12

4.9K 81 10
                                    

Tatlong araw ang lumipas, hindi umalis si Ace sa tabi ko sa mga nagdaang araw. Ang sabi rin kasi n'ya ay ayaw niyang makita na ganoon ang kalagayang ng kapatid.

Sa mga araw na nag daan, ewan ko pero ko magayang magpakasaya knowing na sa mga araw na lumilipas ay hindi ko namamalayan na patuloy parin ang pagfefade n'ya.

Ngayon nandito kami sa rooftop, gabi narin at buti nalang malakas ang ilaw dito kung kaya't nakikita parin namin ang isa't isa.

Sa tatlong araw rin palang nag daan ay hindi pa din ako nakakatanggap ng tawag mula kay Sister Anna. Kaya sa tingin ko ay magpasa hanggang ngayon ay hindi parin nagigising si Lee.

"Simula nung pinanganak si Lee, iniwan na kami ng mga magulang namin. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung nasaan sila, sa tingin ko nga e kinalimutan na nila kami. Kasi kung kung may pake pa sila saamin, hindi sana ganito ang kalagayan ko." tama nga sya. Kung naaalala pa s'ya ng mga magulang n'ya e sana nahahawakan ko parin s'ya.

"Paborito kong kulay ay orange, ang paborito ko namang pagkain ay mga karne, ang paborito kong panahon ay maulan, masarap kasi kapag makulimlim tapos malamig." hindi ko alam kung bakit n'ya sinasabi ang mga ito pero nakinig nalang ako sa kan'ya. "Tapos ano pa ba.. birthday ko is January 1st hehe. Saka hmm, alam mo na kasi favorite flower ko e." sabi n'ya.

"Roses?" sambit ko at tumango s'ya.

"Tama. Saka, 'yung tipo ng mga kanta na gusto ko is 'yung mga rock genre like arctic monkeys. I like dogs over cats tapos ang favorite movie ko ay 'yung mga nakakaiyak." ang random na nga sinasabi n'ya pero hinayaan ko s'ya. Gusto ko din naman malaman lahat ng sinasabing n'ya e.

"Hmm, I'm more into music than arts. At saka nanonood din pala akong anime, favorite ko ang one piece hehe. I like climbing trees nung bata pa ako. I prefer hot coffee kesa sa iced coffee. Then kung papipiliin ako, mas gusto ko ang night sky kaysa sa day sky." 'yung boses n'ya, ewan ko pero narerelax ako kapag naririnig ko s'yang nag ku-kuwento. Kahit buong araw ako makinig sa kan'ya hindi ako mag rereklamo.

"Mas gusto ko ang country side kesa sa city. Sa city kasi maingay, tapos pag sa probinsya tahimik at sariwa ang hangin." totoo 'yan.

"Mas prefer ko rin ang countryside." sabi ko.

"Diba? Ang saya kaya doon. Mababait pa ang mga tao." napatango tango ako. I agree, mababait talaga ang mga tao sa probinsya.

Maya maya bigla s'yang natahimik tapos tumingin s'ya sa langit..

"Alam mo ba kung bakit gusto ko ang bulaklak na rosas?" tanong n'ya. Umilinf ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Because it means love and romance." sabi n'ya habang nakangiti. "Hindi ko pa nararanasan mag mahal kaya sobrang naiintriga ako kung ano ba talaga ang pagmamahal romantically. Pangarap ko dati mainlove e hehe." sabi n'ya. "Kaya para sa akin napaka ganda ng pangalan mo, Rose." dagdag n'ya pa. Na pangiti ako then napatingin din ako sa langit.

"Para saakin, maganda din naman pangalang mo." sabi ko. Kita ko sa peripheral vision ko na napatingin s'ya saakin.

"Paano mo nasabi?" tanong n'ya.

"Alam mo, mahilig ako dati mag laro ng cards at manood about sa mga tarot cards. Napag-alaman ko na ang meaning ng Ace of hearts ay love and happiness." sabi ko. "Kagaya mo, never pa akong nainlab sa isang tao before. At never pa din ako nakaramdam ng tunay na happiness noon. Kaya curios din ako kung ano ang pakiramdam ng love at true happiness." I've never felt true happiness before until I met him. "Gusto ko ang pangalan mo, Ace." nakangiting sabi ko.

Ilang minuto kaming na tahimik, walang nag salita saamin at nakatingin lang kami sa langit na punong puno ng mga kumikinang na bituin.

Nasa ganitong sitwasyon kami ng biglang tumunog ang phone ko. Pagkakita ko, si Sister Anna ang tumatawag.

Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)Where stories live. Discover now