Ilang araw narin pagkatapos nung gala namin ng prinsepe, umuwi kaming hindi nag iimikan non, siguro dahil selos na selos siya sa nangyari.
Hindi na ako pinapunta ng hari sa tore, ewan ko Kong bakit.
Sa original na libro kasi mas possessive at mas obssessed ang villian sa female lead, ayaw na ayaw niyang may lumalapit sa female lead.
Kahit na ang mga male leads, kung ganon naman pala e walang problema. May mangyayari man na wala sa original na libro, kung makaka gusto naman sila sa female lead sa dulo wala akong dapat aalalahanin.
Basta mainlove sila sa female lead ay ganon parin ang kahihinatnan ng kwento. Bumuntong hininga ako.
“Ang lalim non ah?” napalingon ako kay alexa, Ngumiti ako.
“May iniisip lang” aniko.
“Hmmm, Ano naman ang iniisip mo?” pang uusisa niya.
“Wala naman, tungkol lang sa mga bagay-bagay” aniko, tumango naman siya at nag libot sa silid.
Nag lilinis kami ngayun nang mansyon dahil may darating daw na bisita, ang utos nang hari ay linisin ko ang isang kwartong kulay ginto ang pinto.
Diko namalayan ang pag sunod saakin ni alexa dito, na tapos konang palitan yung kobre kama, pati ang pag punas sa ding-ding, at mga painting.
“Ang gwapo naman ng batang lalaking to” napalingon ako sa kanya, napatingin ako sa painting na tinitingnan niya.
Ang Emperor at ang sa tingin ko ay ang Empress, sa harap nila ay may batang lalaki, kulay ginto ang buhok nito at kulay asul ang mga mata.
Malaki ang mga ngiti nito at ang gwapong tingnan, sa tingin ko ay ito ang prinsepe nung nasa limang taong gulang palang siya.
Ayon sa Pov niya sa original na libro ay namatay ang empress nung 8 siya, tapos nag asawang muli ang Emperor nung 9 siya, tapos dun na nag simula ang kalbaryo ng buhay niya.
Sinasaktan siya nang madrasta at tinatakot nito ang prinsepe at ang mga ka tulong na paparusahan niya ang mga ito kapag nag sumbong sila sa Emperor.
May anak sa dating asawa ang stepmother niya at ang batang lalaki rin na yun ang third male lead sa original na libro.
Tumagal din ng halos 6 na taon ang pang aabuso ng stepmother niya sa kawawang prinsepe, gusto kasi ng madrasta niya na ang anak niya ang maging sumunod na tagapagmana, kapag nawala sa landas niya ang prinsepe.
Pero hindi nag tagumpay iyon dahil ang Emperor mismo ang naka huli sa ginagawa niya sa prinsepe kaya naman, pinalayas sila sa palasyo.
Ngunit nabuntis pa ang madrasta niya kung kayat napilitan ang emperor na tustusan ito, pero hindi na sila sa palasyo pinatira.
“Siguro ang gwapo na nang batang lalaking to” usal ni alexa habang tinitingnan ang painting.
Diko nalang siya pinansin, at nag punta sa veranda ng silid. Saglet akong tumingin Doon at lumanghap ng sariwang hangin.
“Aalis nako Xylene, ipag patuloy mona lang yang ginawa mo at May trabaho rin ako. Chineck lang talaga kita” tumango ako.
Narinig ko ang pag Sara ng pinto, Bumuntong hininga ako “Siguro naman, Di nag bago ang takbo ng kwento” aniko.
Ang totoo ay dahil sa mga nangyari ay nababahala nako, baka kasi mag iba na ang takbo ng kwento.
Pero hindi naman siguro, tama. Sana nga hindi.
Mangayayri ay sa chapter 13 ng kwento sa original na libro ay magkikitang muli ang f-lead at villian, kagaya ng nabangit ko ay yun ang mangyayari.
Sa mayo iyon magaganap at abril palang ngayun, ang muling pagkikita nila ang magiging daan upang magka gusto ang villian sa f-lead.
Kaya dapat mag iingat ako, dapat hindi na ako umiksina sa mangyayaring muling pagkikita nila, Yun nga ang gagawin ko.
Nakarinig ako nang pag bukas ng pinto, marahil si alexa lang iyon. “Alex, pakisara ang pinto” aniko.
Narinig ko naman ang pag Sara ng pinto, naramdaman ko din ang pag lapit ng isang presensiya sa likod ko, hindi ko alam pero nanayo ang balahibo ko.
“Whoʼs Alex?” napaiktad ako at wala sa oras na napaharap sa likod ko.
“Ayyyyy, Alexx~” namilog ang mga mata ko, dahil sumalobog saakin ang malalamig nito asul na mata.
Napakalapit niya lang rin saakin at kunting galaw lang ay siguradong magtatagpo ang mga labi namin, Di ako maka galaw dahil na corner ako.
“A-Arc, mahalll~” Napatigil ako, anong mahal?! Gsgo! Mahal na prinsepe kasi dapat yun!
“Who's Alex?” tanong niyang muli.
YOU ARE READING
Fall inlove with Crazy Psychopath Villainous Hidden Prince
Narrativa StoricaFantasy