“P-Po?” teka lang, ulitin natin nabingi ata ako.
“Tskkk nevermind, I won't repeat it.” aniya at tumalikod. Ha? Totoo ba yung narinig ko? Nag sorry siya sakin? HE APOLOGIES FOR REAL?!
Nakatulala naman ako sa kinatatayuan ko, Di parin ako makapaniwala. Totoo ba talaga? Nag sorry siya? Weeee?
“close your mouth, baka mapasukan payan ng tutubi” aniya, kaya agad ko namang sinara ang bibig ko.
Walanghiya! Nakakahiya! Nakanganga talaga ako? Jusmeeeeyoooooo marimarrrr!
“Follow me” aniya, na balik naman ako sa ulirat.
“A-asan tayo kamahalan? Uuwi naba tayo?” aniko, hindi siya sumagot bagkos ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Kaya sumunod nalang rin ako sakanya, Di man lang niya sinagot yung tanong ko. Napapikit ako nang maramdaman ang pag dampi ng Malamig na simoy nang hangin sa balat ko.
Niyakap ko ang sarili, habang naka pikit parin pagkatapos ay “Aray” aniko, dahil nabangga ko ang likod ng prinsepe.
“H-halaaa~s-sorry p-po” nagkanda utal Kong Saad, naka ramdam ako bigla ng kaba sa dibdib ko.
Muling nanginig ang tuhod ko, ramdam kona naman na pinagpapawisan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Napaatras ako nang kaunti nang humarap siya saakin, Malamig ang mga matang muli siyang humarap saakin.
Napapikit ako nang initaas niya ang kamay niya, dobmuble ang kaba na nararamdaman ko, Takot na takot ang katawan ko sakanya.
Napamulat ako mata dahil naramdaman ko ang pag angat nito sa baba ko, namimilog ang mga mata ko dahil bumungad saakin ang napakagandang tanawin sa itaas.
“It's beautiful, isn't it” usal nito, tumango ako habang nasa taas parin ang tingin.
Maliwanag ang buwan at malaki hindi kagaya ng sa earth, mas Maliwanag din ang mga bituin at napakagandang tingnan nito dahil mukang blue na parang purple ang kulay ng kalangitan.
Nawala ang kabang naramdaman ko kani-kanina lang. “But the view right here is more beautiful” rinig Kong usal nito.
Wala sa oras na napatingin ako sa prinsepe, asan? Nakaharang kasi siya kaya Pano ko makikita?!
Nang makita niyang Nakatingin na ako sa harap ay bigla siyang gumilid, namimilog at manghang-mangha ako dahil sa tanawing nasaksihan ko.
Mga mga ilaw nang mga bahay, bahay bato o mga mansyon?! Ang gandang tingnan! Ang bawat bahay ay may ilaw at kapag tiningnan mo siya mula sa malayo at mataas na Lugar ay mamangha ka talaga.
“Ang gandaaaaaaa~” aniko, pumikit ako at dinamdam ang hangin.
Ang saya-saya ko talaga! Kailan man ay diko ito nasaksihan nung nabubuhay ako sa Mundo Kong saan ako lumaki at nagkamalay.
Dahil sa sakit ko ay hindi na enjoy ang buhay ko, hindi ko nagawa ang mga gusto Kong gawin at higit sa lahat, hindi naranasan ang umibig.
“Tutunganga ka nalang Jan?” napamulat agad ako ng mata, dahil narinig ko ang boses ng prinsepe.
“Let's go” aniya, dali-dali naman akong sumunod sa kanya.
Ngayun ko lang na pansin na nasa bangin pala kami, ang ibaba ng bangin na kina lalagyan namin at isang daan na sementado.
Aba, sosyal pati pala dito may daan na sementado.
“Come here” pinalapit ako nang prinsepe sa kanya. Kaya naman nanginginig akong lumapit dito,
Bakit ba?! Takot nako sa kanya eh may trauma nako, malay kobang baka itulak niya ko Jan sa bangin saka Iwan.
“Dmn it! Faster!” parang naiinis niyang Saad, muntik akong mapahiyaw sa gulat nang hilahin niya ang braso ko.
“Let's jump” Simpleng aniya.
“A-ano?! Ta-tayo?! Tatalon Jan?!” gulat na sigaw ko, nababakas naman ang makainis sa mukha niya.
Nasisiraan naba siya ng bait? Ang taas kaya niyan?! Gusto niya bang mam@tay?!
“T-teka langgggggggggg~ahhhhhhhh”
Biglang sigaw ko, nang walang pasabing mahigpit na hinawakan ang prinsepe ang braso ko saka tumalon sa bangin.
Mahinang napadaing ako nang bumagsak na kami sa sementadong daan, naka pikit ako kaya iminulat ko ang mga mata ko, tumambad saakin ang parang reels sa gilid ng daan.
Mukhang bangin din ang nasa ilalim nitong daan nato, muntik akong masubsub nang pabalang akong binitawan ng prinsepe.
“Tskk your so noisy”