Kahapon pa talaga ako kating kati lumabas sa outside world. Gusto ko mag punta ng 7/11 at kumain ng masarap na noodles. Puro nalang gulay kinakain ko dito malapit na ako maging kambing.
"Bili na samahan mo na ako, Ace~" kanina ko pa s'ya pinipilit na samahan ako lumabas. Pero ayaw n'ya kasi baka mapano raw ako.
"Bawal nga, Rose." sabi n'ya. Napa pout tuloy ako. Sasamahan lang ako e ang damot.
"Porke nakakagala ka sa labas gan'yan ka." sabi ko. Taka naman s'yang napatingin saakin.
"Luh? Malamang kaluluwa ako e kahit magpagala gala ako d'yan ayos lang. E ikaw? Naka hospital clothes ka tapos lalabas? Anong iisipin sa'yo ng mga tao?" tanong n'ya. Napaisip ako, ano nga ba?
"Taka mental?" tanong ko. Napapikit lang s'ya tapos napailing iling.
"Tara na, Ace! And'yan ka naman e hindi ako mapapahamak." kahit mukha akong mag isa e ayos lang, kasama ko naman s'ya.
"Edi lumabas ka. Sino bang mapapagalitan?" sabi n'ya. Tumayo ako sa pagkakaupo ko tapos hinila ko s'ya.
"Tara dali!"
"Wait lang!"
***
"Shhh~" sabi ko kay Ace habang nagtatago ako sa ilalim ng lamesa.
"Kung maka shhh ka saakin kala mo talaga naririnig nila ako." sabi n'ya. Ang daldal n'ya!
Nung masiguro kong wala ng nurse na dumadaan ay nagdalidali akong bumaba sa emergency exit. Nakangiti ako ng wagas habang unti unti akong bumababa sa hagdan.
"Woah freedom~" sabi ko as soon as makalapag ako sa madamong bahagi ng labas ng ospital.
Pero hindi pa ako completely nakakalabas, tumatakas na ako before kaya alam na alam ko kung saan ako dadaan. Itinigil ko lang ang pagtakas dati kasi nahuhuli ako ni Nurse Jen.
Umakyat ako ng puno, tapos nag parkour ako sa may bakal na harang hahaha ang saya!
"Dahan dahan, Rose!" paalala saakin ni Ace nung makatalon ako palabas. Nung tuluyan na ako makalabas ay yumuko ako, hanggang sa makatawid ako ng daan at walaaahhh~ I'm free as a bird.
"Woah fresh air~ mas fresh pa ito kesa sa hangin sa rooftop." sabi ko. Si Ace nasa likod ko lang tapos ako ineenjoy ko ang bawat hangin na nadampi sa mukha ko.
Pinag titinginan ako ng mga tao, siguro dahil sa suot ko or kaya sa kung paano ako maglakad. Naka chin up kasi ako tapos panay ang suri ko sa paligid. Who cares atleast nag eenjoy ako 'diba? Makapal naman mukha ko e kaya goods lang.
Naglakad lakad ako, tapos napalingon ako kay Ace na nasa likod ko.
"Saan nga uli 'yung 7/11?" tanong ko kay Ace.
Sinabayan ko s'ya sa paglalakad tapos after ng mga ilang minutong paglalakad nakarating na kami ng 7/11. Hihi excited na ako kumain!
Nung papasok na ako, napatigil ako ng kulbutin ako ni Ace.
"May pera kaba?" tanong n'ya. Hala oo nga noh? Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kan'ya.
"Hala, nakalimutan ko!" inis na sabi ko.
"Hala ka paano ka bibili n'yan?" taong n'ya. Napasapo ako sa ulo ko.
"Ba't hindi mo naman pinaalala?!" kainis paano na ako kakain!
"Hindi ko 'yan kasalanan ikaw 'tong mapilit e." sabi n'ya. Napaupo nalang ako sa labas na upuan ng 7/11. Tapos 'yung mga tao dito sa labas tinitingnan parin ako. Kala siguro nila nag sasalita ako mag isa. Mukha na naman akong wirdo nito.
YOU ARE READING
Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)
FanfictionOP #1 - Portgas D. Ace as makulit na lagi mong ka kwentuhan sa rooftop. °°° Language: Taglish Status: Completed DISCLAIMER: This story doesn't follow the anime or the manga. ©purpledomiti 2023