Chapter 5: Sulyap Sa Nakaraan

441 12 5
                                    

     "PIERRE!"

     Natatakot man ay bumakas ang kasiyahan sa mukha ni Arielle ng makita si Pierre na nasa harapan ng nag-aapoy na pintuan ng cr.

     "Okay ka lang ba?" Tanong ni Pierre habang nagliliyab pa ang kanang kamay.

      Nagpalipat-lipat ang paningin ni Arielle sa kamay at mukha nang kaharap. "B-Bakit nag-aapoy ang kamay mo?"

     "Lumabas ka na diyan, baka abutan nila tayo dito!" Nagmamadaling yakag ni Pierre kay Arielle habang pinapag-pag ang kamay.

     Naguguluhan man ay sumunod si Arielle kay Pierre, dahan-dahan niyang tinalunton ang gilid ng nag-aapoy na pinto.

     "Dito muna tayo dali!" Nagmamadaling sabi ni Pierre.

     Agad na sumunod si Arielle kay Pierre patungo sa katabing bodega. Pumasok ang dalawang bata sa loob para magtago. Ilang saglit pa lang silang nagkukubli sa bodega ay may mga dumating nang ilang guro at faculty members para apulahin ang apoy.

     May malamlam na ilaw sa loob ng bodega kaya kahit papaano ay maliwanag dito. Tahimik lamang na nakikiramdam ang dalawang bata habang may nagkakagulo sa labas.

     Ilang minuto rin silang pinagpapawisang nakatayo habang nakikiramdam sa loob ng bodega.

     "Sinasabi ko na nga ba't nandidito ka lang e..." Mula sa likuran ng dalawang bata ay sabi ng tinig ng babae.

     Magkasabay na bumaling paharap sa kanilang likuran sina Pierre at Arielle.

     "T-Tita Mea...," Halos pabulong na sabi ni Pierre.

     Nagpalipat-lipat ng tingin si Arielle mula sa babaeng pamilyar sa kanya at kay Pierre. Halos kasing edad lamang ng kanyang ina ang babaeng kaharap, nakapusod ang buhok nito at nakasuot nang uniporme katulad ng sa mga guro sa paaralang iyon. Maamo ang maganda nitong mukha habang nakatungo sa kanila.

     Inabot nang babae ang kanyang mga kamay kina Arielle at Pierre. Bagama't nag-aalinlangan ay inabot ni Arielle ang kamay ng babae kagaya nang ginawa ni Pierre, pagkahawak nila sa kamay ng babae ay binalot sila ng puting liwanag saka tuluyang naglaho.

    Mula sa hallway nang St. Catalina ay may ilang mga magulang at estudyante ang tila nagpapanic. Nagtatakang mabilis na napapasok ng paaralan si Lena, nadatnan pa niyang pilit na pinapakalma ng security guard ang ilang magulang.

     "Ano ho ba ang nangyari?" Tanong ni Lena sa guwardya pagpasok sa gate ng skul.

     "Naku ma'am nagkaroon lang ng sunog sa dulo ng building A, pero wala na po ang apoy. Wala din naman pong nasaktan sa nangyari."

     Bumangon ang pag-aalala sa damdamin ni Lena. "Salamat ho manong, saan nga ho pala ang room ng Kinder-A?"

     "Ma'am dun ho yun sa Building A, malapit ho sa pinangyarihan ng sunog."

     "Oh my God! Puwede ho ba akong pumunta dun? Susunduin ko kasi ang pamangkin ko...," Lalo pang kinabahan si Lena sa sinabi ng guwardya.

     "Okay lang po ma'am." Tugon ng guard saka bumaling sa isa pang magulang na papasok pa lamang.

     Nagmamadaling pinuntahan ng ni Lena ang itinurong direksyon ng guard, sa hallway ay may mga magulang at estudyanteng nag-uusap patungkol sa sunog. Wala naman siyang makitang bumbero kaya naman medyo napanatag siya kahit papaano.

     Kung sakaling malaki man ang sunog dapat may mga bumbero na sana sa paligid, marahil minor lamang ang nangyari. Nakarating siya sa classroom ng pamangkin nawala ang pag-aalala niya nang makita niyang okay ang pamangking si Arielle.

The ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon