Pakanta-kanta pa si Becky habang naglalakad palabas ng banyo. Mahigpit ang hawak niya sa tuwalyang nakatakip sa kaniyang katawan. Habang nasa kaliwang balikat ang t-shirt at short na kaniyang nakita sa closet. Maging underwear ay mayroon doon kaya ginamit na niya dahil pwede naman daw sabi ni Freen.
"Ang bango-bango ng sabon! Ang lambot sa balat—ay! Ma'am Freen!" Napakapit nang mahigpit sa tuwalya si Becky nang makita si Freen na nakatayo sa gilid ng kama. Titig na titig ito sa kaniya at hindi manlang kumukurap. "N-Nandito pala kayo. Bakit po?"
Nag-iwas ng tingin si Freen at lumunok. Tumikhim siya. "I... I brought you a first aid kit. May sugat ka, 'di ba?"
Napatingin si Becky sa maliit na box na nakapatong sa higaan. "Ah... Salamat po. Hindi mo na naman kailangan gawin ito. Nakakahiya na masyado." Lumapit siya sa dalaga at inilapag ang mga damit sa kama. "Thank you po!"
Nagsalubong ang mga kilay ni Freen. Pilit niyang abalahin ang sarili dahil bumibulis na naman ang pagtibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lamang ang reaksyon ng kaniyang katawan noong makita si Becky palabas ng banyo. Parang may kung anong bagay ang unti-unting nabubuhay sa loob niya.
"Po?"
"E, nakakahiya naman. Ikaw si Freya Ann Salvador."
"And so?"
"Ahm, parang hindi tama na tawagin kitang Freen lang."
"I told you it's okay to call me Freen. I gave you my permission. And you don't have to use honorifics for me... for now."
Nahihiyang ngumiti si Becky. "S-Sige, Freen."
"Good. Anyway, kaya mo na bang lagyan ng gamot ang sarili mo?"
"Oo naman! Ako na ang bahala."
"Okay. You can come out pagkatapos mo. May mga pagkain sa kusina kung nagugutom ka."
"Thank you p— Thank you!"
Lihim na napangiti si Freen. 'Cute.'
"I'll leave you now."
Tumango si Becky at bahagya pang nag-bow kay Freen. Hinintay niyang makalabas ang dalaga bago kinikilig na naupo sa kama.
"Gosh! Hindi talaga ako nagkamali ng inidolo!"
Napailing si Freen noong marinig ang sinabi ni Becky. Hindi pa kasi siya nakakalayo sa may pinto kaya narinig pa niya ito. Natatawang naglakad na siya palayo roon. Dumeretso siya sa sariling silid upang maligo na rin. Pakiramdam niya ay napakaraming nangyari ngayong araw. Inilublob niya ang pagod na katawan sa maligamgam na tubig sa bathtub.
"You will marry your ninong's son."
Napapikit si Freen noong muling marinig sa isipan ang boses ng ama. Sa dami ng ninong niya na kasosyo nito ay hindi niya alam kung sino sa mga ito ang tinutukoy nito. At wala naman siyang pakealam kung sino iyon dahil wala siyang balak na sundin ito. Hinding-hindi siya magpapakasal sa kung sino mang lalakeng gusto ng kaniyang ama.
"Bakit hindi ka na maging totoo finally sa sarili mo?"
Napailing si Freen noong ang mga salita naman ni Summer ang narinig niya. Be real? Kailan ba siya hindi naging totoo sa sarili niya? Sa hindi malamang dahilan ay biglang pumasok sa kaniyang isipan si Becky.
"That woman... she's interesting."
Ilang sandali pa nagbabad si Freen sa bathtub bago naisipang tumayo na at magbihis. Maaga pa kaya naisipan niyang bumaba muna upang muling uminom ng wine. Pero nagulat siya noong makita si Becky sa kusina. Nasa tapat ito ng kalan at may kung anong hinahalo. Nasamyo niya agad ang mabangong aroma ng niluluto nitong pagkain.
BINABASA MO ANG
Love you for 365 Days (FreenBecky)
RomanceNag-iisang anak si Freya Ann 'Freen' Salvador ng isang sikat na negosyante sa bansa. Lahat ng mga tao ay tinitingala ang kanilang pamilya at nakabantay sa bawat kilos nila. Noong umabot na sa tamang edad si Freen ay napagkasunduan ng kaniyang pamily...