Chapter 11

23 2 0
                                    

Chapter 11: Love You for 365 Days

“Congratulations to the newlyweds!” sigaw ni Summer at itinaas ang hawak na bote ng beer.
Matipid na napangiti si Freen. Napailing pa siya noong magsigawan ang mga kasama at palakpakan.
Natapos na ang kasal nila ni Becky at ngayon ay nasa tapat sila ng malaking bon fire at nakapalibot doon. Kasama ni Summer ang fiancé nito at gano'n din si Samuel na kasa ang nobyo. Bukod sa kanila ay wala ng naging bisita pa ang kanilang kasal.
“Salamat!” masayang sabi ni Becky. Katabi niya sa upuan si Freen.
“At congrats din sa aking kaibigan na ngayon ay malaya na!”
“Oo nga,” ani Becky. “Pero ano na ang mangyayari ngayon?”
“What?” tanong ni Freen.
Tumingin si Becky kay Samuel. “E kayo ang ikakasal, ‘di ba?”
Nagkatinginan si Samuel at Freen.
“Hindi mo pa ba sa kaniya nasabi?” tanong ni Samuel.
Tumukhim si Freen. “Hindi pa. But it's not important anymore. Ang importante ay nangyari na ito. And I am thankful sa tulong niyo.”
Nangunot ang noo ni Becky. Oo, pumayag na siya na magpakasal sa dalaga. Pero sa totoo lang ay medyo nalilito pa rin siya sa mga nangyayari bukod sa gusto lang ni Freen na kabanin ang ama. Ngunit paano? At bakit siya? Paanong naging kasagutan ang pagpapakasal nila sa isa’t isa. Minabuti na lamang ni Becky na uminom ng alak. Kinontrata lang siya ni Freen. Tama, ang importante ay naikasal na silang dalawa. Hindi ibig sabihin no’n ay may karapatan na siyang magtanong.
Lumipas ang mga oras ay napuno sila ng kwentuhan. Nalaman ni Becky na si Samuel at ang artistang kasama nito, si Jacob ay magnobyo. Ngayon ay malinaw na sa kaniya kung bakit pumayag si Samuel. Habang sila Summer naman ay ikakasal na rin pala sa susunod na buwan.
Madaling araw na noong minabuti nilang bumalik na sa kani-kanilang mga silid sa hotel na kanilang inupan. Agad na naligo si Becky pagkarating nila sa hotel. Iniwan niya si Freen sa sala nang hindi manlang ito kinakausap. Masyado pa rin kasi itong casual sa kaniya kaya hindi niya alam kung paano ito kakausapin.
Pagkatapos niyang maligo ay nagsuot lang siya ng bathrob. Nakita niya si Freen na nasa may counter sa kusina at umiinom pa rin ng wine. Napatigil siya sa pagpupunas ng buhok at tiningnan ito.
“Hindi ka magsho-shower?” tanong ni Becky.
Tumingin si Freen kay Becky. “Later.”
Tumango si Becky. “Okay.” Muli siyang bumalik ng banyo upang ibalik ang towel na kaniyang gamit. Pagkalabas niya ay natigilan siya noong makitang naroon na si Freen sa tapat ng pinto at para bang hinihintay siya. “Oh, Freen? Sorry. Ikaw na.” Umiwas siya sa dalaga upang makapasok ito ng banyo dahil natatakpan nito iyon at hindi rin siya makalabas.
Hindi kumilos si Freen. Nanatili itong nakatayo roon habang magkakrus ang mga braso. Nangunot na ang noo ni Becky.
“Freen?”
Huminga nang malalim si Freen. Tiningnan niya si Becky. “Why you became so silent earlier?”
Napatayo nang maayos si Becky. “A-Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Kanina. I noticed, ni hindi ka manlang makatingin sa akin. Hindi ka na rin nakipag-usap pa masyado kila Summer. Nagbago na ba ang isip mo?”
Bahagyang umawang ang bibig ni Becky. Hindi niya inakala na nahalata pala ng dalaga ang pananahimik niya. Tumikhim siya. “B-Baka nalalasing lang ako.”
Umarko ang kilay ni Freen. “Really? Parang hindi naman.”
Bumuga ng hangin si Becky. “Fine…” Pinilit niyang dumaan sa gilid ni Freen nang hindi ito nasasagi. Dumeretso siya sa kama at doon naupo. “Kasi naman, parang sabit lang ako sa plano mo. Ni hindi ka manlang nagkukwento sa akin. Kahapon pa tayo magkasama rito pero halos hindi mo ako kibuin.”
