Pag gising ko kanina wala si Ace, ewan ko pero bigla akong kinabahan nung hindi ko s'ya makita.
"Ace?" tawag ko sa kan'ya, pero walang sumasagot. Kaya naman after ko mag toothbrush nagdalidali ako sa rooftop at laking pasasalamat ko ng makita ko s'ya doon.
"Nandito ka lang pala." sabi ko.
"Oh gising kana pala?" sabi n'ya. Tumango ako tapos naupo ako sa tabi n'ya.
"Kala ko nawala kana." sabi ko. Natawa naman siya.
"Saan naman ako pupunta?" tanong niya. Parang hindi ko na tuloy kaya pag wala s'ya. Napalapit na loob ko sa kan'ya e. Weird ba magkagusto sa multo? Hindi naman yata hehe.
Inihiling ko ang ulo ko sa balikat n'ya.
"Tinatamad ako ngayong araw. May naiisip kabang magandang gawin?" tanong ko.
"Maging productive ka. Mag exercise ka ganon." napatingin ako sa kan'ya.
"Tinatamad nga ako tapos mag eexercise pa ako?" sabi ko.
"Masarap kaya mag work out. Nung buhay pa ako araw araw ako nag gigym." dahil sa sinabi niya napatingin ako sa katawan ko. Ngayon ko lang napansin malaki nga katawan n'ya. Tapos ang tangkad n'ya pa.
"Wala naman gym dito e." sobrang boring ng lugar na ito. Ang masarap lang dito ay 'yung rooftop kahit ang taas ng bakod.
"Oo nga. Ang akin lang pwede ka naman mag exercise kahit walang gym equipments. Halika tulungan kita." sabi niya.
At gaya nga ng sinabi niya, nag try ako mag exercise pero warm up palang pagod na ako.
"Ayoko na, feeling ko na exercise na ako sa warm up palang." sabi ko sabay inom ng tubig sa tumbler ko. Natawa s'ya.
"Bilis mo talaga sumuko sa mga ganitong bagay." sabi niya. Sorry tamad kasi ako e.
"Tinatamad kasi ako kapag hindi ko gusto ginagawa ko." sa true lang.
"Sabagay kahit naman ako e." sagot n'ya.
"Kapagod, gusto ko ng cup noodles." parinig ko. Tapos napatingin s'ya saakin.
"Yan na naman." natawa ako. Joke lang naman e.
"Hindi na ako tatakas ano kaba." for a while lang naman siguro next week pwede na uli hahaha.
Nasa ganitong sitwasyon kami ng marinig kong may tumawag saakin.
"Rose!" paglingon ko si Nurse Jen pala.
"Po?" sagot ko.
"May bisita ka." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nurse Jen. Tapos nagkatinginan kami ni Ace.
Bisita?? AKO??????
***
Nandito kami ngayon sa parang visiting area ng ward. Nagulat ako ng makita ko kung sino ang bumisita raw saakin. Naupo ako sa harapan niya tapos ngumiti s'ya saakin.
"Ate Rose.." tawag n'ya saakin.
"Rei.." banggit ko ng pangalan n'ya. Nakababatang kapatid ko s'ya. It's been 4 years nung huling kita ko sa kan'ya. Ang laki na n'ya at dalaga narin s'ya.
"Ate, sorry kung hindi kita nabibisita. A-Ang sabi kasi ni Mom bawal daw kitang puntahan, ngayon tumakas lang ako kasi nasa ibang bansa s'ya ngayon." napasmile ako sa sinabi n'ya at the same time nalungkot.
"It's okay." sagot ko. Ewan ko pero naninibago ako, sa tagal naming hindi nagkita parang hindi kapatid ko ang kausap ko.
"Kamusta ka, Ate?" hindi ko kaagad na sagot ang tanong niya. Kamusta nga ba ako?
"Ayos.. lang ako." sabi ko. Hindi ko namalayan na may namumuo na palang luha sa mga mata ko. Napayuko nalang ako para hindi mapansin ni Rei na naiiyak ako.
"Alam kong nahihirapan ka dito, Ate. Pero kaya mo 'yan nandito lang ako palagi. Hahanap at hahanap ako ng way para bisitahin ka palagi." hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Kusa na silang pumapatak.
Akala ko wala na akong pamilya, pero nandito pa pala ang kapatid ko. S'ya lang lagi natatakbuhan ko noon at tinuturing ko na rin s'ya bilang bestfriend ko.
"Salamat, Rei. Pero magiging ayos lang ako dito, hindi mo na kailangan bisitahin ako palagi kasi alam kong mayayari ka kay Mama kapag nalaman n'ya. May nakilala ako dito ward, mabait s'ya at palagi kong kasama. Hindi na ako nag iisa dito kaya no need to worry." ang tinutukoy ko ay si Ace. S'ya ang dahilan kung bakit hindi ako nabuburyo sa impyernong ito.
"Salamat naman kung ganoon, Ate." sabi n'ya. "Namiss kita ng sobra. Nung nag debut ko gusto sana kitang nandoon kaso ayaw ni Mama. Nainis nga ako sa kan'ya e." natawa ako nung nakita kong nag pout s'ya.
"Naintindihan ko naman e. Nasaktan ko si Mama kaya natakot na s'ya saakin." kasalanan ko din naman.
"S'ya naman may kasalanan kung bakit messed up ang mental health mo, Ate. Kahit ako, napepressure na sa kan'ya." seryoso akong napatingin sa kan'ya.
"Rei, huwag ka sana tumulad saakin na sinasarili ko ang lahat. Talk to your friends, or better go see a therapist if you think kailangan mo. Mas better maalagaan ang mental health mo kaysa magaya ka saakin. I swear hindi masaya ang nasa mental." ayokong maranasan n'ya ang hirap na nararanasan ko dito.
"Sige, Ate. Kaya ko pa naman e hehe saka naeenjoy ko naman mag aral kaya medyo okay lang." sabi niya. Buti naman.
Ilang minuto pa kami nag kuwentuhan bago n'ya sinabi saakin na uuwi na s'ya. Nag paalam na kami sa isa't isa at ipinangako n'ya na hindi ito ang huling beses na bibisita s'ya. Sabi ko pwede naman s'ya bumisita anytime.
Nung makauwi na s'ya, bumalik ako sa kwarto ko. Tapos nakita ko doon si Ace na nakaupo.
"Tapos na kayo?" tanong niya. Tumango ako then tinabihan ko s'ya.
"Kala ko ni isa sa pamilya ko wala ng pakealam saakin. 'Yun pala nand'yan pa si Rei, buti naman." aaminin ko nakaramdam ako ng tuwa kahit na hindi na talaga ako nag e expect noon na may bibisita saakin dito. Buti naiintindihan ni Rei ang sitwasyon.
"Ayan, mukha ka ngang masaya ngayon." sabi niya.
"Masaya talaga ako. Namiss ko ang kapatid ko." sabi ko. Ang laki na ni Rei foe sure 19 na s'ya ngayon. "Hehe dalawa na kayong safe place ko." nakangiting sabi ko then ngumiti rin s'ya.
If home was a person, it would've been them.
YOU ARE READING
Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)
FanfictionOP #1 - Portgas D. Ace as makulit na lagi mong ka kwentuhan sa rooftop. °°° Language: Taglish Status: Completed DISCLAIMER: This story doesn't follow the anime or the manga. ©purpledomiti 2023