8

4.8K 72 3
                                    

Ngayong araw hindi na naman maganda ang gising ni Rose. Parang nahihilo na naman s'ya at parang lalagnatin. Alam n'ya sa sarili n'ya na meron na namang hindi magandang mangyayari sa kan'ya kapag ganito ang nararamdaman n'ya..

Nag kulong lang s'ya sa kwarto n'ya at magpahanggang kanina ay hindi pa s'ya lumalabas ng kwarto or kumakain man lang ng kahit ano.

"Rose, nandito na ang pagkain mo." sambit ni Nurse Jen pero nanatiling nakataklob ng kumot si Rose.

"Ayoko pong kumain." sagot nito.

"Paano ka iinom ng gamot kung hindi ka kakain?" paalala ni Nurse Jen pero hindi sumagot si Rose.

"Ayoko po uminom ng gamot." sagot ni Rose.

"Hindi pwede—"

"AYOKO!" naputol ang sasabihin ni Nurse Jen dahil sa malakas na pag sigaw ni Rose. Maging si Rose ay nagulat sa ginawa n'ya. "S-Sorry po. Gusto ko po muna mapag isa." sabi ni Rose kung kaya't walang nagawa si Nurse Jen kundi iwan ang pagkain sa table at ang gamot na iinom nito after kumain.

Makalipas ang limang minuto, hindi parin inaalis ni Rose ang taklob ng kumot sa kan'ya.

"Rose.." naririnig n'yang may tumatawag sa pangalan niya. "Rose.." kaboses ito ni Ace kung kaya't dahan dahan n'yang binaba ang nakataklob na kumot sa kan'ya.

Nakita n'yang nakatalikod ito sa kan'ya kung kaya't umupo s'ya sa kama niya upang makita n'ya ng maigi ito.

"Ace?" tawag ni Rose sa kan'ya. Dahan dahang humarap si Ace. "Akala ko pumunta ka sa kapatid mo?" tanong nito pero hindi siya sinagot ni Ace.

"Rose.." banggit na naman nito sa pangalan n'ya. Nang tuluyan ng makaraharap si Ace sa kan'ya ay nanlaki ang mga mata n'ya at gumuhit ang takot sa mga mata n'ya. ".. tulungan mo ako, Rose." tumambad sa kan'ya ang duguang katawan ni Ace. Putol ang isang kamay n'ya at halos wala na ang bahagi ng kaliwang ulo n'ya.

Takot na takot na napatakip ng tenga si Rose dahil sa hallucinations na nakikita n'ya.

"Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!" tumili ng malakas si Rose at napapikit s'ya ng mariin.

Walang tigil s'yang sumigaw ng sumigaw at halos dumugo ang paligid ng tenga n'ya dahil sa higpit ng kapit n'ya dito.

"Aaaaaahhhhhhhhh!" hindi padin s'ya tumitigil dahil hindi parin nawawala ang pigurang ito ni Ace sa harapan n'ya.

Hanggang sa dumating ang ilang mga Nurse upang tingnan kung anong nangyayari sa kwarto ni Rose.

Nang makita nila ang kalagayan ni Rose ay agad silang lumapit dito.

"Rose!" tawag ng isang Nurse dito habang sinusubukan na hawakan ang kamay ni Rose.

Dalawang Nurse ang humawak sa braso ni Rose at nagpumiglas si Rose kung kaya't si Nurse Jen ang humawak sa dalawang paa nito.

Maririnig sa bawat sulok ng kwarto ang malakas na sigaw ni Rose.

Nang marinig naman ito ni Ace, kaagad s'yang umakyat upang puntahan ito. At nagulat siya ng makita n'yang sinusubukang pakalmahin ng mga Nurse si Rose.

Nang hindi na madaan sa pakiusap si Rose ay kumuha na sila ng sedative or  'yung tinuturok para kumalma ang isang pasyente.

Tulong tulong silang hinawakan si Rose at saka tinurukan ng pangpakalma. Makalipas ang ilang minuto ay unti unti ng kumalma si Rose kung kaya't binitawan na nila ito.

Nang makaalis na ang mga Nurse ay naupo si Ace sa edge ng kama ni Rose saka n'ya ito tinitigan habang natutulog.

"Lagi nalang ako wala kapag nagkakaganito ka, pasensya kana Rose." nakaramdam s'ya ng kaunting guilt. "Intayin ko nalang na magising ka." dagdag niya pa saka n'ya marahan na hinaplos ang ulo ni Rose.

Rose's POV

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Tsk tinopak na naman ako kanina.

Napaupo ako sa kama ko tapos saktong paglingon ko, nakita ko si Ace na nakaupo sa gilid ko kaya gulat akong napaiwas tapos pinag cross ko ang daliri ko. Nagtataka naman s'yang tumingin sa akin.

"Ano 'yan?" takang tanong n'ya. Napalunok naman ako.

"I-Ikaw naba talaga 'yan?" kabado na tanong ko tapos lalong kumunot ang noo n'ya.

"Pinagsasasabi mo? Ako 'to. Ano bang nangyari sa'yo ayos kana ba?" binaba ko na ang kamay ko tapos napabuntong hininga ako. Ang hapdi ng tenga ko.

"Kanina kasi, hindi yata ikaw 'yung nakita ko." hindi pwedeng s'ya 'yon.

"Ha?" tanong niya.

"Nag hallucinate yata ako kanina. Nakita kasi kitang duguan tapos putol 'yung kamay mo at.. basta nakakatakot." pinaninindigan ako ng balahibo sa katawan.

"Huh?!?!!" gulat na tanong niya.

"Hindi ba ganon itsura mo nung nabangga ka?" tanong ko then napa isip s'ya.

"Hmmm.. Hindi e. I mean mas worse pa doon pero huwag mo nalang isipin." mas worse?!?!?!?! Nahati ba s'ya sa dalawa oh ano?? Hieeeee yoko isipin.

"Natakot ako." waring nilalamig na sabi ko.

"Parang napapadalas 'yung episode mo. Umiinom kaba ng gamot palagi?" tanong niya. 'Yung mga tanungan n'ya parang psychiatrist ko lang.

"M-Minsan nakakalimutan ko." sorry na makakalimutin.

"Ayan kase.."

"Eh kasi naman! Minsan sa sobrang daming iniinom na gamot hindi na ako makabangon." totoo 'yan parang pagod na pagod ako lagi pag iinom ng madaming gamot.

Sasagot na sana s'ya ng marinig kong bumukas ang pinto ko, Si Nurse Jen pala.

"Rose, ayos kana ba?" tanong ni Nurse Jen at tumango ako. Lumapit naman siya saakin.

"O-Opo, pasensya na po sa nangyari." sabi ko.

"Mabuti naman at ayos kana. Kain kana ha? Para makainom kana ng gamot." tumango ako. Nag usap pa kami ng ilang minuto bago s'ya lumabas ng kwarto ko.

Pag alis n'ya bumaling uli ako kay Ace.

"Tara sa rooftop?" aya ko sa kaniya. Umiling s'ya.

"Kain, inom gamot.. tapos rooftop." tss ang damot.

"Edi kakain na." sabi ko sabay kuha nung pagkain sa table. Mainit pa ito, for sure pinaltan nila 'to kanina ng bago.

Nung kumakain na ako nakita ko ang ngiti sa labi ni Ace. Para s'yang proud tatay. Kumain lang naman ako hindi naman ako nanalo sa contest bakit mukha s'yang proud na proud.

Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)Where stories live. Discover now