"Nurse Jen, okay lang nga po ako." nandito kami ngayon sa isang room kasi kakausapin daw ako ng doctor. Over the past weeks daw kasi ay palagi nalang ako nag sa salita magisa na mistulang may kausap daw ako.
I mean oo kausap ko si Ace???? Pero kasi espirito kasi s'ya kaya hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag.
"Para rin ito sa ikabubuti mo, Rose."napa roll eyes nalang ako. Buti nalang sinundan kami ni Ace. Nandito s'ya sa tabi ko ngayon." Intayin mo si Doctora, ha?" hindi ako sumagot. Lumabas nalang s'ya kasi hindi ko naman s'ya pinapansin. Sabing ayos lang ako e.
"Sorry ah? Dahil yata saakin kaya ka—"
"No need to say sorry. Mas gugustuhin kong multo ang nakikita ko kesa mga hallucinations ko." sabi ko.
After 5 minutes ng pag aantay, dumating na si Doctora.
"Good day, Rose. Long time no see ah? Kamusta ka?" tanong ni Doktora Aileen pero hindi ko din s'ya pinansin. Hanggang sa siniko ako ni Ace.
"Huy, sumagot ka naman." sabi n'ya. Kaya tiningnan ko si Doc na nasa harapan ko na ngayon at nakaupo.
"H-Hello po." bati ko.
"Kamusta pakiramdam mo?" naiirita po.
"Ayos pa po sa okay." sagot ko.
"Umiinom kaba ng medications mo?" tanong n'ya then tumango ako. "You look pretty today." puri n'ya saakin tapos napa smile ako. Talaga ba? Hihi.
"Pwede mo ba ikwento saakin kung anong ganap mo sa life nitong mga nakakaraang linggo?" tanong n'ya.
"Hmm, two weeks ago po may nakilala akong friend. Ace po ang pangalan n'ya." sabi ko.
"Talaga? Saan mo s'ya nakilala?"
"Sa rooftop po nitong ward. Mabait po s'ya tapos makulit din." para akong batang nag kukwento sa magulang ah.
"May I ask kung anong itsura n'ya?" napaisip ako. Paano ko nga ha idedescribe si Ace?
"Hmmm. Matangkad po s'ya, medyo wavy po 'yung hair. May freckles din po s'ya at hilig sa lahat, gwapo po!" sabi ko.
"Weh?" hindi ko pinansin si Ace na nagbibigay ng side comments sa tabi ko. Act natural, Rose.
"Okay.. Mabait ba itong Ace na tinutukoy mo?" tumango ako.
"Opo. Isang beses nga po nung muntik ng matalisod si Nurse Jen sa hagdan nasalo po s'ya ni Ace. Tapos akala po ni Nurse Jen bakal 'yung nahawakan n'ya kasi ang lamig daw po wahahahahahaha." tawa ako ng tawa. Naalala ko mukha ni Nurse Jen, buti nalang daw napahawak s'ya sa bakal kundi mahuhulog s'ya.
Pero imbes na tumawa si Doc, bigla s'yang nag notes sa hawak n'yang papel. Haluh?!
Natigil ako sa pagtawa tapos nanahimik nalang. Baka resetahan na naman ako bagong gamot huhu baka hindi sira ng ulo ikamatay ko, baka overdose na.
"If there's anything bothering you. You could always talk to me, or sa mga nurses. Makikinig naman sila sa'yo." eto na nga ba.
"Hindi naman po ako nag ha hallucinate. Totoo po si Ace kasi nahahawakan ko po s'ya." sabi ko. Napabuntong hininga naman si Doc.
"We can go out sometimes sa garden ng ward para nalilibang ka sa mga flowers. You like flowers, right?" napabuntong hininga nalang ako.
Naiirita ako.
***
"Sorry talaga, Rose. Iniisip nilang nababaliw kana dahil saakin." nandito na kami sa rooftop ngayon.
"Okay nga lang. Hayaan mo na, ito na 'yung huling beses na babanggitin kita sa kanila. Ayoko na rin naman na ma feel sorry ka dahil doon." sabi ko. Kunware nalang wala akong nakikita.
"Huwag nalang siguro tayo mag usap kapag may ibang tao." sabi n'ya. Tumango ako.
"Oo nga." sagot ko.
"Hay buhay~" sabi ni Ace tapos bigla s'yang napasandal sa mahabang bench.
"Gusto ko nalang maging ibon para tamang lipad nalang." random thought na naman. "Nga pala, 'diba multo ka? Nakakalipad kaba?" tanong ko.
"Wahahahaha hindi ah. Nung kakamatay ko lang din kala ko lulutang ako, 'yun pala hindi. Ang hassle parin kaya mag hagdan. Hindi nga rin ako tumatagos sa mga pader e." sabi n'ya na ikinagulat ko.
"Eh? Edi parang invisible ka lang pala?" tumango s'ya.
"Ang pangit pala maging multo. Kung tumatagos ka sa pader okay pa e." sinamaan n'ya ako ng tingin. "Joke lang ito naman." sabi ko.
"Marunong ka mag drawing?" tanong ko. Then tumango s'ya.
"Oo. Dati gustong gusto ko mag drawing kasi nagugustuhan ng kapatid ko pag nag da drawing ako." sabi n'ya.
"Hmmm. Gusto mo drawing tayo? Tapos sasabit ko s'ya sa kwarto ko." tumango s'ya kaagad.
"Sige sige!"
***
"Ang duga! Hindi mo naman sinabi na gan'yan ka kagaling." pusa na orange 'yung dinrawing n'ya at super ganda as in. Kahit na crayons at lapis lang gamit ang ganda ganda. Samantalang ako, drawing ko aso tapos nagmukhang kabayo na.
"Sabi sa'yo e." tapos binigay na n'ya saakin. "Sabit mo 'yan sa kwarto mo ha." sabi n'ya at tumango ako.
"Aba oo naman. Kung pwede lang papa frame ko ito e." turuan sana n'ya ako kung paano mag drawing ano.
"Okay lang 'din naman sa'yo ah? Ano ba itong dinrawing mo? Dinosaur?" napayuko nalang ako. Hindi s'ya nangaasar or ano kasi genuine talaga 'yung tanong n'ya.
"A-Aso 'yan." lumbay na sabi ko. Wala na talaga, tumanda akong hindi marunong mag drawing tapos balak ko pa maging elementary teacher hays.
"Luh? Bakit ang liit ng kamay kumpara sa paa? Sure ka hindi T-Rex ito?" inis kong inagaw sa kan'ya 'yung papel. This time nangiinis na s'ya.
"Akin na nga 'yan! Who you ka saakin kapag natuto akong mag drawing sinasabi ko sa'yo!"
"Wahahahahaha."
YOU ARE READING
Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)
FanfictionOP #1 - Portgas D. Ace as makulit na lagi mong ka kwentuhan sa rooftop. °°° Language: Taglish Status: Completed DISCLAIMER: This story doesn't follow the anime or the manga. ©purpledomiti 2023