Chapter 10: Love You for 365 Days
“Mukhang nagkasundo talaga kayo, anak! I'm so happy for you!” nakangiting sabi ni Patricia.
Matipid na ngumiti si Freen sa ina at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga damit. Ngayong araw ang flight niya papunta sa Italy upang magbakasyon ni Samuel. Oo, kasama niya si Samuel, ang lalakeng kaniyang pakakasalan. Pero ang hindi alam ng mga magulang nila ay hindi lang iyon ang mangyayari.
“Thanks, Mom.”
Lumapit si Patricia sa anak at kinuha ang kamay nito. Tinabihan ni Freen ang ina sa kama.
“I’m really happy that you made up your mind, Freya Ann.”
Nag-iwas ng tingin si Freen sa ina. Bigla siyang nakaramdam ng konsensya dahil wala itong alam sa kaniyang binabalak. Ngunit kailangan niya itong gawin para lang makawala sa paghihigpit ng kaniyang ama.
“Anything… just for you two to be happy.”
Lalong ngumiti nang malapad si Patricia. “Salamat, anak. At alam ko rin naman na nalilito ka lang talaga. Okay lang iyon. May experience ka. Mag-explore ka. But never forget your parents. You know that we are doing this for your own welfare, right?”
Hindi sumagot si Freen. Sa isip niya ay lalo lang nabubuo ang kagustuhan niyang kumawala sa pamilya niya.
“Wala ka rin namang mapapala kung magkakagusto ka ng babae. Hindi kayo matatawag na pamilya dahil hindi ka naman mabubuntis no’n. Higit sa lahat ay isang kasalanan ang magkagusto sa kaparehas ng kasarian mo.”
Napatayo na si Freen. “Mom, okay. But can you please let me fix my things now? Baka mahuli ako sa flight namin,” ani niya. Humawak siya sa maleta niyang nakapatong sa kama at tumingin sa kabilang parte ng kaniyang silid. Ayaw niyang makita ng ina na naluluha na siya.
Ano ba ang mali sa kaniya? Wala naman. Bakit parang hirap na hirap ang mga ito na tanggapin siya?
Bumuntonghininga si Patricia. “Okay. Hihintayin kita sa baba. Are you sure hindi mo na kailangan ng tulong?”
“I’m good, mom.”
Tumango si Patricia. Tinapik niya ang balikat ng anak saka naglakad na palabas ng silid nito. Noong marinig niyang sumara ang pinto ay doon lang nakahinga nang maluwag si Freen. Nagmamadaling kinuha niya ang cellphone at tinext ang kaibigan.
Freen: Where are you?
Ibinaba niya ang cellphone at nagmamadali nang inayos ang mga gamit. Kaunti lamang ang mga damit na kaniyang inilagay sa maleta. Ilang mga importanteng mga papeles at hygiene kit. Bago pa man sila aalis ngayon ay naayos na ni Samuel ang mga kailangan nila. Oo, katulong niya si Samuel sa kaniyang pinaplano. Ngunit hindi ito magpapakasal sa nobyo nito. Hindi kagaya niya na desidido na siya na kalabanin ang ama niya.
Summer: We’re here.
Napatingin si Freen sa kaniyang cellphone at agad na napangiti noong makita ang mensahe ni Summer. Kailangan na lamang niya makalipad papunta sa Italy at magiging maayos na ang lahat. Isang buwan ang trip na kanilang pinili ni Samuel. Isang buwan para maisakatuparan ang kaniyang gagawin.
Pagbaba niya ay nakita na niya si Samuel sa sala nila. Kausap nito ang ina at nagtatawanan pa.
“You’re here!” ani Freen.
Tumingin si Samuel kay Freen. “Are you ready?”
“Yes! I can’t wait for our trip.” Makahulugan siyang ngumiti rito.
Napangiti naman nang malapad si Patricia. Maluha-luha pa siya habang pinagmamasdan ang malapad na mga ngiti ng anak.
“Samuel, I hope you take care of my daughter, huh? Pero sana naman ay hintayin niyong makasal bago kayo bumuo, okay?”
Bahagyang napangiwi si Freen sa sinabi ng ina. Hindi niya mawari kung paano nito iyon nasasabi. Na parang ang dali-dali lang ng lahat para sa kanila. Noong tingnan niya si Samuel ay maging ito pilit din ang mga ngiti.
“Sure, Tita. I will take care of my future wife.”
