Chapter 15: Love You For 365 Days
“Will you be okay here?” nag-aalalang tanong ni Freen kay Becky.
Tumango si Becky. “Oo. Ayaw ko namang magalit lalo ang Daddy mo. Nakakatakot pala siya.”
Napabuntonghininga si Freen sa sinabi ni Becky. Matapos ang paghaharap nila ng ama ay wala na siyang nagawa pa kundi ang sundin ito. Hindi na sila umalis sa mansyon at dumeretso sa kwarto niya. Na ilang taon na rin niyang hindi napapasok magmula noong umalis siya sa puder ng mga magulang. Maluwag naman iyon at malaki ang kama kaya sigurado siya na magkakasya silang dalawa.
Naupo si Freen sa kamay sa tabi ni Becky. Hinawakan niya ang braso ng dalaga na hinawakan kanina ng ama. Napailing siya noong makitang namumula pa iyon dahil sa matinding pagkakahawak ng ama kanina.
“I’m really sorry about this.”
“Naku, wala 'to. Malayo naman sa bituka.”
Muling napabuntonghininga si Freen. “Why are you still joking? Akala ko ba natatakot ka kay Dad?”
Ngumiti si Becky. “Syempre naman natatakot ako. Kulang na lang ilibing ako ng buhay ng Daddy mo kanina. Pero sabi mo magtiwala ako sa 'yo, 'di ba? Kaya iyon ang ginagawa ko. Naniniwala ako na hindi mo ako hahayaang masaktan niya.”
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Freen. Bigla siyang namangha sa pinapakita sa kaniya ni Becky. Kaya naman ay mas lalong sumidhi ang kagustuhan niyang maging malaya sa ama. Susundin niya na lang muna ito sa ngayon.
Inabot ni Freen ang labi ni Becky at hinalikan. Saglit lang pero biglang napahagikhik si Becky.
“Ang hilig mo talagang manggulat!”
“You're so cute.”
“Cute lang?”
Ngumiti si Freen. “Come here.” Lumapit pa sa kaniya si Becky. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo. “I will protect you no matter what.”
Gumanti rin ng yakap si Becky kay Freen. Masaya siya dahil kahit na ganoon ang ama nito ay hindi siya nito pinapabayaan. Masaya siyang maramdaman na totoo si Freen sa mga sinasabi nito sa kaniya.
Nasa ganoon silang posisyon nang biglang bumukas ang pinto.
“Freya Ann—”
Natigilan si Patricia nang makita ang anak at asawa nito na magkayakap. Dali-dali namang bumitaw si Becky kay Freen at umusod palayo dito.
“Mom! Can you knock, please?”
Iniikot ni Patricia ang mga mata. “You never lock your room. What do you expect from me?”
Nabuga ng hangin si Freen. Tumayo siya at hinarapan ina.
“What do you need?”
“Nothing. I'm just checking up on you. Alam mo naman kung gaano ako kasaya na narito ka na ulit. Nakita mo ba? Wala akong pinabago sa kwarto mo.”
“I noticed it.”
Tumingin si Patricia kay Becky. Lalo siyang nainis noong mapatingin ito sa kaniya at nginitian siya. Inirapan niya lang ito at muling tumungin sa anak.
Bigla naman nakaramdam nang pagkakapahiya si Becky. Kung hindi lang dahil kay Freen ay aalis na talaga siya rito. Pero ayaw niyang ipakita sa asawa na pinaghihinaan siya ng loob. Gusto niyang matulungan ito.
“Are you really sure that she'll be in your room too?”
Nangunot ang noo ni Freen. “Of course. Bakit naman hindi?”
“Well, marami naman tayong rooms anak. Kung gusto mo ay ipapahanda ko na lang ang isang guest—”
“Mom,” pigil ni Freen sa ina. “She’s my wife. Kung nasaan ako ay nandoon din siya.”
“E anak, kasi. Parehas kayo babae. Hindi mo siya asawa!”
