ang binatang kasama nito. Isa iyong sikat na artista.
Tumikhim siya. “Freen… kumusta ka?” tanong ni Becky. Sinalubong niya ang mga titig nito.
Huminga nang malalim si Freen. Inabot niya ang wine glass na may lamang wine at umino doon.
“I'm good. Ikaw? Mukhang nakahanap ka na ng bagong work.”
Napangiti si Becky. “Oo. Salamat sa tulong mo.”
“Kumusta naman ang trabaho mo rito?”
“Ayos naman. Mabait naman ang mga katrabaho ko. Tsaka malaki ang pasweldo niyo kaysa sa nauna kong trabaho.”
“Mabuti naman.”
Humigpit ang hawak ni Becky sa laylayan ng uniporme niya. “H-Hindi ka ba pinagalitan sa inyo, Freen?” tanong niya makalipas ulit ng ilang sandali.
“Bakit naman ako papagalitan?”
“Freen, e kasi… hay! Bakit hindi mo tinawagan pagkatapos no'n?”
“Why?”
“Ano’ng why? Syempre, nag-aalala ako sa ‘yo! A-Alam mo naman nangyari noong huli tayo nagkita. Ano sabi ng mommy mo?”
“Nothing.”
“Freen—” Napapikit nang mariin si Becky. Hindi niya nagugustuhan na para bang naglilihim sa kaniya ito. “Fine. Sorry. Masyado ata ako nag-invest sa ilang oras na magkasama tayo noon. Salamat sa tulong mo sa akin, Ms. Salvador.” Tumayo siya. “Babalik na po ako sa trabaho ko.”
Mabilis na hinawakan ni Freen ang kamay ni Becky bago pa man ito makalagpas sa kaniya. “We’re still talking.”
“Para namang hindi ko ramdam na gusto mo akong makausap.”
Napabuga ng hangin si Freen. Tumayo siya at muling pinaupo ang dalaga. “Fine, sorry.” Naupong muli si Freen sa upuan niya. “Everything is okay. Hindi mo na kailangang isipin pa kung ano ang nangyari sa akin noon.”
“Okay,” sagot ni Becky kahit hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ni Freen. “Bakit mo ba ako gustong makausap? Pananagutan mo na ako?”
Inirapan ni Freen si Becky. “No.”
“Nagbibiro lang e.” Napanguso si Becky dahil hindi manlang ngumiti ng dalaga. “Ano ba 'yon?”
“I'm offering you a deal. Dahil sa nangyari sa atin ay sa tingin ko ikaw ang pinaka tamang choice na tumulong sa akin,” pag-uumpisa ni Freen. Kinuha niya ang isang folder na nakapatong sa tabi ng upuang inuupuan niya at inabot ito kay Becky. “Read it.”
Nalilito man ay kinuha ni Becky ang folder. Agad niya itong binuklat at binasa. Unang parte pa lang ng dokumento ay napanganga na siya.
“I-Ikakasal? Gusto mo tayong magpakasal?” nanlalaki ang mga mata na tanong ni Becky.
Tumango si Freen. “Yes. And we should do it as soon as possible.”
Tiniklop ni Becky ang papel. Sandali niyang tiningnan si Samuel na masayang kausap pa rin ang kasama nito. Pagkatapos ay muli siyang tumingin kay Freen.
“Alam ko naman na maganda ako… at masarap. Kahit walang pera. Pero sigurado ka ba? Bakit? Na in love ka na ba sa akin dahil sa nangyari sa atin?”
Umarko ang gilid ng labi ni Freen. “Don't get me wrong, Becky. Kung ano man ang nangyari sa atin noon, okay. I'm sorry. Lasing ako noon. We both are. But this contract is different. At hindi iyon dahil sa nangyari sa atin.”
“Ang sakit mo talaga magsalita palagi, ’no?” Napalabi si Becky.
“I'm just stating the facts para hindi ka na umasa pa.
“Oo na. Pero bakit ba? 'Di ba ikakasal ka na?”
Sandaling natahimik si Freen at tiningan si Samuel. “Yes.”
“E bakit tayo magpapakasal?”
“Dahil ayaw kong sundin si Dad. Gusto kong patunayan sa kaniya na hindi ko kailangang magpatali sa isang lalake na ikukulong lang ako sa isang relasyon na hindi ko naman gusto. At isa pa… I realized I'm not into men.”
“Talaga?” Napangiti nang malapat si Becky. “Congrats for finally coming out!”
Natigilan si Freen. Hindi niya napigilang ngumiti dahil sa sinabi nito. Sa unang pagkakataon ay naging totoo siya sa sarili. At masaya siyang makita na may masaya para sa kaniya. Kaya naman ay mas lalo siyang naging pursigido na umalis sa puder ng ama.
“Thank you,” bulong niya. “Anyway, do you accept it? It's just for a year. Pagkalipas ng isang taon ay we can divorce each other and go on with our lives. I already put my terms there. Pwede mong idagdag diyan ang sa 'yo. Also, I will pay you.”
Muling napanguso si Becky. “Akala ko pa naman nahulog ka na sa akin. Char!” biro niya ulit at tumawa. Ngunit noong makitang muling nangunot ang noo ni Freen ay naiikom niya ang bibig.
Ang seryoso talaga sa buhay nito, ani niya sa isipan.
“E paano natin gagawin?”
“Ako na ang bahala doon. I just need you to agree with it.”
Tinitigan ni Becky si Freen. Inilapag niya ang folder sa lamesa at ginaya ang pagkakaupo ni Freen. Tuwid na tuwid ang likod at magkakrus pa ang mga kamay.
“Bukod sa pera, ano naman ang mapapala ko rito?”
Umarko ang kilay ni Freen. “What do you want then?”
Umarko din ang kilay ni Becky. Matagal siyang nakipagtitigan sa dalaga hanggang sa kusa na siyang tumigil.
“Oo na! Joke lang. Pinaglihi ka ba ng Mommy mo sa sama ng loob? Bakit ang hirap mo pasayahin?”
Mas lalong nangunot ang noo ni Freen. Napailing na lamang siya at kinuha ang cellphone sa bag.
“This is for you. Wait for my call. And make sure that your passport is ready. I-review mo na rin nang maigi ang contract bago mo pirmahan.”
Ngumiti si Becky. “Yes, Ma'am!”
Muling napailing si Freen. Ngunit sa kaniyang isipan ay natutuwa siya dahil tama ang kaniyang napiling tao. Kahit na magkaiba sila ng personalidad ay napapasaya naman siya nito. Hinihiling na lamang niya na maging maayos ang kanilang plano.
You will not win, Dad. I will dictate my own life!
BINABASA MO ANG
Love you for 365 Days (FreenBecky)
RomanceNag-iisang anak si Freya Ann 'Freen' Salvador ng isang sikat na negosyante sa bansa. Lahat ng mga tao ay tinitingala ang kanilang pamilya at nakabantay sa bawat kilos nila. Noong umabot na sa tamang edad si Freen ay napagkasunduan ng kaniyang pamily...