Freen: How is she?
Summer: Bakit ako tinatanong mo? Ito number niya, 09753544633. Tawagan mo!
Freen: Bitch.
Summer: Hahaha! Miss mo na ba? Punta ka sa bar para makita siya.
Freen: Can’t you just answer my question?
Summer: No! If you are really worried, go to her. Ask her yourself. Alam mo namang matutulungan ka namin.
Nasapo ni Freen ang kaniyang noo at muling nahiga sa kama. Ilang araw na ang nakalipas mula noong mangyari iyon. Ilang araw na rin siyang walang balita kay Becky at tanging si Summer lamang ang nakakausap niya rito. Kinausap niya kasi ang kaibigan na bigyan ito ng trabaho sa restaurant na negosyo nila. Bukod kasi sa bar ay may negosyo silang magkakaibigan na restaurant.
Magmula rin noon ay hinigpitan na siya ng ama. Ni hindi na nga siya nakapunta sa unit niya dahil hindi na siya pinayagang lumabas ng bahay nila. Ang mga negosyo niya ay sa cellphone niya lang na aasikaso. Napansin niya rin na nadagdagan ng mga bantay ang mansyon. Dumami ang mga bodyguards nila at kahit sa labas ng kwarto’t bintana niya ay may mga nagbabantay.
Ilang sandali pa ay nakarinig ng mga katok sa kaniyang pinto si Freen. Agad siyang tumagilid at nagkumot. Narinig niyang bumukas ang pinto.
“Freya Ann, are you awake?” tawag ni Patricia sa anak.
Hindi naman sumagot si Freen. Nanatili siyang nakatagilid at nagpanggap na tulog.
“Freen, I know you are awake. Maghanda ka na at may pupuntahan tayo.”
Napabuga ng hangin si Freen. Naupo siya at hinarap ang ina. “Saan po?”
“We are going to meet, Samuel Ford.”
“Who is he?”
“Siya ang anak ng ninong mo. Ang inirereto sa ‘yo ng daddy mo.”
Agad na nag-iwas ng tingin si Freen. “Do I even have a choice?”
“Freen, please? H’wag nang matigas ang ulo.”
“Mom, are you really letting Dad ruin my life? Wala ka manlang bang gagawin?”
Bumuntonghininga si Patricia. Naupo siya sa gilid ng kama ni Freen. “This is for you, Freen.”
“Paanong naging para sa akin, Mom? Hindi ito ang gusto ko. Hindi ako ‘to!”
“Please. H’wag nang makulit, anak. Para hindi na kayo mag-away pa ng Daddy mo. Ako na ang nakikiusap sa ‘yo, anak. Ayaw kong mawala ka sa akin.”
Nangilid na ang mga luha ni Freen. “Kung ayaw mo talaga akong mawala sa ‘yo, Mom. You won’t let Dad do this to me,” garalgal ang boses na sabi niya.
Hindi na kinausap pa ni Freen ang kaniyang ina. Tumayo na siya at nagpunta sa banyo. Kahit na hindi niya gusto ay pinilit niya ang sarili na mag-ayos. Magkasama silang mag-ina na pumunta sa private restaurant kung saan nila katatagpuin ang pamilya ng lalakeng gustong ipakasal sa kaniya ng ama. Naroon na ang kaniyang ama at ang pamilya ng lalakeng tinutukoy nito.
“Good evening, Fidel!” bati ni Henry Ford, ang ama ni Samuel Ford. Agad na nagkamay ang dalawa at ang kani-kanilang mga asawa naman ay nagbeso.
Tahimik na nakatayo si Freen sa gilid. Ni hindi niya tinitingnan ang mga ito at walang ibang nasa isip niya kundi ang kung paano siya makakaalis sa lugar na ito.
“Is this Freya Ann?”
Napatingin si Freen sa nagsalita. Pinilit niyang ngumiti at tumango rito. Ito ay Grace Ford, ang asawa ni Henry Ford.
“Yes, she is our only daughter,” masayang sabi ni Patricia. Kumapit pa ito sa braso ng anak. “Where is Samuel, Amiga?”
“Ah, he’s coming. May kausap lang sa cellphone. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon.”
“Right! Mas busy na nga sila kaysa sa atin!”
Tumikhim si Fidel. “Let’s sit down.”
Naupo silang lima sa tapat ng pabilog na lamesa. Dahil nasa isang private restaurant sila ay bawat lamesa nasa isang kwarto. Doon ay may sarili silang mga waiter na maga-assist sa kanila na tatawagin lang nila kapag kinakailangan. Sikat ang restaurant na iyon para sa mga business meetings o kaya naman ay private meetings kagaya nito.
Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang isang binata na nakasuot ng formal suit. Napatitig dito si Freen. Hindi niya matandaan si Samuel Ford ngunit naririnig na niya ang pangalan nito. Habang tinititigan ang mukha nito ay biglang nanlaki ang mga mata niya noong ma-realize na kilala niya ang binata. Tumingin din ito sa kaniya at ngumiti.
“Sorry if I was late. May kinailangan lang po akong asikasuhin,” magalang na sabi nito.
Napangiti agad si Fidel. “Nice! You are a hardworking man. Bagay na bagay kayong dalawa ng anak ko, Hijo!” Tumingin ito kay Freen. “This is Freya Ann, my daughter. I’m sure you’ve heard about her.”
Tumingin si Samuel kay Freen. Inilahad nito ang kamaya sa harapan ng dalaga upang makipagkamay. Pinilit na lamang ni Freen na abutin iyon at nakipagkamay dito.
“Yes, Tito. Her reputation precedes her,” makahulugang sabi ni Samuel.
Nangunot ang noo ni Freen. Agad niyang binawi ang kamay at naupo nang maayos. Hindi siya nagkakamali. Kilala niya ang binata. Lihim siyang napangiti sa kaniyang isipan habang naiisip kung paano makakaalis sa sitwasyong iyon.
Nag-umpisa na ang dinner nila. Tahimik lamang si Freen habang pinakikinggan ang kaniyang mga magulang na nag-uusap tungkol sa negosyo. Gano’n na rina ng magiging kasal daw nilang dalawa. Hindi niya maiwasang magngitngit dahil nakikita niyang para bang walang pakealam si Samuel sa nangyayari at pabor dito ang desisyon ng mga magulang nila. Habang siya ay nagpaplano na sa kaniyang isipan.
Kailangan niyang makawala sa puder ng ama at masiguro na hindi nito masasaktan si Becky.
“Why don’t you two talk privately?” tanong ni Henry. “Samuel, take Freya Ann somewhere where you can know each other more.”
Hindi maiwasang kilabutan ni Freen sa sinabi nito. Pero naisip niya rin na isang paraan na iyon para makausap nang masinsinan ang binata.
“Sure!” Tumayo si Freen. “Samahan mo naman ako sa labas, Samuel,” nakangiting sabi niya.
Nagulat pa ang mag-asawang Salvador dahil si Freen mismo ang nag-alok sa binata. Napangiti si Fidel dahil naiisip nito na tama ang kaniyang naging desisyon.
“Sure. Let’s go.” Tumango si Samuel.
Magkasamang lumabas ng silid sina Freen at Samuel. Naunang maglakad si Freen hanggang sa marating nila ang labas ng restaurant. Bukod sa private restaurant iyon ay maging ang sekyuridad ng buong pasilidad ay maayos din. Kaya hindi natatakot si Freen na lumabas ng restaurant dahil walang nakakapasok na media roon. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Samuel. Bahagyang nagulat pa ang binata dahil napaatras ito bigla.
“Yes?” nagtatakang tanong ni Samuel.
“Gusto mo ba talaga ito, Samuel?”
Lalong nangunot ang noo ng binata. “What do you mean?”
“Magpapakasal ka talaga sa akin?”
Nag-iwas ng tingin ang binata. “Y-Yes. Of course! Bakit mo naman natanong iyan?”
Umarko ang gilid ng labi ni Freen. “Really? Paano ang boyfriend mo?”
Nanlaki ang mga mata ni Samuel. Nagpalinga-linga ito sa paligid upang masiguro na walang nakarinig kay Freen. Pagkatapos ay hinila niya ang dalaga papunta sa may madilim na parte.
“What are you saying?!”
“You are gay too, right?”
“Lower your voice!”
Napangiti si Freen. Kilala niya ang binata dahil minsan na niyang nakita ito sa bar ni Summer kasama ang isang artistang lalake. Oo, isang bakla si Samuel. At base sa reaksyon nito ay mukhang hindi rin ito tanggap ng pamilya nito.
Bumuga ng hangin si Samuel. “Fine. That’s true. Ano naman sa ‘yo ngayon?”
“Well, sigurado naman ako na ayaw mo akong pakasalan, ‘di ba? Ayaw ko rin. Why don’t we help each other?” Inilahad ni Freen ang kamay. “Deal?”
Napatingin si Samuel sa palad ng dalaga. Totoo ang mga sinabi nito. Hindi rin niya gustong magpakasal dahil may mahal siyang iba at isa iyong lalake. Pumayag lang siya dahil ayaw niyang madungisan ang pangalan ng pamilya nila. Tumango-tango si Samuel at inabot ang kamay ni Freen.
“Deal.”
Napangiti nang malapad si Freen.
BINABASA MO ANG
Love you for 365 Days (FreenBecky)
RomanceNag-iisang anak si Freya Ann 'Freen' Salvador ng isang sikat na negosyante sa bansa. Lahat ng mga tao ay tinitingala ang kanilang pamilya at nakabantay sa bawat kilos nila. Noong umabot na sa tamang edad si Freen ay napagkasunduan ng kaniyang pamily...