Chapter 16

22 2 0
                                    

Chapter 16: Love You Forever

“How’s your sleep?” tanong ni Freem kay Becky. Habang pinapahiran ng butter ang hawak na tinapay.
Bumuga ng hangin si Becky. “Medyo namahay ako. Ang laki kasi ng bahay niyo,” pabirong sabi niya.
Inilagay ni Freen ang tinapay sa platito ni Becky. “Napansin ko nga. Where did you go last night?”
Natigilan si Becky. Gulat na tiningnan niya si Freen. “A-Ano ang ibig mong sabihin?” Kinuha niya ang tinapay at kumagat doon. Muli siyang napahugot ng paghinga dahil sa biglang tanong ni Freen.
“Naalimpungatan kasi ako kagabi. Wala ka na sa tabi ko.”
Nag-iwas ng tingin si Becky. “G-Gano’n ba? Baka naman noong nagbanyo ako. Kasi nga ‘di ba hindi ako makatulog nang maayos?” Kabadong tumawa siya.
Napatango-tango si Freen. “Okay. Anyway, what’s your plan today?”
“Balak ko sanang umuwi sa amin. Hindi pa kasi alam nila Mama na nakauwi na ako.”
“I will send you home.”
Namilog ang mga mata ni Becky. “Ha? H’wag na! Kaya ko na.”
“Ano ka ba? Sabay rin naman tayong aalis kaya hayaan mo na akong ihatid ka. Para na rin makilala ko sila.”
Mabilis na umiling si Becky. Bahagya pa nitong iwinagayway ang mga kamay. “Okay lang ako, Freen. Hindi mo na ako kailangang ihatid pa. At isa pa, hindi mo magugustuhan ang lugar namin.”
Nangunot ang noo ni Freen. “Bakit naman? What’s wrong in your place?”
“Squatters area iyon. Hindi ka bagay roon, ‘no?”
“And so? I told you that I don’t care where you are from.”
Napangiti si Becky sa sinabi ni Freen. Kitang-kita pa niya sa mukha nito ang sensiridad sa sinabi nito. Inabot niya ang kamay ni Freen at bahagya itong pinisil.
“Alam ko naman iyon. Pero saka na lang, okay? Para din sa ‘yo ito.”
“Fine. Fine.” Tumango-tango si Freen. “Ihahatid na lang kita sa sakayan.”
“Sige.”
Muli silang kumain ng almusal. Silang dalawa lang ang nasa dinning area dahil maagang umalis ang mga magulang ni Freen. Kaya naman ay medyo magaan ang pakiramdam ng dalawa. Lalo na si Becky na kagabi pa hindi mapakali. Nahihiya nga siyang tingnan si Freen pero kailangan niyang pilitin ang sarili.
Pagkatapos nilang mag-asikaso ay lumabas na sila ng mansyon. Kagabi pa nakahanda ang ilang mga pasalubong na nabili ni Becky para sa kaniyang mga kapatid. Nasa bagback iyon at isang paperbag. Dala ni Freen ang sasakyan nito at siya na ang nagmaneho. Nasa terminal na sila noong may inabot na card si Freen kay Becky.
“Ano ‘yan?”
“Ahm… allowance. For you. Nakadikit na ang pin sa likod ng card.”
Napanganga si Becky. “H-Ha? Seryoso ka ba?” Marahan niyang itinulak ang kamay nito. “H’wag na! Ano ka ba? May trabaho naman ako e!”
Iniikot ni Freen ang mga mata. “And so what? Gusto kong bigyan ka ng pera. You deserve it.”
“Freen.” Umiling si Becky. “Oo, kailangan ko ng pera. Pero ayaw kong abusohin ka.”
“You’re my wife, Becky.” Kinuha ni Freen ang kamay nito. “Isipin mo na lang na allowance mo ito because of our contract.”
Napabuntonghininga na lamang si Becky noong nakaramdam siya nang kaunting sakit sa kaniyang dibdib. Sa tuwing nababanggit nito ang tungkol sa kanilang kasunduan ay bigla siyang ibinabalik sa reyalidad. Hindi na lamang nakipagtalo pa si Becky at kinuha ang card. Nginitian niya si Freen at nagpasalamat dito. Bababa na sana siya ngunit nagsalita pa si Freen.
“Wait.”
Nilingon ni Becky si Freen. Nagulat siya noong bigla siya nitong halikan sa labi.
“There. Take care, my wife. H’wag mong kalimutan na tawagan ako pagdating mo sa inyo.”
Nahihiyang ngumiti si Becky at tumango. “Sige.” Tuluyan na siyang bumaba ng kotse. Hinintay pa niyang makaalis muna si Freen bago napabuntonghiningang muli. Nakokonsensya bigla dahil sa pakikitungo nito sa kaniya.
Minabuti na ni Becky na sumakay ng jeep pauwi sa barangay nila. Ilang araw lang siyang nawala rito ngunit bigla siyang nanibago. Muli siyang nainggit kay Freen dahil sa maganda nitong buhay. Kung sana ay nagmula rin siya sa magandang pamilya ay hindi na niya kailangan pang maghirap.
“Para po, Manong!” ani Becky. Tumigil ang traysikel na sa sinasakyan niya sa tapat ng isang maliit na eskinita. Nakita niya agad ilang mga tambay sa tabi ng kalsada na nakatingin sa kaniya. Gano’n din ang ilang mga kababaihang nag-uumpukan sa tabi. Napailing na lamang siya dahil alam na niya ang nasa isip ng mga ito.
