Unti unti kong iminulat ang mata ko. Kaagad akong naupo sa kama at unang hinahanap ng mga mata ko si Ace.
"Ace?" tawag ko sa kan'ya ng makita ko s'yang nakaupo sa edge ng kama ko sa may paanan ko.
"Rose.." nakangiti s'yang binanggit ang maganda ko. Thank god akala ko pag mulat ko wala s'ya.
"Ilang oras akong tulog?" tanong ko.
"Dalawang oras." nanlaki mata ko. Ganon katagal?!? Pinagmasdan ko s'ya, mas nagiging transparent s'ya kaysa kanina.
"Ace, k-kung gusto mo puntahan mo nalang kapatid mo kahit wala ako. Hihintayin kita dito kahit na anong mangyari." sabi ko. Tapos umiling s'ya.
"Ayokong umalis ng hindi ka kasama. Pag umalis ako baka.. h-hindi na tayo mag kita." na karamdaman ako ng matinding kaba. Nakakainis, bakit ba ako inatake kung kailan naman nagmamadali kami? Dalawang oras na ang na ang nasayang!
Bumaba ako ng kama ko. Kahit na anong mangyari hindi ako susuko, hahanap at hahanap ako ng paraan para makaalis dito.
Kinuha ko uli ang jacket ko tapos kinuha ko na rin ang wallet ko saka ako lumabas ng kwarto.
***
Nandito na uli ako sa may fire exit. Tiningnan ko kung may Nurse na nadaan pero wala naman. Kaya pumunta ako ng pinto tapos tinanggal ko ang clip na suot ko tapos iyon ang ginamit ko para kalikutin ang lock.
Please lang kahit ngayon lang sana makisama naman kayo sa'kin. Sumilip uli sa pinto si Ace at ang sabi niya walang nag babantay sa ibaba kaya nabuhayan ako.
After 10 minutes ng pagkakalikot ay gumuhit ang galak sa mga mukha ko ng makita kong bumukas ang lock.
"Rose.." nahigit ko ang hininga ko ng marinig ko ang boses ni Nurse Jen sa likod ko. Dahan dahan ako napatingin sa kan'ya.
"Nurse.. Jen." parang gumuho ang mundo ko.
"Rose, siguraduhin mong babalik ka kaagad." nagulat ako sa sinabi n'ya.
"P-Po?" tanong ko. Napabuntong hininga si Nurse Jen tapos napaiwas ng tingin.
"Kung gusto mo talaga lumabas, hindi na kita pipigilan. Basta siguraduhin mong babalik ka kaagad bago mag takip siling." nabuhayan ako ng loob. Halos mangiyak ngiyak ako sa tuwa ngayon. Mukhang umaayon na saamin ang tadhana.
"Pangako po, babalik ako kaagad." sabi ko. Tapos ngumiti lang si Nurse Jen at tumango. Tapos lumabas na ako.
***
Nag bus kami papunta doon, itinuro naman sa akin ni Ace kung paano kami makakapunta doon. Habang papunta kami doon, tahimik lang s'ya. Ramdam ko na sobrang nag aalala s'ya. Hindi ko s'ya pwedeng kausapin dito sa bus dahil siksikan kami dito.
Nung makarating kami sa isang village. Nag lakad pa kami papasok, sinabi ko sa guard na may bibisitahin lang ako sa orphanage kaya pinayagan n'ya ako lumabas.
Habang naglalakad kami itinaas ni Ace ang kamay n'ya at nagulat ako ng makita kong unti unti ng naglalaho ang kaliwang kamay n'ya.
"Wala na tayong oras." sabi ko. Kaya patakbo na akong pumunta ng orphanage.
Nung makarating kami doon, naabutan namin na may mga bata na naglalaro sa harapan ng simabahan. Tapos may malaking itim na gate.
Lumapit kami ni Ace sa gate.
"Wala si Lee." sabi ni Ace. Napansin kami ng isang madre kaya lumapit s'ya saamin.
"Hello, may sadya po kayo dito?" sabi niya saakin. Nung mapatingin s'ya sa suot ko tinakluban ko ang damit ko gamit ang jacket.
YOU ARE READING
Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)
FanfictionOP #1 - Portgas D. Ace as makulit na lagi mong ka kwentuhan sa rooftop. °°° Language: Taglish Status: Completed DISCLAIMER: This story doesn't follow the anime or the manga. ©purpledomiti 2023