2

15.8K 189 7
                                    

Days after, palagi na n'ya akong inaabangan sa rooftop para mag kwentuhan kami. Masarap s'yang kausap kahit minsan makulit s'ya, nagkakasundo kami kasi parehas kami ng mga gusto..

"Ace!" masayang tawag ko sa kan'ya ng makita ko s'yang nakaupo sa long bench. Ngumiti s'ya saakin tapos kumaway. Naupo naman ako sa tabi n'ya. Tapos nag kwentuhan na naman kami.

"Ang boring sa kwarto ko. Puro nood ng t.v tapos iisa lang channel, misa pa palagi. Nakakantok." sa totoo lang.

"Hahaha ang boring nga n'yan." sagot n'ya.

"Mas gugustuhin ko nalang mag aral kahit na nase-stress ako e kesa nandito ako sa ward. Kung pinag patuloy ko pag aaral ko siguro graduate na ako." sabi ko.

"Ako din, kung buhay pa ako naka graduate na rin ako." sabi n'ya.

"Ano bang course mo nung college ka?" curious ako e. For sure first year college s'ya nung namatay s'ya.

"Educ. Gusto ko sana maging teacher."sabi n'ya tapos nagulat ako.

"Eh??? Educ din course ko hala same vibes talaga tayo!" sabi ko tapos nakipag apir ako sa kan'ya. Ang lamig ng kamay n'ya hehe.

"Paano kaba namatay? If you don't mind." ilang araw na kaming nag uusap hindi ko pa natatanong sa kan'ya 'yan.

"Uhm.. 5 years ago namamasyal kami ng nakababata kong kapatid. Nagpabili s'ya saakin ng pagkain noon tapos 'yung wallet ko nahirapan ako buksan kaya binitawan ko 'yung kapatid ko. Nalingat lang ako saglit nakita ko na s'ya na malapit na sa kalsada, tapos 'yung mga tao nag sisigawan.. mag ingat daw kasi may truck na dadaan tapos walang preno. Sobrang bilis ng pangyayari, itinulak ko 'yung kapatid ko para iligtas s'ya pero ako 'yung nahagip nung truck. Well, mas okay na ako 'yung nawala kesa naman 'yung kapatid ko. 4 years old lang s'ya dati e. Saka s'ya nalang 'yung pamilyang meron ako kaya—huh?! Bakit ka naiyak?!" nagulat s'ya nung bumaling s'ya saakin. Hindi ko mapigilan umiyak huhu ang sakit naman ng back story n'ya.

"Nalulungkot ako para sa'yo." sabi ko sabay singa.

"Ah hehe. Wala na 'yun matagal na 'yon, tanggap ko na nangyari." sabi n'ya.

"Nasaan na 'yung kapatid mo?" tanong ko.

"Nasa orphanage s'ya. Masaya ako kasi mabubuti ang mga nakakasama n'ya doon. 9 years old na s'ya at nag-aaral na." nakangiting sabi n'ya.

"Oh ang galing~" sabi ko. Nasa ganitong kalagayan kami ng sumulpot si Nurse Jen.

"Rose, ano na namang ginagawa mo dito?" sabi n'ya. Tapos tinuro ko si Ace.

"Kausap ko 'yung bago kong kaibigan." sabi ko. Ilang segundo ako tiningnan ni Nurse Jen tapos napa buntong hininga s'ya.

"Iniinom mo ba ng tama mga gamot mo, Rose?" haluh sabi ko na iisipin nila nababaliw na naman ako.

"Tss, 'dibale na nga." bulong ko. Tapos nakita ko si Ace na mahinang tumatawa. Tumatawa ba s'ya dahil nag mumukha akong baliw dahil sa kan'ya?!??!?!

"Sabi ko sa'yo e."

***

After bumaba ni Nurse Jen, bumaba na rin ako tapos sinama ko si Ace. Binigyan ko s'ya ng quick tour about sa floor kung saan ako nag s-stay tapos nag punta kami sa room ko after n'on.

"Ang ganda ng kwarto mo, pina-customize mo 'to?" tanong n'ya then naupo s'ya sa sofa. Ako naman naupo sa kama ko.

"Yes, I like purple color kasi kaya pina-iba ko ng color 'yung walls." ang cute kasi ng pastel purple na color.

Tapos nilibot n'ya mata n'ya then nakita n'ya 'yung pictures na nakadikit sa ding ding katabi ng kama ko.

"Sino 'yan? Friends mo?" tanong n'ya. Tumango ako.

"Yes, friend ko silang dalawa simula grade school palang kami." namimiss ko na tuloy sila.

"Wow.. Binibisita ka nila dito?" biglang nawala 'yung smile sa labi ko.

"Unfortunately, nung nalaman nila na na admit ako sa mental hindi na nila ako kinakausap. Hehe natakot narin siguro sila saakin." wala na tayong magagawa 'yun ang gusto nila e.

"Grabe naman 'yan parang hindi naman kaibigan. Nung nabubuhay pa ako may kaibigan din akong na admit sa mental mga 1 week lang 'yon pero lagi ko s'ya binibisita." sabi n'ya. Napa smile naman ako.

"Sana pala matagal na tayong nagkakilala." sabi ko. Masarap siguro s'ya maging kaibigan.

"Hahaha kung gusto mo dito lang ako para may kaibigan ka e." nagtaka ako sa sinabi n'ya.

"Hindi kaba aakyat sa langit? I mean, sabi mo tanggap mo na nangyari sa'yo. Hindi ba pag ganon umaakyat na sila langit?" napanood ko 'yon e.

"Grabe ka naman, ayaw mo ba ako dito?" umiling ako kaagad.

"Hindi naman sa ganoon." napabuntong hininga s'ya.

"May mga kaibigan akong espirito dati, pero lahat sila mga naglaho na." nagulat ako sa sinabi n'ya.

"Eh? Bakit?!" gulat na tanong ko.

"Karamihan sa kanila namatay mga 60 or 70 years ago na. Tapos unti unti na silang nakakalimutan ng mga mahal nila sa buhay. Pag wala ng nakakaalala sa'yo, mag lalaho ka nalang na parang bula." sabi n'ya kaya napaisip ako.

"Naglalaho? Hindi ba sila napupunta sa langit?" tanong ko.

"Hmmm. Posible naman, may kasabihan rin kasi na kapag daw nag laho kana ibig sabihin wala na nakakaalala sa'yo sa mundong ito kaya aakyat kana sa langit. Pag daw andoon kana mabubura ala ala mo so basically, pag nakaakyat na sa langit.. Total strangers na ang lahat. " na patango tango ako. "Not sure kung totoo, pero ayun sabi nila e." dagdag n'ya.

"May ganon pala? So pag namatay ka pala hindi kapa makakaakyat sa langit hangga't may nakakaalala sa'yo. Ang boring naman no'n bawal ba umakyat kaagad?" tanong ko tapos nag kibit balikat s'ya. Ayoko pala muna mamatay.

Maya maya tumunog na ang alarm ko. Oras na para sa mga medications ko. For sure magagalit si Nurse Jen pag hindi na naman ako uminom ng gamot.

"Ang dami mong iniinom na gamot." sabi ni Ace. Tumango ako after ko uminom ng tubig.

"Talaga ka. Wala namang epekto para lalo lang akong natutuliro." sabi ko. Joke lang syempre.

"Wala kabang friends dito?" tanong n'ya.

"Meron naman. Kaso kasi minsanan lang kami nagkakausap ng tino. Depende sa huwisyo at kung kailan kami kalmado." sabi ko. Maya maya nakarinig kami ng sigaw na malakas. "Kagaya n'yan, si Ericka inaatake na naman." sabi ko.

Parang normal lang na lagi may nagsisigawan na pasyente dito sa ward. Mas magugulat pa ako kapag tahimik dito e.

"Grabe pala dito. Ang lungkot siguro dito magisa." sabi n'ya. Totoo naman.

"Malungkot talaga." bulong ko.

"Don't worry, as long as I'm here. Hindi kana malulungkot." ang laki ng ngiti n'ya tapos naka thumbs up s'ya.

"Promise mo dito ka lang sa tabi ko ha?" sabi ko. Tumango s'ya.

"Promise.."

Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)Where stories live. Discover now