“Mom! Please? Pagtatalunan din ba natin ito? Akala ko ba okay na dahil pumayag na akong dito rin kami? Bakit naman pati ikaw ay parang nagiging si Dad na?” hindi makapaniwalang sabi ni Freen.
Umawang ang bibig ni Patricia. Gusto pa sana niyang magsalita pero minabuti na lamang niyang h'wag nang makipagtalo sa anak. Ayaw naman niyang umalis ito sa kanila.
“O-Okay. I'm sorry. I'm just suggesting, okay?”
Napailing si Freen. “You can go now, Mom. We're okay.”
Nawala nang nagawa pa si Patricia at umalis na lamang. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ay sinamaan niya ng tingin si Becky. Hinding-hindi niya matatanggap si Becky!
Pagkaalis ng ina ay nag-ayos na ng kwarto sila Freen. Inilagay ni Becky ang mga damit sa closet ni Freen. Napapangiti pa siya habang iniisip na talaga ngang mag-asawa na sila.
“Dapat pala may picture tayong dalawa,” ani Becky habang pinagmamasdan ang ilang mga larawan ni Freen.
“Marami sa phone ko,” sagot naman ni Freen na abala na sa laptop. Tinawagan kasi siya ng secretary niya kanina.
Kinuha ni Becky ang isang picture frame. Batang-bata pa tingnan si Freen doon at mukhang nag-aaral pa.
“Ang ganda talaga ng asawa ko,” napapangiting sabi ni Becky. Inilapag niya iyon at tinignan si Freen. “Ibig kong sabihin ay iyong parang sa mga mag-asawa talaga. Iyong malaki ang picture?”
Nangunot ang noo ni Freen. Nakuha naman niya agad ang ibig sabihin nito.
“Okay. We'll do that tomorrow.”
“Thank you!”
Lumipas ang mga oras at dumating ang gabi. Kasama pa rin nila Freen ang mga magulang sa hapunan. Halos walang nagsasalita sa kanila at ramdam na ramdam ni Becky ang tensyon. Halos hindi nga niya malunok ang nginunguyang pagkain.
Pagkatapos nila ay bumalik na rin ulit silang dalawa sa kwarto. Hindi siya hinahayaang iwan ni Freen sa tuwing lalabas siya at may gustong kuhain. Madalas ay ito pa nga ang bumababa para kuhain iyon. Mas lalo namang nagagalak si Becky.
Gabi na at hindi makatulog si Becky. Malamig naman ang paligid at malambot ang kama. Ngunit kahit na anong baliktad niya ay hindi niya magawang makatulog. Pakiramdam niya ay namamahay siya kinuha niya ang cellphone at nag-scroll doon. Bigla siyang nalungkot kasi hindi niya pwedeng i-post ang mga picture nila ni Freen. Kaya pinalitan na lamang niya ang status sa in relationship.
“'Yan!”
Napangiti siyang muli. Nakita niya agad na may ilang nag-like niyon at may nag-chat pa kung sino ang nobyo. Sinagot na lamang niya ang ilang mga kaibigan na trip lang. Habang ginagawa iyon ay biglang may lumabas na text message sa screen niya.
Unknown number: Come down.
Napalunok si Becky at agad na nilingon si Freen. Nakahinga siya nang maluwag noong makitang mahimbing ang tulog ni Freen. Dali-dali niyang naupo at binura ang mensahe. Muli niyang tiningnan si Freen nang may lungkot.
“Sorry,” bulong ni Becky. Saka tumayo at lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Love you for 365 Days (FreenBecky)
RomanceNag-iisang anak si Freya Ann 'Freen' Salvador ng isang sikat na negosyante sa bansa. Lahat ng mga tao ay tinitingala ang kanilang pamilya at nakabantay sa bawat kilos nila. Noong umabot na sa tamang edad si Freen ay napagkasunduan ng kaniyang pamily...