“Why do you sound like a nagging wife? Nagtatampo ka ba?”
Naiikot ni Becky ang mga mata. “Freen, hindi naman sa gano’n. Ang hirap mo kasi i-reach. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap mo. Kung ano ba ang gagawin at sasabihin ko. Nangangapa ako sa ‘yo.”
“Don’t be too emotional. We’re just in contract.”
Hindi alam ni Becky kung bakit biglang may kung anong kumirot sa kaniyang dibdib dahil sa sinabi ni Freen. Hindi pa man niya matagal na nakakasama si Freen pero matagal na niyang kilala ang dalaga. At ngayon na nakakausap na niya ito nang malapitan, at higit sa lahat ay naging asawa niya pa ay sobrang malaking bagay sa kaniya. Siguro ay masyado lang siyang umaasa na magiging malapit silang dalawa.
“Okay. Sabi mo e,” tugon ni Becky. Tumayo siya at nahiga na sa kabilang dulo ng kama. Tumagilid siya paharap sa dingding upang hindi makita si Freen. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya dahil sa sobrang lamig ng dalaga. Ganito pala kapag wala talagang interes sa ‘yo ang inidolo mo?
“Becky,” tawag ni Freen. Ngunit hindi lumingon ang dalaga. Muli siyang huminga nang malalim. Hindi niya maisip kung paano ba kakausapin nang maayos si Becky. Totoo naman, kasama sa kontrata nila ang h’wag magkagusto sa isa’t isa. Kung ano man ang nangyari sa kanila noong una ay dala lang iyon ng alak. At hanggat maari ay ayaw niyang mag-invest ng feelings sa dalaga. “Becky.”
“Ano ba?” tanong ni Becky nang hindi lumilingon dito.
“Are you mad at me? Hindi ko gusto ‘tong nararamdaman ko.”
“Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo? Tsaka, may karapatan ba akong magalit? E we’re just in contract.”
“What?”
Hindi na nakapagpigil pa si Freen. Ang ayaw niya sa lahat ay ipinaparamdam sa kaniya na mali siya. Nasanay siyang siya ang laging tama dahil na rin sa posisyon niya. At higit sa lahat, may kung ano sa loob niya na hindi mapakali dahil ni hindi manlang makatingin sa kaniya si Becky. Hindi siya sanay sa pagiging malamig nito sa kaniya. Naglakad siya palapit sa kama at tumayo sa gilid nito. Nakita niyang agad na pumikit si Becky na para bang iniiwasan talagang makita siya. Naiikot niya ang mga mata at tinapik ang balikat nito.
“Talk to me. H’wag kang matulog.” Hindi kumilos si Becky. “Becky!”
“Ano ba?!” Iniwas ni Becky ang kamay ni Freen at naupo. Tumingala siya rito at sinalubong ang mga mata habang salubong ang mga kilay. “Para kang nanunyong jowa, a?”
“H’wag mo ngang ibalik sa akin ang mga sinabi ko sa ‘yo.” Pinagkrus ni Freen ang mga braso.
Inirapan ni Becky ang dalaga. “Ang hirap mo kasing kausap e. Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa ‘yo. Pumayag ako sa set-up na ito dahil gusto kitang tulungan. Tapos ganiyan ka naman! Hindi mo ba napapansin? Ang taray mo kaya masyado!”
Natigilan si Freen. Ngayon lang may nagsabi sa kaniyang mataray siya. “This is just what I am. At isa pa, hindi mo naman kailangang malaman ang ibang details. You are paid to do this, right?”
Hindi makapaniwalang ngumisi si Becky. Napailing-iling siya. “‘Yan. ‘Yan tayo e. Kasi iniisip mong pera lang ang habol ko. Freen, idol kita. Masaya ako na nakakasama kita ngayon. Sa tingin mo ano pa ang nararamdaman ko ngayon na kasal tayo? Gusto kitang tulungan. Gusto kitang maging kaibigan. Iyon lang! Hindi naman ako mukhang pera masyado kagaya ng iniisip mo! Hayaan mo akong maging parte ng plano mo—”
Hindi na naituloy pa ni Becky ang sasabihin dahil biglang sinapo ni Freen ang kaniyang mga pisngi at hinalikan siya sa labi.

Love you for 365 Days (FreenBecky)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon