Chapter 15: Pagbubunyag

19 0 0
                                    


"Nagse-selfie...,"

Tahimik ang buong Konseho, ang lahat halos ng mga Enlighter ay nasa bulwagan kung saan nagtitipon ang lahat para sa mahahalagang okasyon.
Ipinatawag ni Dimitri ang lahat para sa kanyang mahalagang anunsyo.

"Marahil ay alam na ninyo kung bakit ko kayo ipinatawag ngayon...," inilibot ni Dimitri ang paningin sa lahat ng mga naroroon.
"... nagluluksa ang ating lahi dahil sa paglisan ng isa sa ating kapatid, si Persia. Nawa'y maging karapat-dapat siya sa piling ng ating Lumikha. Sa ngayon, sama-sama tayong magbibigay pugay at magpapaalam sa ating kapatid."

Nagkaroon ng mahinang bulungan sa pagitan ng mga Enlighters. Lahat sila ay nagulat sa narinig mula kay Dimitri. Ang pagkawala ng isa sa kanila sa hindi inaasahang pagkakataon ay banta sa buhay ng bawat isa.

"Katahimikan! Sana nama'y magbigay pugay tayo ng maayos sa ating nawalay na kapatid. Sa pagkakataong ito na lamang natin maaalala ang kabutihan niya sa ating lahat. Ang katapatang ipinakita niya sa buong konseho ay hindi matatawaran." May kalungkutan sa tinig ni Dimitri habang inililibot ang paningin sa lahat ng mga naroroon.

Nagsimula na ng ritwal para sa pamamaalam sa isang enlighter na nawala. Bawat isa ay nakiisa sa tahimik na pagsasagawa nito. Mula sa isang sulok ng bulwagan ay nakatanaw lamang si Jacobe. Alam niyang dahil sa kanya kaya namatay si Persia. Isang tapat at mabuting kaibigan na handang magbuwis ng buhay para lamang sa kanya.
Isinusumpa ko Persia...hindi masasayang ang pagsasakripisyo mo. Hahanapin ko ang salarin na kumitil sa iyong buhay.


Nagmamadaling tumabi ng daan sina Dynaxx, Viper at ang dalawang bata, para sa mga dumadaang mga estudyante.

"Nagseselfie talaga tayo ha...," nakakalokong bulong ni Viper habang naglalakad ang mga ito.

"Kung hindi ko sinabi 'yun, ano ang idadahilan mo sa mga taong nandito? May maganda ka bang dahilan babaeng bansot?" Inis na tugon ni Dynaxx.

Matalim na tinitigan ni Viper si Dynaxx na siyang nangunguna sa paglakad. Tahimik namang nakasunod sina Tyresse at Arielle na nakikiramdam lang sa dalawa.

"Ate... Kuya, maupo muna tayo dito sa bench maghintay muna tayo sa paglabas ng mga estudiyante." Suhestiyon ni Tyresse saka nauna ng naupo sa bench.

"Mabuti pa nga!" Tugon ni Dynaxx saka sumunod kay Tyresse.

Nakahalukipkip namang inilibot ni Viper ang paningin sa paligid. Ang huling punta nila dito kung saan may labanang naganap ay may mga nasirang gusali ngunit base sa nakikita niya walang bakas ng mga iyon.
Malakas ang mahikang ginamit para ayusin ang buong paligid at sa sapanta niya may kakaibang lakas ang gumawa nito.

"Tyresse! Arielle!"

Sabay-sabay na napalingon ang apat, nakangiting lumapit ang batang si Pierre.

"Pierre nandito ka pa? Kanina pa ang uwian di ba?" Agad na tanong ni Tyresse habang sinasalubong ito.

"Hinihintay ko pa kasi ang Tita ko. Madalas naman kami umuuwi ng hapon." Tugon nito na lalong lumuwang ang pagkakangiti.

"Ikaw yung batang kasama namin nung nakaraang gabi hindi ba?" Tanong naman ni Viper na tila pinag-aaralan ang batang lalaki.

Tumango-tango si Pierre. "Opo, hello po...sino naman po siya?"

Binalingan ni Tyresse si Dynaxx na nakaupo sa bench katabi si Arielle.

"Siya si Kuya Dynaxx...,"inilapit ng konti ni Tyresse ang bibig sa tenga ni Pierre para bumulong. "...siya si Kamatayan."

"Ohhh! Ang coool!" Palatak ni Pierre saka lumapit kay Dynaxx.

Sumunod naman si Tyresse sa kaibigan palapit sa mga nakaupong sina Dynaxx at Arielle. Napaismid na lamang si Viper habang hinahayaan ang mga mga batang nakikipagkulitan kay Dynaxx.
Mas nais niyang maglibot sa paaralan kesa maghintay sila ng oras na humupa na ang mga taong naroroon. Narating ni Viper ang dulo ng paaralan kung saan nila nakita ang multo ni Misha. Pamilyar na sa kanya ang kinatatakutang CR ni Arielle.

"Hija, sarado ang banyo riyan kasi may ginagawa sa katabi niyang bodega."

Nilinga ni Viper ang pinanggalingan ng malamyos na tinig. "Pasensiya na po..."

"Pasensiya na rin at nagulat kita...ako nga pala ang isa sa mga punong tagapamahala ng paaralang ito. Ako si Flammea." Nakangiting pakilala ng babae kay Viper habang inilahad ang kanang kamay.

"Viperlane po, naaaliw lang po ako sa pag-iikot sa buong paaralan." Iniaabot ni Viper ang kanang kay Flammea.

"Off limits pa kasi ang lugar na ito dahil hindi pa natatapos ang pag-aayos ng bodega." Paliwanag ni Flammea saka tinapunan ng tingin ang bodega.

Habang pinagmamasdan ni Viper ang babaeng nasa harapan ay may kakaiba siyang nararamdaman. Tila may kakaibang aura si Flammea na hindi niya matukoy kung ano.

"So tayo na malapit na ring magsara ang paaralan kasi uwian na ng mga nagkaklase dito." Yakag ni Flammea kay Viper.

Tumango-tango si Viper saka sumunod kay Flammea. Bumalik sila sa hallway kung saan naroroon ang mga naghihintay na mga sundo.

"Tita!" Sigaw ni Pierre ng makita ang tiyahin kasama si Viper.

"Nandito ka lang pala Pierre." Nakangiting sabi ni Flemmea. "Nandito pala kayo Arielle, ang cute mo talaga."

Marahang tumayo si Dynaxx mula sa kinauupuang bench. "Magandang hapon sa inyo."

Maang na napatingin si Flammea sa binatang bumati sa kanya. "Nagkita na ba tayo dati?"

"Wala akong natatandaan na nagkita na tayo." Nakangiting tugon ni Dynaxx.

"Tita nakilala mo na si ate Viper? Mga kaibigan sila ni Arielle at Tyresse."

"Nagkita kami doon kanina habang papunta dito. Ito ba si Tyresse 'yung ikinukuwento mo sa akin." Nakangiting tugon ni Flammea.

"Kamusta po Tita." Bati ni Tyresse na nasa tabi ni Arielle.
Marahang hinaplos ni Flammea ang ulo ni Tyresse. "Mabuti naman hija..."
Natigilan si Tyresse ng dumampi ang kamay ni Flammea sa kanyang ulo. Nagbago ang kanyang paligid...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon