"PAPAAAAA!"
Abala si Lena habang kinucompute ang kinita ng tindahan niya ng araw na iyon. Nagulat pa siya sa pagtunog ng cellphone niya mula sa kanyang drawer.
Nagtaka pa siya ng makita ang pangalan ng kapatid na nakarehistro sa cellphone.
"Hello Ate Aly... bakit?" Nag-aalalang tanong ni Lena sa kapatid.
"Lena s-si Tyresse inatake nanaman...," Bahagya pang gumaralgal ang tinig ni Alyson.
"W-what? Nasaan kayo ngayon?" Habang kausap ang kapatid ay agad na niligpit ni Lena ang mga kalat sa mesa. Parang nanginig siya dahil sa narinig.
"Nandito kami sa ospital, bigla kasi nagcollapse si Tyresse tapos ang tagal niyang nangisay kaya dinala ko na sa ospital...," Humihikbing sabi ni Alyson.
Napatayo mula sa kinauupuan niya si Lena dahil sa sinabi ng kapatid. "Anong nanyari te? Si Arielle nasaan?"
"Ipapakisuyo ko nga sana sa'yo si Arielle ibinilin ko lang siya sa kapitbahay... kay Viper." Muli ang pahikbi-hikbhing sagot ni Alyson.
Natatandaan niya ang kapitbahay nilang si Viper, katapat ng bahay ng ate niya ang bahay ng dalagita at kuya nito.
"Ate, pupuntahan ko si Arielle balitaan mo ako kay Tyresse."
"Salamat...," Nagsisimula nanamang humikbi si Alyson sa kabilang linya.
Naawang inalo na lamang ni Lena ang kapatid. "Everything will be alright, ate."
Matapos ayusin ang personal na gamit ay tuluyan nang ibinaba ni Lena ang cellphone.
"LEARRR!" Mula sa kung saan ay sigaw ni Lena.
"Kailangan mo nang tulong ko binibini?"
Lumingon sa likuran niya si Lena, kung saan nagmula ang tinig ng binata. Mula sa tabi ng lamesang kinauupuan niya kanina ay naroroon si Lear, nakasuot ito ng kulay abuhing t-shirt at itim na pantalon. At base sa pormal nitong anyo ay hindi nito nagustuhan ang pag-aabalang ginawa niya rito.
"Salamat sa pagtugon mo sa aking tawag, kailangan ko lang talagang makarating sa bahay ng ate ko. Emergency lang talaga." Paliwanag ni Lena sa binata na medyo nahihiya.
Marahang nilapitan ni Lear ang dalaga saka hinawakan ito sa kamay. Bagaman nagulat sa inasal ng binata ay wala nang nagawa pa si Lena dahil mabilis na binalot nang liwanag ang kanilang katawan bago tuluyang nawala.
Naimulat na lamang ni Lena ang mga mata ng maramdaman niyang medyo magaan na ang pakiramdam niya na tila ba wala na ang pagkalula niya.
Inilibot niya ang paningin sa paligid, nasa sala siya ng bahay ng kanyang kapatid. Wow! Daig pa niya ang nag-jet plane!
"Binibini nasa likod-bahay ang pamangkin mo at ang aking kapatid...," Pormal na sabi ni Lear saka marahang binitiwan ang kamay ng dalaga.
"Salamat. Pasensiya na sa pang-aabala ko sa'yo. Kinailangan ko lang talagang makarating agad dito kasi inatake nanaman si Tyresse." Kahit na naiilang man ay paliwanag ni Lena.
Bahagyang natigilan si Lear sa narinig. Ngunit sa halip na sumagot ay tumango na lamang ito saka naglaho sa liwanag.
Sus! Suplado! Kakainis! Tinungo ni Lena ang kusina para dumaan sa pinto mula doon para makatawid patungo sa hardin sa likod ng bahay.
BINABASA MO ANG
The Chains
FantasySa ikalawang aklat ng The Key, panibagong pakikipagsapalaran nanaman ang kakaharapin ng magkapatid na Tyresse at Arielle. Ang pakikipagsapalaran nila para sa kanilang katauhan at ang pagtuklas ng nakaraan. Bagong mga kaibigan at bagong mga kaaw...
