13

4.7K 71 3
                                    

Ilang linggo ang lumipas. Hindi na ako nakakain ng maayos simula noon. Nagkulong lang ako sa kwarto at hindi na ako lumabas. Sinusubukan ko naman kumain, pero wala talaga akong gana.

Ngayon nandito ako, nakaupo at nakatanaw sa bintana. Hindi ko alam kung magagawa ko pang sumaya matapos mangyari ang lahat. Hindi ko pa din matanggap, ang hirap tanggapin. Ni wala man lang akong litrato n'ya para tingnan.

"Rose." narinig kong tawag saakin ni Nurse Jen, pero hindi ako sumagot. Nanatili lang ako nakatulala sa bintana. Matyaga n'ya akong binibisita araw araw para ka usapin.

Naupo s'ya sa upuan sa tabi ko.

"Kahit na ganoon ang nangyari, dapat tanggapin mo nalang." nakuha ni Nurse Jen ang atensyon ko dahil sa sinabi n'ya. Kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ko sa kan'ya. Bahagya s'yang ngumiti.

"Sa tingin ko, wala na ang kaibigan mong multo.. tama?" nagulat ako sa sinabi ni Nurse Jen.

"Paano n'yo po.." hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil sa labis na gulat. "Nakikita n'yo rin po si Ace?" tanong ko. Tapos dahan dahan s'yang tumango.

"Bata palang ako, nakakakita na ako ng mga espirito. Nasa lahi kasi namin ang pagiging albularyo, ang sabi nga ng magulang ko noon dapat daw maging albularyo din ako kasi namana ko sa lolo ko ang makakita ng espirito." nakinig lang ako sa kwento n'ya. "Noong kabataan ko, may nakilala rin akong multo. Roger ang pangalan n'ya, noong una hindi ko s'ya pinapansin kasi makulit s'ya at nakakairita. Hanggang sa hindi ko na natiis at pinansin ko na s'ya." nagulat ako sa ikinuwento ni Nurse Jen. Nakakakita rin pala s'ya ng multo.

"Naging mag kaibigan kami ng matagal na panahon, umabot pa ng taon. Hanggang isang araw hindi ko na s'ya makita, hindi ko na s'ya mahanap. Bigla nalang s'yang nawala tapos napag-alaman ko nalang na namatayan na pala lahat ng kamag-anak n'ya. Kaya nawala narin s'ya at naglaho." hindi ko alam ang nararamdaman ko matapos marinig ang kwentong ito ni Nurse Jen.

"Noong makita kitang may kausap sa rooftop, natakot ako para sa'yo kasi hindi naman lahat mg espirito ay mababait, kaya nagpanggap akong hindi s'ya nakikita at sinubukan kitang ilayo sa kan'ya. Pero inobserbahan ko kayo ng palihim, at napag-alaman ko na hindi naman masamang tao si Ace." pinangilidan ako ng luha. Marinig ko lang ang pangalan n'ya naluluha na ako. "Natakot akong baka mangyari sa'yo ang nangyari saakin noon. Pero nung gusto mong lumabas, pinayagan kita. Hinayaan kitang gawin ang gusto mo sa kapakanan ng ispiritong iyon. Nakikita kong unti unti na s'yang naglalaho. Alam ko kasi kung gaano kasakit kapag hindi ka man lang nakapag paalam sa kan'ya bago s'ya umalis." tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko. Buti naman at may nakakaintindi saakin dito.

"Nung nawala na s'ya, umiyak ako ng umiyak. Kagaya mo nawalan din ako sa ng gana sa lahat ng bagay. Pero naisip ko, hindi iyon ang gustong mangyari saakin ni Roger. Kaya sinakap kong kayanin kasi alam kong magagalit s'ya kapag hindi ko inalagaan ang sarili ko. Kaya ngayon, masaya na ako sa buhay ko kasi tanggap ko na ang nangyari. At alam ko rin na kung nasaan man s'ya ngayon ay natutuwa s'ya dahil naging maayos parin ang buhay ko kahit nawala na s'ya. "patuloy parin na tumutulo ang luha ko habang nakikinig kay Nurse Jen.

Hinaplos haplos n'ya ang buhok ko.

"Kaya, Rose.. Alam kong makakayanan mo 'yan. Naniniwala akong mas malakas ka kaysa saakin noon, pero nagawa ko parin tanggapin ang lahat. At alam kong magagawa mo rin iyon. Huwag kang susuko, tuloy mo lang ang buhay mo. Alam kong gusto ni Ace na magpagaling ka at makalabas ka dito sa ward. Alagaan mo ang sarili mo, Rose. Walang ibang makapagbabago sa'yo kundi ang sarili mo lang din. Wag kang mawalan ng gana mabuhay, kasi may mga taong pilit na nakikipag laban para lang mabuhay. Meron ring iilan na gusto pang mabuhay pero hindi na pwede. Kaya maswerte ka, maswerte tayo kasi buhay tayo at maari pa nating magawa ang mga nais nating gawin bago tayo mawala rin sa mundo. Huwag mong sayangin ang panahon, Rose. Baguhin mo ang sarili mo para sa ikabubuti mo. Pag nagawa mong makalabas dito, ako ang unang magsasabi sa'yo na proud si Ace sa'yo." tumango ako habang umiiyak parin. Itinatak ko sa utak ko ang bawat sinabi saakin ni Nurse Jen. Lahat ng sinabi n'ya ay tama.

Niyakap ko s'ya.

"Salamat po, Nurse Jen. Kahit na minsan hindi maganda ang pakitungo ko sa in'yo, nagagawa mo paring bantayan at alagaan ako." umiiyak na sabi ko.

"Responsibilidad ko iyon. Para na kitang anak, Rose." sabi ni Nurse Jen saka n'ya ako niyakap ng mahigpit.

Napagisip isip ako, tama nga na dapat alagaan ko ang sarili ko. Wala namang ibang makakatulong saakin kung hindi ako lang. Ayokong isipin ni Ace na lumala ang kondisyon ko dahil sa kan'ya, bagkus.. gusto kong makita n'ya na s'ya ang naging dahilan at inspirasyon ko para gumaling at makalabas sa ward na ito.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga pabaon niyang payo at paalala n'ya saakin. Ipinapangako ko na kapag nakalabas ako dito, s'ya ang unang pasasalamatan ko.

Hindi dito natatapos ang buhay ko. Simula't sapul ganito naman na talaga ang mangyayari. Hindi naman kasi pwedeng nasa tabi ko lang s'ya habang buhay.

Lahat ng gagawin ko ay para sa kan'ya at sa sarili ko. Pipilitin kong tanggapin ang lahat kasi kung patuloy kong ikukulong ang sarili ko dito ay walang mangyayari, baka lalo lang akong mabaliw.

Ace, kung nakikinig ka man. Para sa'yo ito, sana maging proud ka kapag nakalabas ako dito sa ward. Hindi na magiging matigas ang ulo ko at susunod na ako sa kanila. Pangako 'yan, Ace.

Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)Where stories live. Discover now