Chapter 10: Isinumpang Kadena

279 14 9
                                    

"Cooool!"

Paikot-ikot sa higaan si Marco sa kalagitnaan ng gabi. May bumabalisa sa kanyang pagtulog. May di mawaring nagbubulong sa kanya ng panganib. Marahang bumangon mula sa kanyang kinahihigaan si Marco saka naupo sa gilid ng kama.

Mula sa kabilang bahagi ng higaan ay tahimik na natutulog ang kanyang asawang si Alyson. Sa paglipas ng taon ay hindi pa rin kumukupas ang taglay nitong kagandahan. Hinaplos niya ang pisngi ng asawa saka tumayo mula sa kinauupuan.

Walang ingay na nagbihis ng damit si Marco at tuluyang lumabas ng kanilang silid. Susundan niya ang gumugulo sa kanyang pagtulog. Ang kalaliman ng dilim ay sumisigaw ng panganib kaya kailangan niyang tukuyin iyon dahil napakalakas ng dating nito sa kanya.

Sisilipin sana niya ang silid ng mga anak ngunit minabuti na niyang hindi na ito gawin. Maingat siyang bumaba mula sa hagdan ng ikalawang palapag ng bahay. Sa sala ng bahay unti-unting nagkaroong ng sariling buhay ang mga markang nasa kaliwang braso ni Marco.

Tila mga kadenang buhay ang umahong anyo mula sa balat ni Marco. Unti-unti nitong inikutan ang buong katawan niya hanggang sa hindi na makita ang buo niyang kabuuan kasunod noon ay naglaho na si Marco.

Sumalakay ang dambuhalang taong ibon patungo sa kinatatayuan ni Viper. Nagawa pang tumambling ng dalagita palayo sa halimaw ngunit hindi niya napansin ang pakpak nito na tumama sa kanya at nagpahagis sa kanya ng malayo.

Animo batong inihagis palayo si Viper. Ramdam pa niya ang paghampas ng malakas na hangin na tumatama sa katawan niya habang nasa ere siya. Hanggang sa bumalandra siya sa isang semento.

Pakiramdam ni Viper ay nabali ang mga buto niya sa katawan matapos niyang dumausdos pababa mula sa pader na pinagbanggaan niya. Hinawakan ni Viper ang noo nang maramdaman niya ang malagkit n likidong tumutulo mula roon.

May dugo sa kanyang palad ng pagmasdan niya ito, ngunit sa halip na panghinaan ng loob ay tila nagsilbi pa itong mitsa para umibayo ang kanyang tapang. Siya si Viperlane at wala siyang sinusukuang laban!

Ikinumpas ni Tyresse ang kaliwang kamay ng nakatuon sa isang Capso, mabilis na iniimbay niya itong muli pahagis palayo. Sumunod sa kumpas ng kamay ni Tyresse ang isang Capsong kasama ni Malevor.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Malevor pagkakita sa nangyari sa kasama, agad nitong hinugot ang samurai na nasa likuran saka itinusok sa semento na gumawa ng pagkakabitak nito. Nagkaroon ng pagyanig sa paligid.

Nagulantang sina Tyresse, Pierre at Arielle hindi nila inasahan ang gagawin ng kaharap. Sa pagyanig ng paligid ay nahirapan si Tyresse na ipokus ang kapangyarihan dito. Bukod pa sa pagbalanse ay inaalalayan din niya si Arielle.

Patuloy ang pagyanig sa paligid kahit pa nga hinugot ni Malevor ang hawak na samurai sa lupa. Naglabas siya ng isang maliit na punyal saka ibinato patungo sa kinatatayuan ni Tyresse.

"Ako ba ang hinahanap mo halimaw!" Sigaw ni Viper mula sa taong ibon na palinga-linga sa paligid.

Mabilis na tinalon ng dalagita railings ng isa sa mga building kung saan pansamantala siyang nagkubli. Pinuntirya niya ang kanang bahagi ng pakpak ng taong ibon.

"AAAARRRKKK!" Malakas na panaghoy ng taong ibon.

Bumaon ang espadang hawak ni Viper mula sa bahagi ng pakpak ng halimaw, agad namang nagpadausdos pababa ang dalaga upang ituloy-tuloy ang paghiwa sa laman nito. Tumalsik ang maitim na kulay ng dugo nito.

Nang marating ng talim ng espada ang ibabang bahagi ng laman ng pakpak ng halimaw ay nagwala ito. Tila walang direksyon itong nagpabangga-bangga sa dalawang building. Mula sa kinabagsakan ng pakpak ng halimaw ay nasa tabi naman nito si Viper hawak ang espadang puno pa ng mga dugong mula sa taong ibon. Bahagyang napaigtad ang dalagita ng maramdaman ang pagyanig ng lupa.

The ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon