6

5.7K 82 1
                                    

"Woah ang daming libro~" manghang sabi ko habang tumitingin sa paligid ko. Puro libro ang nakikita ko ang sarap sa mata.

"Tsk!" narinig ko ang malakas na pag singhal ni Ace sa likuran ko. "Sinasabi ko sa'yo ito na ang huling beses na tatakas ka sa ward." napasmile lang ako sa kan'ya. Hehe guess what kung nasaan ako? Nasa public library ako malapit sa ward!! Tumakas uli ako pero ano naman? Atleast nag eenjoy noh.

Nag try ako mag tingin ng iba't ibang mga libro. Gusto ko sila iuwi at basahin magdamag. I really like reading kaso kasi walang libro sa ward kaya hindi ako nakakapag basa.

"Lagi mo akong sinasabihan ng makulit pero mas makulit ka naman saakin." bulong n'ya. Nye nye wala akong naririnig.

May isang libro ang nakapukaw ng antensyon ko, kinuha ko ito tapos binasa ko 'yung synopsis. Ang interesting ng kwento.

Naupo ako sa sahig tapos inumpisahan ko itong basahin.

"Oy oy huwag mong sabihing mag s-stay ka dito para basahin 'yan?" tanong ni Ace.

"Shh!" sabi ko sa kan'ya. Tapos napatingin saakin 'yung katabi kong nag babasa. "Hehe sorry po." sabi ko. Eto kasing si Ace e.

30 minutes ang lumipas, ang ganda ng flow ng kwento. Nananakit na likod ko pero ayos lang. Nasa ganito akong sitwasyon ng maramdaman kong may sumandal sa balikat ko. Si Ace nakatulog na. Hala natutulog din pala ang mga multo? Hinayaan ko nalang s'ya. Mas mabuting tulog s'ya para hindi s'ya nag aaya umuwi.

Inabot yata ako ng 3 hours sa pagbabasa. Nakakalahati ko palang 'yung libro, kailangan ko itong tapusin kasi nararamdaman kong ito narin 'yung huling beses na makakatakas ako sa ward. Minamatahan na ako ng mga guards sa ward e.

"Hindi kapa tapos?" oh gising na pala s'ya.

"Hindi pa. Tulog ka uli tatapusin ko ito ngayon." sabi ko tapos pilit kong hinihiling ang ulo n'ya sa balikat ko pero nilalabanan n'ya.

"Seryoso ka? Baka gusto mong si Nurse Jen na sumundo sa'yo dito." ihhh ayoko pa umuwi~

"Mamaya na tayo umuwi, Ace~" sabi ko sa kan'ya. Yung childish side ko nalalabas ko na sa kan'ya. Komportable na ako sa kan'ya e hehe.

"Sige, isang oras nalang." sabi n'ya. Tumango ako tapos nag basa uli. Binilisan ko nalang ang pag babasa, kahit naman mabilis ako magbasa e naiintindihan ko parin ang kwento.

Habang nag babasa tumayo ako, gusto ko pa mag hanap ng mga libro. Sinarado ko ang binabasa ko, parang alam ko na ending e. Naglakad lakad ako tapos naghanap ako ng ibang mga libro.

"San ka?" tanong ni Ace.

"Mag hahanap pa." sagot ko. Wala na ako mahanap, puro dictionary nakikita ko. Huhu nauubos oras ko sa kakahanap.

Lumipas ang isang oras, sa ayaw at sa gusto ko kailangan ko na talaga bumalik. Baka ilagay na ako sa selda kasi takas ako ng takas huhu huwag naman ito na last time na tatakas ako promise.

"Ang sakit ng mata ko, Ace." daing ko kay Ace habang nag lalakad kami pabalik sa ward.

"Sasakita talaga 'yan magdamag kaba naman mag basa." sabi n'ya. Eh masisise n'yo ba ako e ang ganda ng story.

"Hindi kaba mahilig mag basa ng libro?" tanong ko.

"Nag babasa naman ako dati pero kung hilig ang usapan, siguro hindi. Nag babasa lang ako pag trip ko." sabi n'ya. Kaya pala ayaw n'ya sa library ganda gandang place kaya no'n.

Hindi s'ya sumagot.

"Tabihan mo ako matulog, Ace." masayang sabi ko tapos napatingin s'ya saakin.

"Bakit naman?" tanong n'ya.

"Eh kasi lately, nakakaranas na naman ako ng sleep paralysis. Medyo natatakot ako mag isa sa kwarto ko ngayon." kala ko titigil na ang sleep paralysis ko pero hindi pa pala. Ilang araw lang nawala e bumabalik na naman.

"Sige." pumayag s'ya kaagad kaya gumuhit ang malaking ngiti sa labi ko.

"Yey the best ka talaga, Ace!" masayang sabi ko at natawa lang s'ya.

***

"Diba sabi ko sa'yo huwag ka ng tatakas?" malumanay na sermon saakin ni Nurse Jen. Napayuko lang ako. Heto na naman ako nabuko na naman sa ginawa kong pag takas. "Rose, nag aalala kaming lahat sa'yo. Hiwaga mo ng uulitin 'to, ha?" sabi ni Nurse Jen. Tumango ako.

Siguro for now oo hehe.

Pagkatapos n'ya ako pagsabihan pumasok na ako, kung saan nandoon si Ace at nanonood ng t.v.

Dinalhan narin pala ako ng pagkain ni Nurse Jen kaya kinain ko na. Habang kumakain ako nanonood kami ng t.v. Kahit worship channel 'to palag na.

"Hindi masarap ulam ko, Ace." daing ko sa kan'ya. Gulay na naman huhu gusto ko ng karne hindi naman ako vegetarian e.

"Wala ka magagawa 'yan hinain sa'yo ih." sabi n'ya. Napa pout lang ako tapos pinag patuloy ko na ang pagkain ko.

Pagkatapos kong kumain, inantok ako ng sobra. Pagod na ang katawan at mata ko kaya nahiga na ako sa kama ko.

"Goodnight, Ace." sabi ko.

"Sleep well, Rose." rinig kong sabi n'ya. Naramdaman ko pang kinumutan n'ya ako bago ako tuluyang makatulog.

Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)Where stories live. Discover now