Nagulat si Freen noong bigla siyang hinatak ni Samuel at idinikit sa katawan nito. Nakakapit ito sa kaniyang baywang at marahan pang hinalikan ang noo. Halos magtayuan na ang lahat ng buhok niya sa katawan dahil sa kilabot. Alam naman niyang nagpapanggap lang ang binata sa harap ng kaniyang ina. Pero hindi pa rin niya maiwasang mandiri sa mga hawak nito sa kaniya. Ibang-iba noong sa tuwing napapadikit siya sa ibang mga babae. Lalo na kay Becky.
Lihim na napailing si Freen at kumapit din sa baywang ng binata. “Don’t worry, Mom. I know Samuel is a good man. And I’m thankful na pinayagan niyo kaming magbakasyon muna bago kami ikasal. This way, mas makikilala ko pa ang lalakeng pakakasalan ko.” Tiningnan niya si Samuel at ngumiti nang ubod ng tamis.
Lalong natuwa si Patricia sa kaniyang nasaksihan. “Of course, anak. Anything for you! Now, go. Baka ma-late na kayo sa flight niyo. Hindi ko na kayo haharangin pa masyado.”
“Okay, Mom! Tell Dad that I said goodbye!” ani Freen. Na may iba ring ibig sabihin. Sayang nga dahil busy ito at hindi makikita ang pag-alis niya. Dahil sisiguraduhin pag-uwi niya ay wala na itong magagawa pa.
“Goodbye, Tita!”
Magkahawak-kamay na naglakad palabas ng mansyon sina Freen at Samuel. Ang mga katulong nila ay binuhat na ang maleta ng dalaga papasok ng kotse. Hindi na nagdala pa si Samuel ng driver dahil may dadaanan pa ito.
Muling nilingon ni Freen ang ina at kinawayan ito. Pagkatapos ay sumakay na siya ng kotse. Hindi na sila nagtagal pa ni Samuel sa kanilang mansyon. Saka lang nakahinga nang maluwag si Freen noong hindi na niya natatanaw ang mansyon nila.
“Gosh! Thank you, Samuel,” ani Freen.
“No, thank you, Freen.”
Nangunot ang noo ni Freen. “Why?”
“Kasi kung hindi mo ito naisip ay wala talaga akong choice kung pakasalan ka.”
Natawa si Freen. “Why don’t you start freeing yourself too? Chance mo na rin ito.”
Malungkot na ngumiti si Samuel. “I already tried it, Freen. Pero ilang beses na rin hindi nangyari. I can’t loose my love again, you know? At least for you, gusto mo lang makawala sa pamilya mo. But for me? It will be hard for me.”
“I know. Pero hindi ba kapag mahal mo ay gagawin mo ang lahat para lang maging masaya kayo? Hanggang kailan mo susundin ang pamilya mo? Hanggang kailan ka magtitiis?”
Natahimik si Samuel. Kung tutuosin ay gusto na rin niya talagang makawala sa sariling pamilya. Nahihirapan na siya sa sitwasyon nila. Ngunit sa tuwing naiisip niya ang panahon na muntik nang mapahamak ang kaniyang nobyo dahil sa kaniya ay agad siyang naduduwag. Pero habang iniisip niya ang mga sinasabi ni Freen. Habang iniisip niya ang lakas ng loob na pinapakita nito para lang makawala sa pamilya nito ay unti-unti siyang nabubuhayan ng loob.
Napangiti nang malapad si Samuel. “I like what you said. Hindi man tayo magiging mag-asawa, mukhang magiging magkaibigan tayo. I’m happy that I found a friend instead.”
“I’m happy to help, Samuel. Utang na loob ko ito sa ‘yo. Salamat sa tulong mo.”
“Anything, Freen. I wish you good luck and a happy life… with her.”
Natigilan si Freen. Tumingin siya sa labas ng bintana at pilit na pinigilan ang sarili na mapangiti. Hindi niya alam kung bakit natuwa siya sa huling sinabi ni Samuel. Bakit bigla siyang na excite na magpapakasal siya?
BINABASA MO ANG
Love you for 365 Days (FreenBecky)
RomanceNag-iisang anak si Freya Ann 'Freen' Salvador ng isang sikat na negosyante sa bansa. Lahat ng mga tao ay tinitingala ang kanilang pamilya at nakabantay sa bawat kilos nila. Noong umabot na sa tamang edad si Freen ay napagkasunduan ng kaniyang pamily...