MONTHS AFTER
"Ace~ Labas tayo~" kanina ko pa siya kinukulit na tumakas uli kami. Kaso ayaw n'ya. Gusto n'ya lang daw mahiga ngayong araw kaya ayan, nakahiga s'ya sa sahig ng rooftop tapos naka pikit.
"Tutulog ako." napairap ako dahil sa sinabi niya. Ang damot, isang linggo na lumipas nung lumabas ako't nag punta sa park hehe. Ang saya kaya!
Naisipan kong tumakas uli ngayong araw dahil wala lang gusto ko lang. Gusto ko uli lumabas sa outside world, ilang months narin kasi lumipas nung nag punta ako ng library. Gusto ko naman pumunta sa park.
"Ace, 'diba gala ka naman? Saan dito may malapit na park?" tanong ko.
"Tss! Hindi ako ligaw na kaluluwa ha choice ko talaga mag gala." sabi n'ya. Tumango lang ako. Ba't s'ya galit?
"Saan nga?" tanong ko.
"Diretso ka lang. Mga 5 minutes makakarating kana doon."
***
"Wow ang daming bulaklak!" imbes na park, nakuha nung garden ang atensyon ko. Madaming tao ang nag pipicture doon kasi maganda talaga ang mga bulaklak. Wala akong idea sa mga uri nila pero gusto ko ang kulay nila. Ang sarap sa mata ng kulay asul.
Napahawak ako sa fence ng garden tapos hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Ang gaganda!
"Kala ko park ang punta mo?" tanong ni Ace.
"Mas maganda dito. Kaya kong titigan ang mga bulaklak na ito buong araw." tinabihan naman n'ya ako tapos tumingin din s'ya sa mga bulaklak. "Alam mo ba ang mga bulaklak na 'yan?" tanong ko.
"Blue daisy." sabi niya.
"Blue daisy.. ang ganda ng pangalan." nakangiting sabi ko. "Mukhang maalam ka sa mga flowers. Anong favorite flowers mo?" tanong ko.
"Roses.. I like Rose." natigilan ako sa sinabi n'ya. Tapos unti unti akong napatingin sa kan'ya, then s'ya diretso paring nakatingin sa mga bulaklak. Napangiti ako tapos tumingin tumingin uli ako mga bulaklak.
"Ikaw? Anong favorite mong flower?" tanong n'ya.
"Wala, kasi hindi naman ako mahilig sa mga bulaklak. Nagagandahan lang ako kasi masarap sila tingnan kapag marami at sama sama." sabi ko. "Pero ngayon parang alam ko na kung anong paborito ko." nakangiting sabi ko.
"Ano?" tanong n'ya.
"Roses."
Isa na sa mga core memory ko ang pangyayaring iyon. Kasi finally na discover ko na ang favorite flower ko. Hindi ko naman s'ya naging favorite dahil pangalan ko ang bulaklak na iyon. Basta huwag n'yo na alamin.
Ngayon naka pikit s'ya tapos hindi ko namalayan na sinuauri ko na pala ang mukha n'ya. Ngayon ko lang s'ya natitigan ng ganito.
Mahaba ang pilikmata n'ya, mapula ang labi, maputla at higit sa lahat may freckles s'ya hihi bagay sa kan'ya.
"Rose!" nagulat ako ng may biglang tumawag saakin. Pag lingon ko si Nurse Jen pala. Kala ko naman kung sino.
"Eto na pagkain mo." sabi niya. Lumapit ako sa kan'ya saka ito kinuha.
"Thank you po." sabi ko sabay kuha nung plate at kung plastic utensils. Bawal kasi dito 'yung mga bakal na gamit, kahit 'yung baso dito plastic.
"Inom ka gamot after ha?" paalala n'ya saakin tapos tumango naman ako. Bumalik na ako sa long bench tapos ipinatong ko 'yung foods sa table para makakain na ako.
"Ace, kain." alok ko sa kan'ya. Kahit na hindi naman kumakain ang mga otlum.
"Ge lang." sabi niya. Nakahiga parin siya sa sahig tapos nakapikit.
"Tabihan mo kaya ako?" demand ko. Tapos ibinukas n'ya isang mata n'ya.
"Luh, kita mo naman ako ah?" sabi n'ya. Ihhh gusto ko s'ya katabi lagi.
"Bakit ba kasi diyan ka sa sahig natutulog? Ang dumi dumi d'yan." sabi ko.
"Ano naman? Kahit gumulong ako sa putik hindi ako madudumihan." oo nga pala. Minsan nakakalimutan ko rin na ghost nga pala s'ya.
Kumain na lang ako. Ang sarap ng ulam ngayon, munggo. Tapos may isang galunggong. Pero 'yung galunggong himay na at wala ng mga tinik. Goods narin para hindi ako mahirapan mag tanggal ng maliliit na tinik.
Ang dami talang pagkakaiba nito psych ward sa mga normal na ospital. Sabagay mga may problema sa pag iisip ang mga nandito.
Yung t.v kasi dito may protector na plastic. Tapos walang bintana sa mga kwarto, well meron naman kaso hindi nabubuksan! Tapos 'yung mga shower dito at gripo mga di pindot tapos ang hihirap naman pindutin. Yung pinto rin dito walang mga lock.
Kagaya rin nung sinabi ko kanina mga plastic ang utensils dito. Pati nga salamin plastic e. Tho, allowed kami gumamit ng phone pero ayoko din minsan gamitin, wala naman akong pag gagamitan e. Minsan lang pag gusto ko manood sa Youtube saka ko iyon ginagamit.
Anyways, overall naman okay na lang para saakin. Para kasing ito na magiging tahanan ko habang buhay or should I say.. KULUNGAN habang buhay. Kahit naman na gumaling ako hindi parin ako makakauwi ng bahay dahil ayaw na saakin ng pamilya ko, maliban sa kapatid ko. Medyo tanggap ko na, mas nagiging nanay ko pa nga si Nurse Jen kesa sa totoong Mama ko.
Hay buhay. Ano kayang buhay meron ako kung hindi nagka schizophrenia? May trabaho na kaya ako? Nag bo-board exam na siguro ako nito. Kung ako tatanungin sayang talaga 'yung pag-aaral ko. Pero wala na akong magagawa nandito na e.
Habang nakain ako, nakita ko si Ace na tumayo sa pagkakahiga n'ya.
"Oh ba't ka tumayo kala ko matutulog ka?" tanong ko.
"Nasisilaw ako e." humiga ba naman sa sahig masisilaw ka talaga ang taas taas ng araw oh.
Uminom ako ng tubig na nasa baso ko.
Napapikit ako ng biglang humangin ng malakas. At sa kamalas malasan hinangin 'yung tinidor ko. Buti nahawakan ko 'yung kutsara!
Napatayo ako tapos akmang kukunin ko na kaso namalayan ko na hawak ko pa pala 'yung baso kaya pinahawak ko muna kay Ace.
"Hawakan mo nga saglit." sabi ko. Tapos hinabol ko 'yung tinidor ko. Nung pulutin ko na, pinunasan ko s'ya gamit damit ko pero wala ang dumi na talaga. Hihingi nalang ako bago.
Nung itinapon ko na ito sa basurahan nagulat ako ng marinig kong parang may nalaglag mula sa likod ko. Pag lingon ko, nakita ko si Ace na mukhang nabitawan ang baso kaya nalaglag ito sa sahig. Lumapit ako sa kan'ya.
"Madulas ba kamay mo?" tanong ko tapos pinulot ko ang baso. "Bakit—" natigil ako sa pagsasalita ng mapatingin ako kay Ace. Yung itsura n'ya mukhang gulat na gulat n'ya. "Ace? Okay ka lang?" tanong ko. Kita kong napalunok s'ya tapos gulat parin siyang tumingin saakin.
"H-Hindi ko nabitawan ang baso." sabi niya kaya nagtaka ako.
"Ha? Eh paano 'to nalaglag?" natatawang tanong ko.
"Tara nood nalang tayo ng T.V sa kwarto—" hahawakan ko sana siya sa braso at laking gulat ko ng bigla na lamang na hindi ko siya mahawakan. Sinubukan ko uli s'yang hawakan pero natagos na lamang ang kamay ko kamay n'ya.
Natigilan ako dahil dito at binalot ng kaba ang buong sistema ko. Saka ako alalang tumingin sa kan'ya na gulat parin hanggang ngayon.
"Si Lee.."
YOU ARE READING
Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)
FanfictionOP #1 - Portgas D. Ace as makulit na lagi mong ka kwentuhan sa rooftop. °°° Language: Taglish Status: Completed DISCLAIMER: This story doesn't follow the anime or the manga. ©purpledomiti 2023