Natigilan siya at habang Nakatingin saakin, “Inhale, exhale” aniko, sinunod niya naman ang sinabi ko.
Maya-maya pa ay huminahon na siya, tumayo siya kaya inalalayan ko siya pero tinabig niya ang kamay ko, Bumuntong hininga ako.
At inalalayan parin siyang umupo sa kama, nang makaupo siya ay agad Kong inilibot ang tingin ko, basag ang mga gamit, napa tingin ako sa kamay ko nang may maramdamang likido.
Inamoy ko ito, at nagtaka ako. “Dugo?” I uttered, napatingin ako sa kamay ng prinsepe, dumudugo iyon.
Inilibot Kong muli ang aking tingin at nahinto iyon sa basag na salamin, may mansa ng dugo Doon. Bumuntong hininga ako muli.
Madilim ang paligid, dahil siguro ayaw ng prinsepe sa liwanag at nasisilaw siya. Marahil nasanay ang mga mata niya sa dilim.
Ganon paman ay nakaka kita parin ako sa dilim, may night vision ata ang mata ni xylene. Pumunta ako kanilang parte ng kama, may maliit na aparador Doon.
Hinalungkat ko iyon, maya-maya pa ay nakita ko ang first aid kit. Bumalik ako sa harap ng prinsepe na ngayun ay Nakatingin saakin.
“What are you going to do?” Malamig na tanong niya saken, I didn't answer him. Instead, umupo ako sa tabi niya at kinuha ang kamay niya.
Binawi niya ang kamay niya kaya Bumuntong hininga ako, “Akin na” usal ko, habang Nakatingin sa kamay niya.
Tinaas ko ang tingin ko at nakita ang asul niyang mata na Malamig ang tingin saakin “Akin na, gagamotin ko” ani ko at akmang kukunin ang kamay niya.
“I can handle myself” aniya, tinaas ko lang ang kilay ko. “Akin na sabi! Tigas-tigas ng ulo” aniko at marahas na kinuha ang kamay niya.
Agad Kong inilagay ang bulak(cotton) sa kama niyang dumudugo. Tumigil ako saglet at May kinuha sa bulsa ko.
Binigay ko iyon sa kanya, tinitigan niya lamang iyon ng Malamig “Di yan lason” aniko, wala sa sariling kinuha niya iyon.
Tinaas ko ang kilay ko “kainin mo” sabi kopa, kaya kinuha niya yung tissue sa nakabalot saka kinain. Sumusunod siya sakin ngayun at medyo mahinahon.
Siguro ang prinsepe to, ma swerte ako at hindi ang split personality niya ang nangingibabaw sa katawan niya ngayun.
Nga pala, chocolate ang Binigay ko sa kanya ewan ko Kong anong tawag nun dito pero chocolate yung Binigay ko.
Natapos nakong gamutin ang sugat niya sa kamay, niligpit ko iyon bago tumayo at tumalikod, saglet ako napahinto at nagpatuloy sa pag lakad. Kinuha ko mona ang tray ng pag kain sa table na pinag lagyan ko kanina.
At inilagay sa harap niya kung saan ako nakaupo kanina, “Kain naa~” napahawak ako sa tiyan ko ng komirot ito.
“K-kain na, kamahalan” aniko, bago tumalikod. Nahihilo ako, may naramdaman akong likido sa likod ko.
Napahawak ako sa likod ko, May dugo iyon. Muli Kong hinarap ang prinsepe na ngayun ay naka tayo sa harap ko, he's smiling creepily.
Kumagat siya ng chocolate, sa tingin ko ay basag na vase ang sinakasak niya sa likod ko pero bakit hindi ko man lang naramdaman yun nung una?
“Didn't that knight tell you that I don't want you?” aniya at sinakal ako, Nahihilo ako. Ang hina ng katawan ni Xylene.
“K-Kamahalan” mahinang usal ko.
“I hate your presence” aniya at mas hinigpitan ang hawak sa leeg ko. Balak niya ba akong patayin ngayun?
Inilagay ko ang lahat ng lakas ko sa mga paa ko, pinilit ko ring itaas ang kamay ko kahit na nahihirapan na akong huminga. Sinuntok ko siya sa mukha bago sinipa nang malakas sa tiyan.
Humihingal ako pero agad akong tumakbo palabas ng kanyang silid. Kinapos akong huminga pero kailangan kopang pumunta sa hari.
NAHIHILO Kong binuksan ang pinto ng hari, pag bukas ko ay agad akong sumalampak sa sahig. Bago ako nawalan ng malay ay,
“Heal her wounds” huling salitang narinig ko, pagkatapos ay may tatlong tao ang lumapit saakin.
NAPAMULAT AKO saaking mata, parati nalang ba akong gigising sa umaga na may sugat? Nakakarami na sakin yung prinsepe ah! Naiyukom ko ang aking kamao.
“Kalma lang Xyria” aniko saaking sarili, ang goal ko dito ay tulungan ang prinsepe, but how could I help him?
Kung patuloy niyang gagawin sakin to? Kahit na! Diko sasayangin ang buhay nato, tutulungan ko siya kahit anong mangyari. Hindi niya deserve ang ending nayon.
Pero dapat kailangan ay mapaamo ko mona siya, mamayang gabe ay dapat mapaamo ko siya. Tutulungan ko siya pero hindi ako papayag na patuloy akong saktan.
YOU ARE READING
Fall inlove with Crazy Psychopath Villainous Hidden Prince
Historical FictionFantasy