Kagigising ko lang. Ang sama ng gising ko kasi feeling ko lalagnatin ako. Kagabi kasi hanggang 12 am nasa rooftop kami ni Ace. Nahamugan siguro ako hahaha joke lang. Wala si Ace sa tabi ko, nag gagala na naman siguro s'ya.
Nag suot ako ng headphones kasi nakakarinig ako ng mga boses sa tenga ko. Hindi ko din alam kung dahil sa hilo ito oh ano, pero 'yung tao sa t.v parang lumalabas sa screen. Eto na naman tayo.. feeling ko magkakasakit talaga ako kaya ganito na naman ang mga nakikita at naririnig ko.
Third Person's View
Habang nakapikit si Rose, bigla s'yang nakaramdam ng uhaw. Kaya kinuha n'ya ang tumbler n'ya para kumuha ng tubig sa labas.
Habang nag lalakad s'ya, pakiramdam n'ya gumagalaw ang mga bagay sa paligid n'ya. Hindi naman na ito bago kay Rose dahil dati pa man ay ganito na talaga ang nakikita n'ya, ang pinag kaiba lamang ngayon ay parang mas grabe ito kumpara dati.
Habang nag lalakad s'ya sa hallway ng ospital, nadaan n'ya ang kwarto ni Ericka. Nagulat pa s'ya ng makita n'ya itong nanlilisik ang matang nakatingin sa kan'ya. Hindi na n'ya ito pinansin at nilagpasan nalang n'ya ang silid nito.
Hanggang sa bigla nalamang s'yang sinunggaban ng sabunot ni Ericka dahilan para mabitawan n'ya ang tumbler n'ya at malaglag ang headphones n'ya.
"Aray! Ericka ano ba!" sigaw ni Rose.
"Papatayin kita! Papatayin kita!" mas tumindi ang kapit ni Ericka sa buhok ni Rose kung kaya't labis na nasaktan si Rose dahil dito.
"Aaaaahhhhhh!" napasigaw nalang si Rose. Buti nalang may mga nurse na nakakita sa kanilang dalawa. Kung kaya't pilit nilang pinabitaw si Ericka sa buhok ni Rose.
"Papatayin kita!" wala paring tigil si Ericka sa pag hiyaw ng mga salitang ito kahit na binubuhat na s'ya ng mga Nurse papunta sa kwarto nito.
Nakaramdam ng takot si Rose at nagsimulang manginig ang mga kamay n'ya.
"Papatayin ka n'ya.."
"Papatayin ka n'ya.."
"Patayin mo s'ya.."
Nangingilabot na napatakip si Rose sa dalawang tenga n'ya ng makarinig s'ya ng bulong sa tenga n'ya.
"Rose, ayos ka lang?" alalang tanong sa kan'ya ni Nurse Jen. Hindi sumagot si Rose dahil nanatiling nakataklob ang dalawang kamay n'ya sa tainga n'ya dahil hindi parin tumitigil ang mga boses sa tenga n'ya.
"Sasaktan ka ni Nurse Jen."
"Saktan mo si Nurse Jen."
Dahil dito, napatingin si Rose kay Nurse Jen tapos naitulak n'ya ito sa sobrang takot.
"H-Huwag kang lumapit saakin!" takot na takot na sabi ni Rose. Nanakbo s'ya sa kwarto n'ya at nag kulong s'ya doon.
Nasa isang sulok lang s'ya ng kwarto n'ya at pakiramdam n'ya may mga taong nagaantay sa kan'ya sa labas na gusto s'yang saktan.
Dala ng pag aalala nina Nurse Jen at iba pag nurses ay sinundan nila si Rose. At dahil wala namang lock ang bawat kwarto ay nakapasok kaagad sila sa kwarto ni Rose kung saan nakita nila si Rose na umiiyak at takot na takot sa gilid.
"Ace.." mahinang bulong ni Rose habang umiiyak s'ya. "Ace.. Ace.. Ace.." paulit-ulit n'yang binabanggit ang pangalan na ito.
"Ace?" takang tanong nung isang Nurse na katabi ni Nurse Jen.
"Ace 'yung pangalan nung sinasabi n'yang nakilala n'ya sa rooftop nung mga nakakaraang linggo. Malamang isa iyon sa mga hallucinations n'ya." sabi ni Nurse n'ya. Nakaramdam s'ya ng awa habang nakatingin kay Rose.
"Sa lahat ng naging pasyente dito, s'ya lang ang nag iisang walang bumibisita." malungkot na sabi ni Nurse Jen.
"Bago lang po ako sa ward na ito e. Ano po ba nangyari sa kan'ya?" tanong ng katabi n'yang Nurse.
"Ang balita ko kasi, simula nung nag college s'ya pinepressure na s'ya ng magulang n'ya mag aral. To the point na hindi na s'ya pinapayagan lumabas at makisalamuha sa tao kasi puro aral s'ya. Hanggang isang araw, hindi sinasadyang nasaktan ni Rose 'yung nanay n'ya. Sa takot ng nanay n'ya sa kan'ya dinala s'ya dito sa ward kahit na pwede naman s'ya mag maintenance nalang sa bahay. Hindi naman gaanong severe ang schizophrenia ni Rose, hindi kagaya kay Ericka na kailangan talagang dalhin dito. Ang pakiwari ko nga ay mas lalong lumala ang sakit n'ya nung nadala s'ya dito. Palagi na kasi s'yang mag-isa. Pero kahit na makulit s'ya, mabait na bata naman si Rose. Sayang lang at inabanduna na s'ya ng mga magulang n'ya thou suportado parin 'yung expenses n'ya dito. " kwento ni Nurse Jen.
"Grabe naman po." sagot nung isang Nurse. Hinayaan nalang nila si Rose na ganito kasi kapag nilapitan nila ito baka lalong maging agresibo.
Kapag naman inaatake ng ganito si Rose ay kumakalma rin s'ya pagkalipas ng ilang oras.
Rose's POV
Pag mulat ng mata ko. Napaupo kaagad ako sa higaan ko. Napasapo ako sa ulo ko ng kumirot ito.
"Rose, okay kana ba?" nakarinig ako ng boses. Ewan ko pero biglang gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko s'ya.
"Ace!" nanakbo kaagad ako para yakapin s'ya.
"Narinig ko nagkulong ka daw sa kwarto, okay kana ba?" tanong n'ya. Tumango ako tapos kumalas na ako ng yakap sa kan'ya. I think I've had an episode earlier hehe.
"Oo. Medyo masakit lang katawan ko." sabi ko tapos napatingin ako sa braso at hita ko. Omg puro pasa. Tapos medyo masakit lalamunan ko. Nagsisisigaw kasi ako kanina e.
"Sorry wala ako. Binisita ko kasi si Lee." binisita n'ya pala kapatid n'ya.
"Okay lang." sabi ko. Tapos naupo ako sa tabi n'ya.
"Hindi ako maka pag salita ng maayos ehem!" ang sakit ng lalamunan ko.
"Nung dumating ako sumisigaw kana. Tapos pinapakalma ka ng mga nurses." nagulat ako sa sinabi n'ya.
"Eh??? Wala ako maalala. Ang huling naalala ko nakaupo ako sa sulok." hala nakakahiya nakita n'ya akong nag wawala. T^T
"Ang mahalaga ayos kana. May gusto kaba like pagkain or what?" tanong n'ya. Umiling ako.
"Ayokong kumain. Baka lagyan nila ng lason pagkain ko." may trust issues ako.
"Ba't naman nila gagawin 'yon?" natatawang tanong n'ya.
"Feel ko lang.. Tara sa rooftop!"
Paglabas ko, sumalubong saakin ang mga nurses. Tinanong nila kung okay naba daw pakiramdam ko, sabi ko oo okay na okay na ako. Pinasalamatan ko din sila kasi kahit na anong taboy ko sa kanila kapag inaatake ako e hindi sila umaalis sa tabi ko. Parang mga magulang ko na sila dito sa ward.
***
Nandito kami ni Ace ngayon rooftop, tinuturuan n'ya ako mag crochet pero kahit anong try ko hindi ko talaga kaya. Ang hirap n'ya talaga hindi ko ma gets gets.
"Ayoko na nga!" binaba ko na 'yung ginagawa ko. Gumagawa ako ng flowers pero parang papunta na ito sa uod.
"Ayos naman ah?" sabi n'ya. Ayan na naman s'ya.
"Oh sige nga hulaan mo kung anong ginagawa ko?" sabi ko. Tiningnan n'ya ng maigi 'yung crochet na tinatapos ko tapos napaisip s'ya.
"Caterpillar?" see?
"Tse! Tigilan na 'yan!" sabi ko tapos isinantabi ko na. Sumasakit lang uli ulo ko.
Natawa lang si Ace tapos tinabihan n'ya ako.
"Gusto ko lumabas." bigla lang pumasok sa isip ko. Huling labas ko yata sa outside world ay nung last year pa. Ano na kaya kaganapan sa mundo.
"Bawal ka lumabas. Baka kung anong mangyari sa'yo." sabi n'ya. Tama nga naman. Baka mamaya doon ako atakihin e.
Kailan ko kaya uli mararansan mamumuhay na parang isang normal na tao?
"Gusto ko nang gumaling.."
YOU ARE READING
Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)
FanfictionOP #1 - Portgas D. Ace as makulit na lagi mong ka kwentuhan sa rooftop. °°° Language: Taglish Status: Completed DISCLAIMER: This story doesn't follow the anime or the manga. ©purpledomiti 2023