Pagkatapos makuha ni Becky ang sukli ay pumasok na siya sa eskinita kung nasaan ang bahay nila. Malayo-layo pa siya pero rinig na niya ang malakas na boses ng ina. Nagagalit na naman ito dahil sa hindi pa niya alam na dahilan.
“Ate! ‘Ma! Nandito na si Ate!”
Napangiti si Becky noong makita si Carlo. Ang walong taong gulang niyang kapatid na lalake. Ito ang bunso nila at sobrang malapit sa kaniya. Agad itong yumakap sa kaniyang baywang noong makalapit na siya.
“Ate! Nasaan ang pasalubong ko?”
Kinurot ni Becky ang pisngi ng kapatid. “Pasalubong agad? Hindi mo ba na miss ang ate?”
“Syempre! Pero gusto ko ng chocolates!”
Tumawa si Becky. Inabot niya ang paperbag dito. “Ayan. Bigyan mo ang mga pamangkin mo, ha?”
“Yehey!”
Nagmamadaling pumasok ng bahay si Carlo. Agad na bumungad kay Becky ang magulong harapan nila. Kaya naman pala sigaw nang sigaw ang nanay niya dahil naglalaba pala ito. Nasa lapag ang dalawang banyera na puno ng tubig. Ang dalawang basket ay puno rin ng mga damit. Na sigurado siya na damit na ng lahat ng mga kapatid at mga pamangkin. Maliit lamang ang harapan nila kaya nahirapan pang pumasok si Becky sa loob.
“Oh, ano? Mabuti naman at umuwi ka pa!” bungad ni Maria sa anak. Ito ang nanay ni Becky. Nakaupo ito sa pang-isahang upuan na gawa sa kawayan at panay ang paypay sa sarili. Kahit kasi may electricfan sila ay mahina naman ang buga ng hangin niyon.
Napatingin si Becky sa kapatid na lalake natutulog naman sa pahabang upuan. Sa gitna ng sala ay naroon si Carlo kasama ang dalawang anak ng mga kapatid niya at binubulatlat ang dalang paperbag.
“Kukuha lang ako ng damit, Ma. Tsaka iyong uniform ko.”
“Bakit? Saan ka na naman pupunta? Hindi ka pa ba uuwi?”
Umiling si Becky. “Hindi pa.”
Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Maria at sinamaan ng tingin ang anak. “Ano?! Sige! Lumayas ka na! Iyan naman ang gusto mo, ‘di ba? Ang makalayas na rito! Tangina! Bumalik ka pa talaga?”
“Ate!”
Napatingin si Becky sa maliit nilang hagdan. Pababa roon ang kapatid niyang si Josell. Ito naman ang ikatlo niyang kapatid na babae. Nasa kolehiyo na sana ito kung hindi lang nabuntis noong second year na ito. Sa ngayon ay naghahanda ito sa muling pagpasok. Nagmamadali itong bumaba.
“Nakabili ka?”
Ibinaba ni Freen ang dalang bagback. “Kay kuya iyong isa.”
“Yes!”
Muling napailing si Becky. Nagpapabili kasi ito sa kaniya ng bagong damit para sa pagpasok nito. Dumeretso na siya sa ikalawang palapag upang kuhain ang ilang importanteng gamit at dami. Inilagay na lamang niya iyon sa bag. Bumaba na rin siya pagkatapos.
“O, ano? Aalis ka na lang? Wala ka bang ibibigay sa akin?” tanong muli ni Maria sa anak.
“Ha? 'Di ba nagbigay na ako ng trenta mil bago ako umalis, Ma?”
“Hoy, Becky! Ako ay h'wag mo nang kimuwestiyon! Nakikita mo naman kung ilan ang palamunin dito sa bahay, o? Idagdag mo pa ang tatay mong nandoon na naman sa opisina niya!”
Humigpit ang hawak ni Becky sa strap ng bag. Ito ang malaking problema niya. Ang tatay niya na mahilig magsugal. Sa araw-araw na lang ay palagi itong nasa pasugalan kahit na may sakit.
“Ano ba 'yan, Ma?! Alam namang may natutulog—o Becky! Andito ka na pala!” Naupo si Bernard. Ang panganay na kaptid ni Becky. “Baka naman may isang libo ka riyan. May tatayaan lang akong ending!”
“Manahimik ka, Bernard! Nakita mo na ngang kailangan ng tatay mo ng maintenance! Kung nagtatrabaho ka kaya at hindi hinahayaan ang asawa mo ang magtrabaho edi may pera ka!” saway ni Maria sa anak.
Pakiramdam ni Becky ay sasabog ang ulo niya dahil sa mga naririnig. “Bakit, Ma? Ano ang nangyari kay Papa?”
“May tubig ang tatay mo sa baga! Ayan, tinatanong mo kung ano ang nangyari at bakit naubos ang pera. Pina-check up namin dahil hindi raw makahinga. Ang mahal ng mga gamot! Diyos ko! Mauuna pa ata akong mamatay sa kunsomisyon!”
“E bakit hinayaan niyong magsugal, Ma? Iyan na pala ang problema.”
“Aba! Alam mo naman ang tatay mo. Tsaka, bakit ba nagtatanong ka pa? Bigyan mo na lang kami ng pera bago ka umalis!”
Nangilid na ang mga luha ni Becky. Huminga na lang siya nang malalim at tumango. “S-Sige po. Babalik ako, Ma,” iyon na lamang ang nasabi niya bago lumabas ng bahay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 6 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love you for 365 Days (FreenBecky)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon