SEVERAL YEARS AFTER
Nandito ako sa harapan ng bintana ng kwarto ko, nakaupo ako sa tumba tumba habang dinadama ko ang hangin na dumadampi sa balat ko. Sobrang sarap mamuhay sa probinsiya dahil tahimik lang. Sariwa rin ang hangin at talagang aantukin ka at makakatulog.
"Ma?" napamulat ako ng makarinig ako ng boses. Narinig ko rin ang bukas ng pintuan ng kwarto ko. "Ma? Nandito na po si Tita Rei at mga anak n'ya. Sabay sabay na po tayong mag celebrate ng new year." sabi nito.
"Sige, Lee anak. Susunod ako kamo." sambit ko. January 1 na pala.. ang bilis ng panahon.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo ako sa table ko kung nasaan ang maliit na diary ko. Tuwing sasapit ang bagong taon, lagi akong nagsusulat sa diary na ito.
Naupo ako sa table, sinuot ko ang salamin ko at sinimulan kong mag-sulat.
Enero 1, 20**
Lumipas na naman ang taon, at ang masasabi ko lamang ay naging masaya ang buong taon na iyon.
Kamakailan lang, nakapag tapos na ng masteral's degree ang anak kong si Lee, sobrang saya ko at sobrang proud ako sa kan'ya. Napaka buting bata ni Lee, kahit na matagal na panahon na s'yang nakalabas sa ampunan ay patuloy parin s'yang tumutulong sa mga madre at mga mga bata doon. Tunay na pinasaya ni Lee ang taon ko na ito.
Bagong taon na naman, nandito na naman sina Rei at ang pamilya n'ya. Bagong taon ang pinaka gusto kong okasyon sa lahat dahil sa okasyon na ito ay nagkakasamasam uli kaming pamilya. Gustong gusto ko ang pamilya ng napangasawa ni Rei dahil lahat sila ay mababait at maalaga. Kaya nagpapasalamat ako na mabuting tao ang pinakasalan ni Rei.
At saka.. Enero 1, ito ang araw ng kaawarawan mo. Ilang dekada na ang lumipas simula ng mawala ka sa piling ko. Tanggap ko na ang lahat at ngayon nabubuhay na ako ng masaya. Wala na akong mahihiling pa kung hindi ang bigyan pa ako ng mahabang buhay upang maalagaan ko pa si Lee, ang kapatid mo.
Noong tuluyan na akong gumaling at makalabas ng ward, nag aral uli ako at nakapos ako ng pag-aaral. Nag hanap kaagad ako ng trabaho, medyo nahirapan ako mag hanap ng trabaho noon dahil sa record ko sa mental. Pero hindi ako sumuko, naghanap parin ako ng trabaho. Nung nakakasahod na ako ng pera, napag desisyunan ko ng ampunin si Lee para alagaan s'ya. Para ko na s'yang naging tunay na anak. Pinalaki ko s'ya at pinag aral, at sa awa ng diyos ay lumaki s'yang mabait at masunurin.
Natigil ako sa pag susulat at saka ako napatingin sa litrato naming dalawa ni Lee. Litrato ito nung gumaraduate s'ya sa college. Na pangiti ako at saka ko pinag patuloy ang pagsusulat.
Nag bago na ng tuluyan ang buhay ko dahil sa'yo. Binaon ko lahat ng aral at payo mo saakin at nakatulong ang mga iyon para maging maganda ang buhay ko. Wala na akong mahihiling pa. Alam kong proud ka saakin dahil natupad ko na ang ipinangako ko sa'yo noon.
Lumipas man ang mga taon, pero kahit kailan hindi lilipas ang nararamdaman ko sa'yo. Hanggang ngayon ay malinaw na malinaw parin saakin ang itsura mo. Hinding hindi ko makakalimutan ang ngiti mo.
Dati, nasabi natin sa isa't isa na hindi natin alam kung ano ang pag-mamahal dahil hindi natin naranasan iyon bago tayo magkakilala.
Pero sa mga nakalipas na panahon, sa tingin ko alam ko na kung ano nga ba ang pag mamahal.
Ang pagmamahal ay isang koneksyon ng dalawang puso. Kahit na wala kana sa piling ng isang tao, nararamdaman mo parin sila sa kaibuturan ng puso mo.
Ace, nawala ka man sa mundong ito pero kahit kailan hinding hindi ka mawawala sa puso at isip ko. Ikaw parin ang dahilan kung bakit ako naniniwala sa salitang pagmamahal. Sa wakas ay natuklasan ko na ito, iyon ay dahil sa'yo.
Lumipas man ang ilang taon, ilang dekada, o ilang siglo man.. Mananatili kang una at huling pag ibig ko.
Mahal na mahal kita, Ace.
Love, Mary Rose..
THE END
What are your thoughts on this story? If you like it, kindly give a like and comment. I'll greatly appreciate it.
I made a playlist for them on spotify. Make sure to check it out!
YOU ARE READING
Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)
FanficOP #1 - Portgas D. Ace as makulit na lagi mong ka kwentuhan sa rooftop. °°° Language: Taglish Status: Completed DISCLAIMER: This story doesn't follow the anime or the manga. ©purpledomiti 2023