Chapter 13: Ang Pagtataksil

151 9 3
                                    

"Jacobe... gabayan ka sana ng pag-ibig mo."

Nagsisimula nang kumalat ang dilim sa paligid ng isang abandonadong building sa pinakasentro ng siyudad ng Maynila.

"Malapit na nating baguhin ang siyudad na ito... magkakaroon ng bagong mundo. Sasalubungin tayo ng hiyawan at pagtangis mula sa mga kaluluwang iaalay natin sa kabilang dimensyon!" Umalingawngaw mula sa mga sulok ng building ang tinig nito.

"Panginoon nabigo si Apheliotes. Ipaghiganti natin ang kanyang kamatayan." Kuyom ang mga kamaong sabi ng lalaking nasa isang sulok may kakaibang kulay ang kanang mata nito.

Naglaho sa isang iglap mula sa kinatatayuan niya ang tinukoy na panginoon ng lalaking may kakaibang kulay ng mga mata.

"Gusto ko ang kulay ng iyong kanang mata... sumisigaw siya ng sanlaksang pagkarimarim at hinagpis! Pag-ingatan mo ang iyong mga kilos dahil kung paiiralin mo ang padalos-dalos na desisiyon ay mapapadali lamang ang pagkuha ko ng iyong mga mata... Krayton."

Nababagot na inalis ni Krayton ang paningin mula sa lalaking nasa harapan. "Labis ang paghahangad mo sa aking mata, hinahangad mo rin ba ang bawat kamatayan ng bawat isa sa amin... panginoon?"

"Sa iyong palagay hahanapin ko ba ang bawat isa sa inyo kung wala akong hinahangad na makuha mula sa inyo. Ang pagpasok ninyo mula sa aking kasunduan ay hindi sapilitan bagkus mula pa noong una ay alam n'yo na kung ano ang kapalit ng muli ninyong pag-apak sa mundong ito hind ba?" May pang-uuyam sa tinig nito habang hindi inaalis paningin kay Krayton.

Tahimik na yumuko si Krayton saka mariing ikinuyom ang mga kamao. Ilang taon na rin siyang naghintay ng pagkakataon upang muling makabalik sa mundong itinakwil na ang isang katulad niya. Sila na naglingkod at nagbuwis ng buhay para iligtas at panatalihing mapayapa ang mundo ng mga tao, ngunit sa huli ay kaaway din ang naging turing sa kanila.

"Krayton, pangalawang beses ko nang isinalba ang buhay ni Apheliotes... binalaan ko na rin siya ng paulit-ulit ngunit may sarili siyang plano na hindi tayo kasama kaya tuluyan na siyang naging abo." Nag-echo sa buong paligid ang tinig ng lalaki bago ito tuluyang nawala sa paningin ni Krayton.

Humakbang malapit sa isang bahagi ng gusali si Krayton, mula sa sirang bintana ay iginala niya ang kanyang paningin. Malawak ang naabot ng kanyang paningin, iyon ang kakayahan ng kanyang kanang mata. Nakikita niya ang mg bagay ng ilang daang metro ang layo magmula sa kinalalagyan niya. Bukod pa rito nakikita rin niya ang kulay ng espirito ng bawat nilalang na masilayan niya.
Sumpa ang turing niya sa kanyang kakayahan simula pa ng magka-isip siya.
Nagbago lamang ito magmula ng makilala niya ang mga dating kasama at kaibigan. Apheliotes, Blanca, Exhangue, Rampage... ilan lamang sa mga ito ang itinuring niyang tunay na kaibigan. Kasama niya ang mga ito sa hirap at ginhawa, ito ang sinumpaan nilang magkakasama. Sa mga panahong nagliligtas sila ng buhay ng mga tao pakiramdam niya isa siyang normal na nilalang na walang kasumpa-sumpang mga mata.

"Nakaharap mo si Venicia... kailan at saan?" Mas nangibabaw ang pangamba sa reaksiyon ni Alyson ng marinig ang pangalan ng isang dating kakilala.
"Look Ally, wala sana akong balak sabihin sa'yo ang bagay na ito pero simula ng sabihin ko sa'yo kung ano ang natuklasan ko sa mga anak natin, lagi ka na lamang balisa." May pag-aalalang sabi ni Marco sa asawa.
Wala sa sariling napasandal si Allyson sa built-in cabinet na malapit sa kinatatayuan niya. "Pakiramdam ko hinahabol pa rin ako ng bangungot ng nakaraan. Marco, sa lumang sementeryo kung saan naroroon ang labi ni Kuya Nate... sigurado ako napatay ko na si Venicia."
"A-Ano ang ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ni Marco.
"Si Apheliotes sa pagkikita naming muli iba ang pakiramdam ko, base sa ipinakita niyang pagkasuklam sa akin... alam kong may itinatago siyang galit sa atin dahil sa nangyari sa samahan. Natatakot ako Marco sa mga susunod pang mangyayari... para sa mga anak natin. Kung magbabalik sila isa-isa ano na ang gagawin natin?" Tuluyan hang napahikbi si Alyson.
Maagap namang dinaluhan ni Marco ang asawa saka niyakap. "Sshhh... tahan na Ally. Nandito tayong dalawa para proteksiyunan ang mga anak natin...
...sana lang kung sa pagbabalik ni Cairus maprotektahan din kita mula sa damdamin mo para sa kanya..."

The ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon