Nakaramdam ako ng sobrang kaba at walam kong ganoon din s'ya. Hindi ko na s'ya mahawakan at tumatagos narin s'ya sa mga bagay. At kung tititigan mo nga s'ya ng maigi, medyo nagiging transparent narin s'ya..
"Ace?! Anong nangyayari!?" alalang tanong ko sa kan'ya.
"Baka may nangyari kay Lee." sabi n'ya. "Kailangan ko s'yang puntaha—"
"Sasama ako." natigilan s'ya sa sinabi ko. "Wala ng oras para magtalo tayo, Ace. Sasama ako sa ayaw at gusto mo." sabi ki tapos bumaba na ako ng rooftop.
Hindi ako mapapakali kung mag sestay lang ako dito. Natatakot ako, natatakot ako na baka kapag hinayaan kong umalis si Ace.. h-hindi na s'ya makabalik dito.
Bumalik ako sa kwarto ko para kumuha ng jacket. Isinuot ko ito tapos inaya ko na s'yang pumunta ng fire exit. Hagdan ang ginamit namin, binilisan ko ang pagbaba pero syempre dapat dahan dahan lang para hindi kami marinig.
Nung sumilip ako sa may fire exit, nakita ko na may naguusap na dalawang Nurse sa hindi kalayuan, kung dadaan ako doon for sure makikita nila ako.
"Baka mahuli ka, Rose." bulong saakin ni Ace. Kailangan ko umisip ng paraan kung paano ako makakalabas!
"Nurse Cat!" tawag ko doon sa isa sa mga dalawang Nurse na nag uusap. Napatingin s'ya saakin tapos lumapit ako sa kan'ya.
"Oh, Rose? Bakit ka nandito?" sabi n'ya.
"Uhm, pinapatawag po kayo ni Nurse Jen sa taas. Nag wawala na naman po kasi si Ericka need po yata ng sedative." pagsisinungaling ko. Sorry po, Nurse Jen, Ericka kung nadamay ang pangalan n'yo. Kailangan ko lang talaga makaalis ngayon na.
"Naku, sige aakyat na kami." nagmamadaling sabi nila tapos umakyat na sila gamit ang elevator. Nung makasiguro akong wala na talaga sila, inumpisahan kong kalkalin ang lock ng fire exit.
"Makisama ka please." bulong ko habang kinakalikot ang lock. Pinagpapawisan na ako pero hindi ko parin s'ya mabuksan. Bakit kung kailan kailangan ko saka ayaw ako palabasin?!?!?!
"Titingnan ko sa labas kung may lock din." sabi ni Ace. At dahil nga sa kalagayan n'ya ngayon ay tumagos s'ya sa pinto ng fire exit.
Pagkalipas ng ilang segundo ay bumalik na s'ya.
"Rose, may security guard sa baba." natigilan ako sa sinabi n'ya. "Kahit buksan mo ito hindi ka parin makakaalis." sabi n'ya. Dahil dito ay nanlulumo akong napabitaw sa lock..
"P-Paano na 'yan?" alalang tanong ko sa kan'ya. Habang tumatagal mas lalo s'yang nagiging transparent.
"Rose?" gulat akong napatingin sa likuran ko ng may tumawag saakin. "Anong ginagawa mo di—.. Tatakas ka na naman?!" kung sinuswerte ka nga naman. Nakita ako ni Nurse Jen!
Lumapit ako sa kan'ya tapos hinawakan ko s'ya sa kamay.
"N-Nurse Jen, kailangan ko pa umalis. Please po!" nagmakawa na ako kay Nurse Jen. Wala na kaming oras kailangan ko ng umalis!
"Ha? Bawal ka umalis!" sabi n'ya. Unti unting tumulo ang luha ko. "Bumalik kana sa kwarto mo, Rose. Oras na para uminom ka ng—"
Ewan ko pero sa sobrang desperada ko nanakbo uli ako sa pinto ng fire exit saka ito kinalampag ng malakas.
"PALABASIN N'YO KO!!!" malakas na sigaw ko.
"Rose, itigil mo 'yan!" saway saakin ni Nurse Jen pero hindi ko s'ya pinakinggan at patuloy ko paring kinakalampag ang pinto sa fire exit.
"Rose, 'wag mo gawin 'yan." rinig kong sabi ni Ace. Natigil ako sa pag kalampag tapos unti unti akong napaupo sa sahig. Napahigpit ang kapit ko sa pants ko habang patuloy paring tumutulo ang luha ko.
"Pag hindi ko 'to ginawa, baka hindi na kita makita. Ayokong mangyari 'yon, Ace." sabi ko. Gusto kong puntahan ang kapatid n'ya para malaman kung anong nangyari at bakit nagiging ganito si Ace.
"Rose—"
"BITAWAN MO 'KO!" hinawakan ako ni Nurse Jen sa balikat ko tapos marahas ko iyong inalis. Napatayo s'ya dahil dito.
Nagulat ako ng makita kong gumuhit ang takot sa mga mukha n'ya. 'Yung mga mata n'ya, may takot habang nakatingin saakin.
"W-Wag mo akong tingnan ng gan'yan.." halos bulong na sabi ko. ".. Wag." napasabunot ako sa buhok ko tapos napayuko ako.
Gan'yang tingin ang pinaka ayoko sa lahat. 'Yang tingin na 'yan ang dahilan ako kung bakit ako nandito ngayon sa mental. G-Gan'yan ang huling tingin na nakita ko bago ako dalhin dito.
"M-Ma, hindi ko po sinasadya—"
Sa mga oras na iyon, nakita ko kung paano gumuhit ang takot sa mukha ng Mama ko. Yung takot sa mga mata n'ya na akala mo sinusubukan ko s'yang patayin.
"LUMAYAS KA DITO! WALA AKONG BALIW NA ANAK!"
Gan'yang mata ang pinaka ayoko sa lahat.
"Galit s'ya sa'yo..
"Ayaw n'ya sa'yo.."
"Walang may gusto sa'yo.."
Napatakip ako ng tenga ko. Eto na naman 'yung boses na naririnig ko. At dahil ayokong makarinig ng ganitong boses ay sumigaw ako ng pagkalakas lakas.
"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!"
Malakas na sigaw ko. Nagiging blanko ang isip ko, bumabaon ang kuko ko sa paligid ng tenga ko pero wala akong maramdaman na sakit. Ang gusto ko lang ngayon ay mawala ang boses sa nasa ulo ko.
Hanggang sa namalayan ko nalang na nagpupumiglas na ako kasi hawak hawak na ng ibang Nurses ang dalawang kamay ko. Tapos nung nakita kong may hawak na syringe si Nurse Jen ay umiling ako.
"Wag.." umiiling na sabi ko. "Wag pakiusap." ayoko sa lahat pag tinuturukan ako ng pang pakalma. Pag tinuturukan kasi ako nito nakakatulog ako ng ilang oras.
Nagpumiglas ako habang papalapit saakin si Nurse Jen. Pero wala akong nagawa dahil tinurukan parin nila ako nito.
Unti unting nanlambot ang katawan ko kung kaya't napaupo ako sa sahig. Nakita ko si Ace na nasa harapan ko, alalang nakatingin saakin.
Wala akong oras para matulog. Kailangan kong lumabas at pumunta sa orphanage.
Unti unting bumigat ang talukap ng mata ko pero hindi ko inalis ang tingin ko kay Ace. Ayokong pumukit dahil natatakot ako na baka pag gumising ako.. wala na s'ya.
"Ace.."
ZzzzzzzZzzzZzZzzz
YOU ARE READING
Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)
FanfictionOP #1 - Portgas D. Ace as makulit na lagi mong ka kwentuhan sa rooftop. °°° Language: Taglish Status: Completed DISCLAIMER: This story doesn't follow the anime or the manga. ©purpledomiti 2023