Chapter 12: Liber de Malificus

341 15 13
                                    

      "Nahanap na ang susi?"

      "Aly, I want to talk about our girls...," Nasa ibabang silid malapit sa may hagdan sina Alyson at Marco. "... may kailangan kang malaman tungkol sa kanila."

      Maang na napatingin si Alyson sa asawa. "A-Anong tungkol sa kanila?"

      "Sana lang maging open-minded ka. Alam kong gusto mo nang kalimutan ang lahat pero hindi natin maiiwasan ang itinakda sa ating kapalaran." Pinipili ni Marco ang mga salitang binibitawan.

      Itinigil ni Alyson ang ginagawang paghahalungkat sa isa sa mga box saka marahang humarap sa asawa.

      "M-May hindi ba ako alam Marco?"

      Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marco saka tinitigan sa mga mata si Alyson.

     "Lumalabas na ang mga manang kapangyarihan ng ating mga anak..."

      Napasinghap si Alyson sa narinig. Nagmistulang bombang sumabog ang narinig niya mula sa asawa. Hindi sinasadyang napasandal siya sa built-in kabinet na nasa likuran niya. Tila kinapos siya ng hininga sa natuklasan, umamot siya ng lakas mula sa kinasasandalan.

      "Aly, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Marco, inalalayan nito ang asawa.

      "K-Kailan mo nalaman?" Halos anas na tanong ni Alyson.

      "Last night, I fought with them...," mahinang tugon ni Marco.

       Maang na napatingin si Alyson sa asawa. "What? Nakilala ka ba nila?"

       "No! Hindi nila ako makikilala kapag nasa ilalim ako ng aking kapangyarihan. Ang inaalala ko ang mga bata... isa sa kanila ang susi pero hindi ko matukoy kung sino." May pag-aalala sa tinig ni Marco.

      Mas lalong nanghina ang mga tuhod ni Alyson dahil sa sinabi ng asawa. "Nagkakatotoo na ang mga sinasabi ni Kuya Nate, ano na ang gagawin natin Marco. Ayokong matulad sila sa atin."

     "Hindi sila matutulad sa atin Aly, kahit hindi nila matakasan ang kanilang kapalaran nandito tayo para gabayan sila." Marahang niyakap ni Marco ang asawa.

      Hindi na kumibo pa si Alyson, nagtatalo ang isipan niya sa sinabi ng asawa. Silang magkakapatid ay dumaan sa sitwasyong kagaya ng sa mga anak kaya alam niyang mahirap ito. 

      Abalang-abala si Viper sa ginagawang paghahalo ng kung anu-anong potion, tinatapos na niya ang isang orasyong pinag-aralan niya mula sa Liber de Malificus. Alam niyang ipinagbabawal ang paggamit ng aklat lalo na ng mga Elders ngunit may bahagi ng kanyang pagkatao na nagsasabi sa kanyang hindi masama ang nilalaman ng libro. Siguro dahil buo ang paniniwala niyang hindi masama ang kanilang ina.

      Labis nga niyang ipinagtataka na magkapatid sila ng Kuya Lear niya pero tanging siya lamang ang hindi lubusang matanggap ng mga Enlighters.

      Nasa huling bahagi na ng kanyang ginagawa si Viper, inihulog niya ang isang hibla ng buhok sa mga pinagsamang potion matapos na tila pagliwanag nito ay binasa niya ang ilang orasyon sa aklat ngunit sa huling bahagi ay binago niya ang ilang kataga.

      "...habere animulus!"

      "Lance, marami pa ring mga katanungan ang hinahanapan ko ng kasagutan. Ngayon hindi lang ang mga pamangkin ko ang may kumplikadong pagkatao... of all people my brother in law!" Naguguluhang kuwento ni Lena sa kasintahan.

       Napabuntong-hininga si Lance saka hinawakan ang mga kamay ng dalaga. "Calm down, ano ba ang nakita mo?"

      "Hindi ko ma-explain Lance p-pero alam ko si Kuya Marco ang nakita ko ng isang gabi sa eskuwelahan ng mga pamangkin ko.  Hindi ko alam kung may ideya na si Ate Alyson tungkol dito."

The ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon