Chapter 7: Isang Buhay at Isang Kaluluwa

344 9 0
                                    

      "TW 1012... Tita si Papa..."

     Marahang napatigil sa paglalakad si Marco dahil mula sa kung saan ay may sumulpot na liwanag sa kanyang harapan.

     "Marco..."

     Nakakunot ang noong pinagmasdan ni Marco ang lalaking nasa harapan. Pilit niyang inaalala kung kilala ba niya ito.

     "S-Sino ka?" Nalilitong tanong ni Marco.

     Ngumiti ng makahulugan ang lalaking nasa harapan nito. "Nandito ako para balaan ka sa panganib na nagbabadya... huwag kang tumuloy sa pag-alis ngayon."

     Lalong lumalala ang gatla sa noo ni Marco sa narinig. "Sino ka ba talaga at bakit mo ako inaabala?"

    Nasa kalagitnaan sila ng paliparan may mga tao nang paroo't parito sa paliparan. Bawat isa ay nagmamadali at may kanya-kanyang mga dalang bagahe.

     Paging all the passengers of TW 1012, please proceed to departure area please....

     Napukaw ng panawagan ang atensiyon ni Marco, sinulyapan nito ang pambisig na relo. Ilang minuto na lamang at aalis na ang eroplanong sasakyan niya.

       "Kailangan ko nang makaalis kaya huwag mo na akong abalahin." May pagbabanta sa tinig ni Marco.

     "Ipagpasalamat mo ang ginagawa kong pang-aabala sa'yo para sa kaligtasan mo." Mahinahon ngunit madiing tugon ng lalaki.

     "Ano ba talaga ang kailangan mo?" Naiinis ng sabi ni Marco sa kaharap, nagsisimula na ring makaagaw ng atensiyon mula sa mga tao ang pagtatalo nila.

     "Hindi ka dapat umalis ngayon!"

     Napakuyom ng kamao niya si Marco, may bahagi sa kanyang pagkatao ang tila nangangalit at gustong kumawala.

     "Hindi mo alam ang kaya kong gawin kaya maaari bang umalis ka na sa daraanan ko...," Madiing sabi ni Marco.

     Natuon ang pansin ng lalaki sa kaliwang kamay ni Marco, bagaman nakasuot ito ng leather jacket mapapansin ang tila pag-alon ng tela mula sa braso nito pababa ng kamao.

     Naningkit ang mata ng lalaking kaharap ni Marco. "Ilalabas mo sa karamihan ang bagay na iyan? Alam ko ang pagkatao mo Marco... nag-iisa ka na lamang sa lahi mo."

     May pagtatakang nag-angat ng tingin si Marco sa kaharap. "Paano mo nalaman ang tungkol sa pagkatao ko?"

     "Hindi na mahalaga iyon..."

     Naputol ang sasabihin ng lalaki dahil sa malakas na pagsabog ang narinig mula sa labas ng paliparan. Nagsimula nang magkagulo ang mga tao.

     "... Sige tapos na ang misyon ko, nailigtas na kita kaya paalam na."

     Bagama't may pagtataka sa mga nangyayari ay hinabol pa ni Marco ang lalaking nagsimula ng maglakad palayo.

     "Sandali! Sino ka ba?"

     "Lear."

     Tuluyan ng nawala sa mga nagkakagulong mga tao ang lalaki samantalang naiwan naman mula sa kinatatayuan niya si Marco na naguguluhan pa rin.

    "Al, darlin sorry pero mukhang madedelay ang flight ko ngayon... nagkaroon ng problema dito sa airport."

     Mariing napapikit ng mga mata niya si Alyson habang pinapakinggan ang kabiyak na nasa kabilang linya. "A-Anong nangyari Marco?"

     Malalim na paghinga ang itinugon ni Marco. "I-It's just an a-accident... the airplane just exploded after it take off."

     "What?!"

The ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon