Chapter 14: Love You for 365 Days
“You really lost your mind now, Freya Ann?!”
“Fidel!”
Mariing pinigilan ni Patricia ang asawa na sugurin ang anak. Lumuluha na siya dahil kanina pa niya pinapakiusapan ang asawa na kumalma lamang. Ngunit hindi na nito napigilan ang sarili noong dumating sa kanilang tahanan si Freen kasama ang asawa nito.
Napakapit naman nang mahigpit si Becky sa braso ni Freen. Kanina pa siya kinakabahan. Mas dumoble ang takot niya ngayon na kaharap na nila ang ama nito.
“F-Freen,” bulong niya.
“What are you even thinking, huh?! You married a woman?! Ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa pamilya natin, ha? Pinapahiya mo talaga ako!” sigaw muli ni Fidel.
Kinuyom ni Freen ang kaniyang mga palad. Huminga siya nang malalim at sinalubong ang nanlilisik na mga titig ng kaniyang ama. Na kung siguro ay nakamamatay ang mga tingin ay kanina pa sila bumulagta ni Becky. Kinuha niya ang kamay ni Becky at hinawakan iyon. Nakita niyang lalong nag-alburoto ang mukha ng kaniyang ama.
“What’s wrong with marrying the woman I love, Dad?”
“Freya!” ani Patricia. “Don’t talk anymore, please!”
Tiningnan ni Freen ang ina. “No, Mom! Umpisa pa lang ay ayaw ko na talaga sa kasal na iyon. Hindi ko gustong magpakasal kay Samuel! At wala na kayong magagawa ngayon. We are married.”
“Love? I will show you what love is!”
“Fidel!”
Marahas na tinanggal ni Fidel ang hawak ni Patricia sa kaniya. Tinatlong hakbang niya ang pagitan nila ng anak at hinablot sa braso si Becky.
“Dad!”
Napaiyak na si Becky dahil sa malakas na paghila ni Fidel. Pakiramdam niya ay hihiwalay na sa kaniyang katawan ang braso dahil sa ginagawa nito. Mabuti na nga lang at hindi binibitawan ni Freen ang kabilang kamay niya.
“Nasasaktan po ako!” umiiyak na sabi ni Becky.
“Hindi lang ‘yan ang matitikman mo! You dare to seduce my daughter?!”
“Dad! Stop it!” Hinawakan ni Freen ang kamay ng ama noong akma nitong sasampalin si Becky. “Matatanggap ko kung ako ang sasaktan mo. Pero hinding-hindi ako papayag kung pati ang asawa ko ay saktan mo!”
Natigilan si Fidel. Para na siyang hihingalin dahil sa sobrang galit. “How can you love a woman that you didn’t even know, huh?! And a woman?!”
“Why Dad? There’s nothing wrong if I love a woman. Mahal ko siya at iyon ang importante!”
Kinuha ni Fidel ang kamay mula sa anak at itinulak ang anak. Lalong nag-init ang ulo niya nang makitang agad na niyakap ni Freen ang babae.
“It’s okay now,” nag-aalalang sabi ni Freen at hinagod ang likod ni Becky.
“Sinagad mo na talaga ako, Freen. Sumosobra ka na! You are a disgrace to this family!”
Nangilid na rin ang mga luha ni Freen. Tiningnan niya ang ama habang yakap-yakap pa rin si Becky. “Kailan ba kayo natuwa sa ginagawa ko, Dad? All my life, I listened only to you. Bawat galaw ko. Bawat desison na gagawin ko sa buhay ko. Lahat ay ikaw ang nasusunod! Wala akong ibang sinunod kundi ikaw! But it’s still not enough because it will never be enough! Because I am not a man!”
Natigilang muli si Fidel. Habang si Patricia naman ay mas lumakas ang iyak. Sinapo nito ang dibdib at ang bibig habang nalulungkot na nakatingin sa anak.
“What did you say?”
Huminga nang malalim si Freen. Sandali niyang binitawan si Becky at pinapwesto sa kaniyang likuran.
“Narinig ko kayo ni Mom na nag-uusap noon. Kauuwi ko lang at masaya ko sanang sasabihin sa inyo na may nakuha akong achievement sa school. You were arguing with mom because she lost a child! You are blaming her because she cannot give you a son! And you are blaming me because I am not a man! Since then I tried my best para patunayan sa ‘yo ang sarili ko. Inuna ko kung ano ang magpapasaya sa ‘yo. But is it enough? No. I am never enough for you, Dad!” Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ni Freen. “Kaya hindi na ako papayag na kontrolin mo pa ang buhay ko ngayon. I will choose who I will end up with!”
Pakiramdam ni Patricia ay sinasaksak ang kaniyang dibdib habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng anak. High school noon ang dalaga noong mabuntis siyang muli ng asawa. Ngunit dahil may edad na siya ay hindi na iyon kinaya ng kaniyang matres at nalaglag ang pinagbubuntis niya. Nagtalo silang mag-asawa dahil sa tagal ng panahon ay hindi niya nabigyan ng lalakeng anak ang asawa. Ni sa hinagap ay hindi niya inakala na narinig pala iyon ng kaniyang anak.
“Oh, Freya. I’m sorry!” ani Patricia.
Para namang sinampal si Fidel dahil sa sinabi ng anak. Nag-iwas siya ng tingin at kinuyom ang mga palad. Mahal naman niya ang anak. Ngunit may mga paniniwala lang siya sa buhay na kahit ano ang pilit niyang gawin ay hindi niya mababago. Dahil iyon ang humubog sa kaniya kung ano siya ngayon. Kung bakit siya nasa ganitong posisyon.
“Fine. If that’s what you want. I will let you.”
“Fidel! H’wag mong sabihin na pinapalayas mo ang anak mo!” ani Patricia. Naglakad siya papunta sa harapan nito. “Hindi ako papayag na mawala pati ang anak natin!”
Tiningnan ni Fidel ang asawa. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin, Patricia. Papayag ako sa kung ano ang gusto ng anak mo. Pero dito sila titirang dalawa.”
Nangunot ang noo ni Freen. Pinunasan niya ang mga luha at nalilitong tiningnan ang ama. Hindi ito ang inaakala niyang magiging desisyon ng ama.
“What?”
“S-Seryoso ka ba sa desisyon mo, Fidel.”
“Yes. And that’s final.”
Napangiti si Patricia. Pinunasan niya ang mga luha at hinarap ang anak. “F-Freya, you heard your dad. He’s accepting your…” Tiningnan niya si Becky. Napailing siya at muling tumingin sa anak. “Pumayag ka na.”
“No,” mabilis na sagot ni Freen. Hindi niya sigurado ang gusto ng ama. “What are you planning, Dad?”
Lalong nangulubot ang noo ni Fidel. “I’m agreeing now and you’re still questioning me? You’re still my daughter. Kaya kung gusto mong pumayag ako sa gusto mong gawin. Dito kayo titira sa bahay ko!” ani Fidel. Muli niyang tiningnan si Becky. Agad itong tumungo noong magsalubong ang kanilang mga mata. Napailing na lamang siya sa sinis at nagmartsa na pabalik sa opisina nito sa bahay.
“Freya, please. Ayaw kong mawala ka rin sa akin. Parang-awa mo na, anak. Kahit para na lang sa akin. Pumayag ka na sa gusto ni Daddy mo,” pakiusap ni Patricia.
Napabuntonghininga si Freen. Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumak-ayon sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Love you for 365 Days (FreenBecky)
RomanceNag-iisang anak si Freya Ann 'Freen' Salvador ng isang sikat na negosyante sa bansa. Lahat ng mga tao ay tinitingala ang kanilang pamilya at nakabantay sa bawat kilos nila. Noong umabot na sa tamang edad si Freen ay napagkasunduan ng kaniyang pamily...