Chapter 1: Pagpaparamdam

845 12 7
                                    

Maagang nagising sina Tyresse at Arielle, kailangan nilang bumangon ng maaga dahil ito ang unang araw ng pasukan.

"Mga anak kailangan na ninyong maligo para hindi kayo malate sa pagpasok." Malumanay na sabi ni Allyson pagkapasok sa kuwarto ng mga anak.

Nakaupo na mula sa kama niya si Tyresse. "Ma, pasukan na po ba ngayon?"

"Oo naman, hindi ka ba excited? Youre in grade one na darling at si Arielle naman ay kinder." Pinasigla ni Alyson ang tinig saka nilapitan ang panganay na anak.

"Ho-hum, ma excited na po ako pero di ba po malapit nang dumating ang Papa?" Inaantok-antok pang sabi ni Tyresse.

"Ma kailan po ba ang dating ni Papa, miss na miss ko na po siya e." Mula sa kabilang kama ay sagot naman ni Arielle na nakaupo na rin sa kama nito.

Hinaplos ni Alyson ang buhok ng panganay na anak saka binalingan ang bunsong si Arielle. "Mamaya tatawag ang Papa nyo so kapag hindi kayo pumasok sa school hindi ko siya ipapakausap sa inyo."

Nagmamadaling tumayo sa kani-kaniyang kama ang magkapatid. Nangingiting pinagmasdan ni Alyson ang mga anak. Madalang umuwi ng bansa ang kanyang asawa kaya kapag umuwi ito ay sinusulit nito ang pagbabakasyon.

Ilang sandali pa ay pinaliguan at binihisan na ni Alyson ang mga anak saka bumaba upang mag-almusal. Pagkakain at matapos na siguruhing maayos na ang mga anak ay lumakad na ang mga ito patungong paaralan.

Mula sa bahay ay kailangang sumakay ng tricycle para makalabas ng subdibisyon. Mula sa bukana ay sasakay ka pa ng jeep para marating ang St. Catalina School.

Private skul eto pero hindi gaanong mahal ang tuition at siyang pinakamalapit na paaralan sa tinitirhan nilang mag-ina. Nadatnan nilang tatlo na maraming mga magulang at estudyanteng nasa bukana ng skul.

Unang araw ng pasukan kaya naman kanya-kanyang hanapan ng skedyul at rooms para sa mga mag-aaral. Mabuti na lamang na pinsan ng kanyang asawa ang isa sa mga nagmamay-ari ng paaralan kaya wala silang hassle mula sa enrolment hanggang skedyul ng klase.

Dumiretso na sina Alyson at ang mga anak sa unang building sa kanang bahagi ng vicinity ng St. Catalina, sa dulong bahagi sa pinakaibaba ng gusali ang classroom ni Arielle.

Matapos magbilin sa bunsong anak ay inihatid ng tanaw ni Alyson papasok ng kuwarto nito. Natutuwa siya sa suot na kulay light blue uniform ng anak na diretsong bestida at may collar na puti. Mahaba ang suot nitong puting medyas dahil hanggang tuhod lamang ang suot nitong skul uniform.

Niyakag na agad ni Alyson ang panganay na si Tyresse tulad ni Arielle kulay light blue din ang palda ng uniform nito samantalang puting blouse na may collar naman na may accent ng light blue ang ibabang bahagi nito paikot. Mahaba din ang medyas nito kagaya ng kay Arielle.

Nasa kabilang building lang classroom ni Tyresse, sa bandang kaliwa ng vicinity. Sa ibaba din ang kuwarto nito tulad ng kay Arielle.

"Tyresse enjoy learning darling, after class puntahan mo si Arielle sa room niya and wait for me dun sa hallway kung saan tayo dumaan kanina okay." Bilin ni Alyson sa anak.

Marahang tumango si Tyresse saka humalik sa pisngi ng ina. "Bye Ma..."

Pinagmasdan muna ni Alyson si Tyresse na tinungo ang sulok malapit sa bintana at naupo. May mangilan-ngilan na ring mga estudyante sa classroom. Paalis na sana siya ng makita niya ang guro ng anak. Kinausap niya ito sandali tungkol sa kalagayan ni Tyresse. Matapos ang pakikipag-usap ay umalis na si Alyson, nasulyapan pa niya ang anak na may kinakausap na batang lalaki. Napangiti na lamang siya bago tuluyang tumalikod.

"Hello! Kumusta ka ako si Tyresse, ikaw anong pangalan mo?" Nakangiting pakilala ni Tyresse sa isang batang lalaki.

Nag-angat ng tingin ang batang lalaki. "Stay away from me!"

"Ang sungit mo naman, bakit ayaw mong sumali sa amin?" Nakangiti pa ring sabi ni Tyresse deadma lang sa pagsusungit ng kaharap.

Lumabi ang batang lalaki. "Pierre ang pangalan ko... ayaw nila sa akin."

Umupo sa katabing upuan ni Pierre si Tyresse. "Sige sasamahan na lang kita dito, simula ngayon magkaibigan na tayo!"

Inilahad ni Tyresse ang kanang kamay para makipag-shake hands, sa una ay atubili pa ang batang si Pierre pero inabot din nito ang kamay kay Tyresse.

Nang maglapat ang kamay ni Pierre sa kamay ni Tyresse ay may kakaibang init ang naramdaman si Tyresse na dumaloy sa kanyang braso paakyat. Nanindig ang kanyang balahibo. Marahang napakurap si Tyresse.

Mula sa paligid ay nagbago ang anyo nito, nabalutan ng naglalagablab na apoy ang buong silid. Nahintakutang binawi ni Tyresse ang kamay, pagkabitaw sa kamay ng batang lalaki ay bumalik na sa normal ang lahat.

"Are you okay?" Nagtatakang tanong ni Pierre kay Tyresse.

Umiling-iling si Tyresse na bahagyang itinago ang kamay sa likuran. "Um... okay lang ako."

Naputol ang usapan ng dalawa ng pumasok na ang kanilang guro. Tahimik na pumunta sa kani-kanilang upuan ang mag-aaral at ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang klase.

Lumipas ang ilang oras, mas maagang natapos ang klase ni Arielle, kinakailangan pa niyang maghintay sa paglabas ng kanyang Ate Tyresse. Lumabas si Arielle ng kanilang classroom matapos magpaalam sa kaniyang guro.

Sa dulong bahagi ng classroom nila ay ang comfort room at ang garage room na nagsisilbing imbakan ng kung anu-anong kagamitan.

Sa paglalakad ni Arielle ay narating niya ang cr, nakabukas ang ilaw doon kaya pumasok siya sa loob. Malinis ang cr may tatlong cubicle na pawang mga nakabukas. May malaking salamin din at tatlong sink na mababa lang ang pagkakagawa. Dinsenyo ito ng sadya para sa mga batang mag-aaral na kagaya niya.

Nagmasid-masid sa paligid si Arielle bago tuluyang pumasok. Mula sa unang sink na nasa gilid ng tabi ng pinto ay nagbukas siya ng gripo, umagos ang malamig na tubig na lumapat sa mga kamay niya.

Natuwa si Arielle sa tubig, natigilan lamang siya ng sa pagtingin niya sa salamin ay may nahagip ng paningin niya na tila isang imahe na biglang dumaan sa likuran niya.

Napalingon si Arielle sa likuran niya. Wala siyang nakita pagtingin niya sa likuran. Sanay na siya sa mga nararamdaman at nakikitang kung ano sa paligid niya kaya imbes na matakot ay tinapos niya ang ginagawa saka lumbas ng cr. Bumalik siya sa classroon niya ngunit bago siya tuluyang lumayo sa cr ay nilingon niya ito ulit, may nakita siyang anyo na nasa harap ng bukas na pinto. Napalunok ng laway si Arielle, kakaibang kilabot ang kanyang naramdaman...

"ANONG GINAGAWA MO DITO?"

The ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon