Chapter 8

22 1 0
                                    

Chapter 8: Love You for 365 Days

Ilang araw nang hindi makatulog nang maayos si Becky matapos ang tagpo nila ni Freen. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita ang dalaga. Matapos niyon ay nakauwi siya sa kanila dahil nawala na ang galit ng kaniyang ina. Kaso ngayon ay hindi alam ni Becky kung paano sasabihin sa ina na wala na siyang trabaho.
Napabuga ng hangin si Becky habang bagsak ang balikat na naglalakad sa gilid ng kalsada. Parang ayaw na niyang umuwi dahil alam na niya ang sasabihin ng Mama niya. Tama nga ang kaniyang hinala, mawawalan siya ng trabaho.
Peep! Peep!
“Ay palaka!”
Napagilid bigka si Becky noong may bumisina sa tabi niya. Nasapo niya ang kaniyang dibdib. Handa na sana siyang pagalitan ang nagmamaneho ng kotse ngunit natigilan siya noong makita kung sino ang nasa loob.
Ibinaba ni Summer ang sunglasses na gamit. Nginitian niya si Becky na gulat pa rin. “Bianca Mendoza, right?” tanong niya.
Napanganga si Becky. “S-Summer Jhean?” Kilala niya ito dahil kaibigan ito ni Freya Ann. Alam niya kung sino ang mga malapit sa dalaga dahil nga iniidolo niya ito. At si Summer ang pinaka pinagkakatiwalaang kaibigan ni Freya Ann.
“Yup!” Bumaba ng kotse si Summer upang makausap nang maayos si Becky. “Kanina pa kita tinatawag pero parang ang lalim ng iniisip mo?”
Muling napalunok si Becky. Hindi niya maiwasang mamangha kay Summer. Hindi kagaya ni Freen ay maiksi ang buhok nito at malinis ang pagkakagupit. Kitang-kita niya ang pahabang tattoo sa kaliwang parte ng leeg nito. Hindi niya maitatanggi ang natikas nitong tindig na para bang sa lalake.
'Ang pogi!' sigaw ni Becky sa isipan niya.
“Hey? Becky? Are you there?” tawag ni Summer kay Becky. Pinitin niya pa ang kamay sa harapan nito.
Napakurap-kurap naman si Becky at agad na nagbaba ng tingin. Muli siyang lumunok at pinakalma ang sarili.
“Y-Yes? Ano ang kailangan mo sa akin? Paano mo ako nahanap?” sunod-sunod na tanong niya.
Ngumiti si Summer. “Freen wants me to get you. Wala ka nang trabaho, ’di ba?”
“Freen? Hinanap niya ako?”
Biglang gumaan ang pakiramdam niya noong marinig ang pangalan ni Freen. Hindi naging maganda ang huli nilang pagkikita pero nauunawaan naman niya ang dalaga. Sa unang pagkakataon ay nakita niyang takot ito sa harap ng ibang tao.
Tumikhim si Becky noong makita ang mapanudyong mga ngiti ni Summer. “B-Bakit daw?”
“Do you miss her?”
“Huh?”
Tumawa si Summer. “Come on. Mainit dito sa labas.” Umikot ito papunta sa kabilang parte ng kotse. “Get in.”
Nalilito man ay sumunod si Becky kay Summer. Sumakay siya sa sasakyan at tahimik na hinintay ito. Hindi na nagtagal sa gilid ng kalsada ang kotse at pinaandar na rin.
“Saan tayo pupunta?”
“Well, Freen asked me to give you a job. Wala ka na raw trabaho?”
“Huh?” Napaisip si Becky. “Wala naman akong nasabi sa kaniyang gano'n. Pero nasabi ko na baka mawalan ako ng… ibig sabihin binibigyan niya ako ng trabaho?”
“Yes, kasasabi ko lang. Pero wala ka na ba talagang trabaho?”
Napangiti nang malapad si Becky. “Wala na! Actually, kakatanggal lang sa akin ngayon!” Sinapo niya ang bibig. “Kaya idol ko talaga siya e!” maluha-luhang sabi pa niya.
“Hindi ka niya girlfriend?”
Namilog ang mga mata ni Freen. “I wish!”
Natawa si Summer. “Tell me… girlfriend ka na nga ba ni Freen?”
Natahimik si Becky. Kung iisipin ay wala naman silang label ni Freen. Para ngang naka-one night stand niya lang ang dalaga. Pero hindi niya maitatanggi na nagustuhan niya ang gabing magkasama silang dalawa. Pero imposible naman kasing magustuhan siya nito.
Umiling si Becky. “Naku, hindi.”
“Weh?”
“Oo nga. Asa naman ako na magustuhan ako ng kaibigan mo? Langit 'yon, simpleng paruparo lang ako sa gilid.”
“Well, Bianca Mendoza. Ikaw ang unang binigyan ng treatment ni Freen ng ganito.”
Muling natigilan si Becky. Biglang bumilis ang tibol ng puso niya dahil sa narinig. Ayaw niyang umasa pero bakit naman hindi, ‘di ba? Baka naman totoo. Baka naman mangyari.
Hindi nagtagal ay narating nila ang isang restaurant. Nakilala agad ni Becky ang lugar dahil iyon ang negosyo ni Freen na kasosyo ang mga kaibigan nito. Isa na roon si Summer.
“A-Ano pong ginagawa natin dito?” nalilitong tanong ulit ni Becky. Naglalakad na sila ni Summer papasok sa restaurant. Sarado pa iyon pero may mga staffs na. Nag-aayos ang mga ito sa loob at naghahanda para sa pagbubukas.
“You're a chef, right?”
“Oo,” tugon ni Becky. Pero sa kaniyang loob-loob ay muli siyang sumaya dahil naalala talaga ni Freen ang ilang mga bagy tungkol sa kaniya.
“You are hired now as assistant chef. And you will start today.”
Halos pumalakpak na sa saya si Becky dahil sa narinig. Ibig sabihin ay may trabaho na talaga siya!
Agad na ipinakilala si Becky ni Summer sa ilang mga empleyado nila. Iisa lang ang chef nila pero mayroong tatlong assistant chef. Agad na naglinis ng katawan si Becky at nagbihis. Labis-labis ang pasasalamat niya kay Summer. Lalong-lalo na kay Freen. Gusto niya sana ito makausap ngunit hindi na rin niya nakita si Summer na bumalik sa restaurant.
“Bianca!”
Agad na nabitawan ni Becky ang kutsilyong hawak noong may sumigaw sa tabi niya. Hinawakan ni Hannah ang kamay ni Becky upang tingnan iyon.
“Gosh! Akala ko pinuputol mo na ang daliri mo on purpose e!” nag-aalang sabi ki Hannah. Isa ring assistant chef sa restaurant.
“H-Ha?”
“Kanina pa kita kinakausap, girl! Iyon pala lumilipad na ang isip mo! Ano ba ang nangyari?”
Napalunok si Becky. “Wala. May naisip lang.”
“Hay naku! Sige na! Bilisan mo na riyan at kailangan na natin itong matapos.”
Tumango si Becky at muling bumalik sa ginagawa. Sa lalim ng iniisip niya ay nakalimutan na niyang nagtatrabaho pala siya. Ilang araw na rin makalipas na ma-hire siya rito. Pero magdadalawang buwan na noong huli niyang nakita si Freen. Hindi niya alam kung bakit bigla niyang naiisip ni Freen nitong nga nakalipas na araw. Siguro dahil na rin sa nabalitaan niya sa TV.
Ikakasal na raw si Freen sa isang lalake. Bigla siyang nalungkot dahil sa balitang iyon. Pakiramdam niya ay mali na magpakasal si Freen. Sabi nito ay ayaw nitong matali siya sa kung sino. Iyon ang nakwento nito sa kaniya noon. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? E sino lang ba naman siya rito?
Ilang sandali pa ay biglang naging tensyonado ang buong kusina. Nagtataka man ay hindi magawang magtanong ni Becky sa mga kasama dahil parang mga aligaga ang mga ito.
“Psst! Hannah! Ano ang nangyayari?”
“Basta bilisan mo na lang diyan!”
Wala nang nagawa pa si Becky kundi abalahin ang sarili sa paghahalo sa pagkaing niluluto niya.
“Mendoza? Bakit?”
“Siya ang gusto magdala ng pagkain ni Mr. Ford.”
“Ano ulit ang pangalan?”
“Bianca Mendoza.”
Napatigil sa paghalo si Becky at napalingon sa waiter na kausap ng chef nila. Pangalan niya ang binanggit nito kaya bigla siyang na curious. Lumingon sa kanila si Chef Chris at tumingin sa kaniya.
“Bianca. Ibigay mo iyan kay James at ikaw ang maghatid ng pagkain nila Mr. Ford.”
Agad na tumigil si Becky sa kaniyang ginagawa at lumapit sa boss. “Po? E hindi po ako waitress, Chef.”
“You are personally requested by Mr. Ford. Kaya dalhin mo na ito roon.”
Nangunot ang noo ni Becky. Hindi niya matandaan ang apelyido na binanggit nito. Pero wala na siyang nagawa pa kundi ang sumunod dito. Hinubad niya ang apron at bahagyang inayos ang sarili. Pagkatapos ay tinulak na niya ang cart na may lamang mga pagkain palabas ng kusina. Sinamahan pa siya ng waiter na papunta sa ikalawang palapag kung nasaan ang private dine.
Pagdating nila roon ay agad na inilibot ni Becky ang paningin sa paligid. Walang ibang customer sa itaas na para bang sinadya iyon.
Sino kaya ang Ms. Ford na 'yon?
“Dito,” tawag sa kaniya ng waiter.
Nakita agad ni Becky sa dulong parte ang isang lalake na may kaharap na babae. Lalo siyang nalito dahil hindi naman niya talaga kilala ang binata.
Sino kaya 'to?
Itinigil ni Becky ang cart sa gilid ng lamesa ng mga ito. Bahagya siyang nag-bow sa mga ito.
“Good afternoon, Mr. Ford! Here's your—Freen?”

Love you for 365 Days (FreenBecky)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon