Chapter 2: Premonisyon

554 12 1
                                    

"ANONG GINAGAWA MO DITO?"

Napaigtad si Arielle ng marinig ang malamyos na tinig. Tiningala niya ang isang babaeng nasa harapan na niya. Bagaman may kaunting diin sa malamyos na tinig ng babae ay nakapaloob pa din ang pagmamalasakit dito.

"Nag-cr po kasi ako...," Mahinang tugon ni Arielle.

Hinawakan ng babae ang kamay ni Arielle saka ito hinila paalis sa lugar na iyon. "Sa susunod huwag kang pupunta ng mag-isa dito ha."

"Opo." Tugon muli ni Arielle habang nakasunod sa babae.

"Ako si Flammea, ikaw anong pangalan mo?"

"Arielle po."

Huminto sa paglakad si Flammea at saka kinausap si Arielle. "Mag-iingat ka lagi, nararamdaman ko may kakaiba sa'yo kasi lapitin ka ng mga ibang elemento."

Tumango-tango si Arielle kahit hindi niya masyadong naiintindihan ang sinasabi ng babae.

Iniwan ng babae sa guro nito si Arielle saka muling pumunta sa dulo ng building. Maya-maya pa ay dumating na rin si Tyresse.

"Sorry nalate ako, may mga kinopya pa kasi ako kaya natagalan ako." Paumanhin ni Tyresse sa kapatid.

Sa halip na sumagot ay nakatuon ang pansin ni Arielle sa kasama ng kapatid. "Ate sino siya?"

"Ay nakalimutan ko... siya si Pierre, kaklase ko at friend ko na din. Pierre kapatid ko si Arielle. " Pagpapakilala ni Tyresse sa dalawa.

Ngumiti si Pierre at ganun din si Arielle. Hinawakan ni Tyresse ang kamay ng kapatid saka nagpaalam sa guro ng huli. Magkakasabay na naglakad ang tatlo papunta sa hallway kung saan may nakatalagang lugar para sa mga naghihintay na sundo.

Wala pa ang sundo nang tatlo kaya naman naupo muna ang mga ito sa bench na gawa sa kahoy para sa mga naghihintay. Nagkukuwentuhan din ang mga ito at minsan ay nagtatalo sa kung anu-anong bagay.

Labing-limang minuto ang lumipas bago dumating ang sundo nila Tyresse at Arielle, ang mama nila na si Allyson.

"Bye Pierre, nandito na si Mama." Paalam ni Tyresse sa kaibigan.

Kumaway naman ang batang lalaki bilang tugon. Naglakad na ang mag-ina palabas ng skul.

"How is your day darlings? Do you enjoy the first day of school?" Nakangiting tanong ni Alyson ng makasakay na sila ng jeep.

"Okay naman po Mama! First day po nagpakilala kami isa-isa." Agad na sagot ni Arielle na nakaupo malapit sa ina.

"Good! How about you Tyresse?" Puri ni Alyson sa bunso at ang panganay naman ang tinanong.

"Okay lang din po dami po pinasulat!" Nakangiting sagot ni Tyresse.

"Si Ate may boyfriend na!" Malakas na dugtong ni Arielle sa sinabi ng kapatid.

Malakas na nagtawanan ang mag-iina sa sinabi ni Arielle. Maayos na nakauwi ang mag-ina at pagdating ng bahay agad na nagbihis ang magkapatid habang naghahanda naman ng tanghalian si Alyson.

"Ate Resse, may nakita ako sa may dulo ng school kanina parang hindi siya kagaya ni Patty, parang kamukha siya ni Kuya Dynaxx. Kaso ate iba yung mukha niya." Kuwento ni Arielle kay Tyresse.

Nasa silid nila ang magkapatid, kasalukuyang nagbibihis ang dalawa.

"Mamaya itatanong natin kay Ate Viper. Magpapaalam tayo kay Mama na pupunta ng park tapos tatawagan ko si Ate Viper." Sagot ni Tyresse sa kapatid kasabay ng pag-ayos sa suot na damit ni Arielle.

The ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon