"...BLOODLESS!"
Nagising si Tyresse mula sa kakaibang lamig na nararamdaman niya. Iminulat niya ang mga mata, nagulat pa siya dahil iba na ang paligid na kinaroroonan niya.
Bumangon siya mula sa kinahihigaang semento. Maraming taong nagpaparoo't parito lahat ito ay nagmamadali at may kanya-kanyang dalang maleta. Saka niya napagtantong nasa loob siya nang paliparan.
Humakbang siya ng mabilis, may hinahanap siyang pigura sa karamihan ng taong naroroon. Ni hindi naman siya pinapansin ng mga taong nagmamadaling magsipaglakad. Nahagip ng paningin niya ang isang pamilyar na anyo.
Awtomatikong bumilis pang lalo ang mga hakbang niya, hindi alintana ang mga nakakabanggang tao sa paligid. Iisa lamang ang nais niya... kailangan niyang abutan ang kanyang ama.
"Papaaaa!"
Napabalikwas ng bangon si Tyresse. Pinagpapapiwasan siya ng malamig. Pakiramdam niya tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan. Bumaba siya mula sa kama saka nilapitan ang kapatid sa kabilang kama.
"Arielle, gising...,"Mahinang yugyog ni Tyresse sa kapatid.
Pupungas-pungas na bumangon si Arielle, kinusot-kusot pa nito ang mga mata. "Ate bakit?"
"Samahan mo ako dun sa kuwarto ni Mama, kukunin ko 'yung wireless broadband... kokontakin natin si Papa. Puwede naman yung tablet natin di ba?" Halos pabulong na sabi ni Tyresse.
"Ate magagalit si Mama, saka di ba tinext na ni Tita si Papa... o, bakit pa natin nanakawin yung broadband ni Mama." Nanlalaki ang mga matang sabi ni Arielle nasa himig nito ang pagtutol sa kapatid.
Pinagsalikop ni Tyresse ang mga kamay sa pisngi ng kapatid. "Arielle, gusto mo bang may masamang mangyari kay Papa?"
Umiling-iling si Arielle bilang tugon sa kapatid. "Ayaw ko ate, pero magagalit si Mama..."
"Ako ang bahala."
Maingat na lumabas ng kanilang silid ang magkapatid saka tinungo ang katapat na silid ng kanilang ina.
Dahan-dahang pinihit ni Tyresse ang seradura ng pinto habang nakamasid lamang si Arielle.
"Mga batang pasaway bakit gising pa kayo sa dis-oras ng gabi?" Mula sa kung saan ay saway ng isang tinig.
Naagapan ni Tyresse na takpan ang bibig ng kapatid na si Arielle ng akmang sisigaw sana ito dahil sa gulat.
"Kuya Dynaxx... nakakagulat ka naman." Kontrolado ang tinig na sagot ni Tyresse.
Lumakad si Dynaxx palapit sa magkapatid. "Mainam pa siguro kumatok na lang kayo sa pinto para pagbuksan kayo ng Mama nyo."
Agad na humarang mula sa pinto ang magkapatid. "Huwag Kuya Dynaxx!"
"Anong problema?" Nagtatakang tanong ni Dynaxx.
Pinagmasdan ni Tyresse ang lalaking kaharap, may pag-aalingan siya kung sasabihin niya ang totoo rito. "Kuya may kukunin po sana kami ni Arielle sa loob pero hindi po namin puwedeng ipaalam kay Mama."
"Wala naman akong pakialam sa kung ano man ang problema ninyong mag-iina, napadaan lang ako dahil may kaluluwa akong hinahanap. Base kasi sa aurang nararamdaman ko may mga Capso umaaligid sa inyong tahanan." Paliwanag ni Dynaxx sa magkapatid.
"Kuya Dynaxx hindi ba nakakalusot ka sa mga pader puwedi po bang ikaw na lamang ang pumasok sa loob ng kuwarto ni Mama?" Diretsong tanong ni Arielle na hindi inaalis ang paningin kay Dynaxx.
BINABASA MO ANG
The Chains
FantasySa ikalawang aklat ng The Key, panibagong pakikipagsapalaran nanaman ang kakaharapin ng magkapatid na Tyresse at Arielle. Ang pakikipagsapalaran nila para sa kanilang katauhan at ang pagtuklas ng nakaraan. Bagong mga kaibigan at bagong mga kaaw...