"... May masamang mangyayari!"
"Darling wait mo si Mama dito mamaya ha. Susunduin na lang kita after ng class mo. Hintayin mo lang ako dito sa may bench sa labas ng room nyo." Bilin ni Alyson sa anak na si Arielle.
Kasalukuyan silang nasa harapan ng classroom ng bunso niyang anak. Dahil sa ibinilin ng doktor na pagpahingahin muna ang panganay na anak ay hindi muna niya ito pinapasok sa eskuwelahan ng araw na iyon.
"M-ma, natawagan nyo na po ba si Papa tungkol sa... sa pag-uwi nya sa Linggo?" Bahagyang nakatingala si Arielle sa ina.
Natigilan si Alyson sa itinanong ng anak. "Arielle mag-usap na lang tayo mamaya sa bahay. Sa ngayon pumasok ka na sa classroom mo."
Tumango nang marahan si Arielle. Matapos ayusin ni Alyson ang gamit ng anak at saka hinalikan ito ay iginiya na niya ito papasok sa loob ng classroom.
Agad na lumakad si Alyson papunta sa classroom ng anak na panganay para ipaalam ang pagliban nito sa klase. Mula rin kasi ng lumabas ng ospital ang panganay niyang anak, kinukulit siya nito na tawagan ang ama nito at pinapacancel ang flight.
Ayaw niyang patulan ang sinasabi ni Tyresse ngunit may isang tinig sa kanyang isipan ang nagsasabing pakinggan niya ang anak. Gusto na niyang kalimutan ang nakaraan na tila multong bumabalik, matagal na iyon. Wala na siyang planong buksan pa ang kabanatang iyon sa kanyang buhay.
"Tyresse ano ba ang nakita mo bago ka himatayin?" Tanong ni Lena sa pamangkin.
Nasa likod-bahay silang tatlo nina Viper. Pansamantala munang hindi pumasok si Lena para may makasama ang pamangkin sa bahay. Naroroon naman ang katiwala niyang si Lindsay kaya ito na muna ang bahala.
"Tita si Papa kasi... nakita ko siya na sumakay ng eroplano pero nung lumipad na ito saka naman po sumabog!" Nasa mata ni Tyresse ang hindi maipaliwanag na takot habang nagkukuwento.
Sumandal si Lena sa bakal na upuan habang nakatuon ang mga mata sa pamangkin. "Premonisyon iyan ng hinaharap, katulad ng magbaha sa Quezon City nakita mo iyon bago pa mangyari."
"Kailangan mong mapigilan ang Papa mo na huwag tumuloy sa pag-uwi niya dito." Sumagot si Viper sa sinabi ni Lena.
Ibinaling ni Tyresse ang paningin sa katabing dalagita. "Ate Viper pinipilit ko na po si Mama na ipa-cancel ung flight ni Papa pero ayaw po niyang maniwala sa akin."
"Don't you worry darling, ako na ang gagawa ng paraan para kausapin ang Papa mo." Marahang tinapik ni Lena ang balikat ng pamangkin.
"Magkita tayo sa park mamaya, tuturuan ka ni kuya na kontrolin ang kapangyarihan mo." Nakangiting paanyaya ni Viper.
Nagksulyapan sina Tyresse at Lena. Kapag kasi may pagkakataon nagkikita sila nina Viper at Kuya Lear nito sa park para turuan ito sa pagkontrol ng kapangyarihan.
Kahit papaano ay unti-unti na ring nagagamayan ni Tyresse ang kapangyarihan nito. Umaalis sila ng bahay na hindi ipinapaalam sa ina ng dalawang bata dahil malamang na hindi ito papayag. Sa mga nangyari nang nakalipas na buwan ay walang kaalam-alam si Alyson tungkol dito.
"Nandito lang pala kayo...," Mula sa pintuan ng kusina palabas ng hardin ay naroroon si Alyson. "... Lena, ipapakiusap ko sana muna ang pagsundo kay Arielle, kailangan ko lang puntahan 'yung pagkukunan ko ng inorder sa aking mga gulong ng kotse. Bukas na kasi pupunta ang buyer ng mga iyon."
![](https://img.wattpad.com/cover/7748478-288-k225194.jpg)
BINABASA MO ANG
The Chains
FantasySa ikalawang aklat ng The Key, panibagong pakikipagsapalaran nanaman ang kakaharapin ng magkapatid na Tyresse at Arielle. Ang pakikipagsapalaran nila para sa kanilang katauhan at ang pagtuklas ng nakaraan. Bagong mga kaibigan at bagong mga kaaw...