Chapter 17

2 1 0
                                    

“Ganun ba?” tumango naman sila.

“Opo!” sabay nilang sagot.

“Maiba ako, anong pangalan niyo?” tanong ko, nagkatinginan sila at Ngumiti nang matamis saakin.

“Ako po si Vince!” batang lalaking nasa kaliwang bahagi “At siya naman po si anastasia, saka po si Vale!” anito.

Ngumiti naman ako, “Kayo po?” pabalik na tanong sakin ni Vale.

“Ako si Xylene at siya naman si Prince Arc, pero secret lang natin yun ah!” ani ko, tumango naman sila at humagikhik.

“Pero mabalik po tayo! Totoo pong maganda si ate Xylene, prinsepe arc!” ani ni Ana.

“opo! Totoo! Nakikita mopo ba yung mala abo niyang mga mata? Tapos yung kulay dilaw niyang buhok? Yung perpektong hugis puso niyang mga labi?” ani ni vale

Bata bato? Ang galing Mag discribe ng appearance ah?

“Oo nga po ang ganda, sigurado Kong hindi kalang po maputla o kayaʼy mag lagay ka nang kahit kunting kolorite sa mukha ay, mala dyosa po ang ganda niyo!” —Vince.

“Natural po ang ganda ni ate Xylene mahal na prinsepe!” —Ana

Nagkibit balikat ako habang Nakatingin sa prinsepe, Nakatingin siya sa mga bata at lumipat iyon saakin. 'ano? Aangal kapa? Bata yan oy! At hindi nag sisinungaling ang mga bata!'

“Tskkk” usal ng prinsepe at lumihis ng tingin, humagikhik naman kami ng mga bata.

Napatigil at napalingon kami sa sa Di kalayuan ng may pumapaypay na kamay nang isang ginang “Hala! Tinawag na tayo ni inay!” —Ana.

“Umuwi na kayo, baka pagalitan kayo” aniko, lumingon sila saakin habang nakanguso.

“Eh maglalaro papo tayo eh” —Ana.

“Pero kailangan niyo nang umuwi, sigi kayo baka pagalitan kayo nang ina niyo” aniko, wala silang nagawa kundi ang umuwi.

Pero nakapangako akong babalik at Doon na kami mag lalaro, at dahil nakapagbitaw ako ng pangako dapat ay tuparin ko iyon, dapat bumalik ako Dito.

Nang makaalis sila ay kumaway sila saakin, kumaway ako pabalik “Pangako mopo iyon! Ate Xylene!” sigaw ni Ana, tumango naman ako.

Nang tuluyan na silang tumalikod ay, nakangiting Bumuntong hininga ako “Malapit ka sa mga bata” ani ng prinsepe.

Tumango ako, Ang totoo ay hindi pa ako kailan man nakipag usap o nakihalobilo sa mga bata. Dahil nga nung unang buhay ko ay umikot ang Mundo ko sa ospital, saaming bahay at sa aking silid.

Pero ganon nalang ang saya ko dahil kahit wala akong alam kung paano pakisamahan ang mga bata ay nagawa ko padin, mukhang malapit sa mga bata si Xylene.

Nanatili muli ang katahimikan sa pagitan namin ni arc, napatingin ako sa paligid mas lalo atang dumadami ang mga tao habang lumalalim ang gabe.

May iilan na nakatingala sa kalangitan kaya dahil sa kuryosidad at dakilang chismosa ako ay tumingala ako, napanganga ako dahil nakahulmang bulaklak ang mga bituin.

“I brought you here, para makita to” napalingon ako sa prinsepe. Lihim akong napangiti at muling tumingala.

“Salamat” usal ko, nang hindi tumingin sa kanya. Ramdam ko ang pag tingin niya sakin,

“It's more beautiful during 10 oʼclock and it only happend twice a year” Napatigil naman ako at napatingin sa kanya.

“3, 2,1”usal niya, muli akong napatingin sa itaas, namangha ako nang tila tumitiklop at namumukadkad ito parang tila sumasayaw.

Rosa's ang bulaklak na nakahulma sa kalangitan, may malalaki at maliliit. Ang gandang tingnan at ang sarap sa mga mata, Nanlaki ang mga mata ko at biglang napatayo.

Mangyayari na yung scene! Kailangan ko monang umalis! “Ahhh~kamahal~arc palaa~aalis lang akoo” aniko at akmang aalis.

“Where are you going?” nag lakad ako nang ilang hakbang at muling humarap sakanya.

“U-hmm ano, i-i-iihi! Lang, S-saglet lang to promiseeee~ayyyy!” aniko nang may mabangga, na out balance ako.

Sa takot Kong sumalampak ang katawan ko sa semento ay hinawakan ko ang braso ng nakabangga ko, ramdam ko naman ang braso nito sa bewang ko.

Kasalukuyang Nakatingin ako sa brown niyang mga mata at ganoon din siya, mga ilang minuto lang ay,

“A-aray!” mahina ko siyang natulak, napatingin ako sa direksyon nang ingay, Nanlaki ang mga mata ko nang makitang.

Napaupo si Zephyrine sa semento~ wait?! Zephyrine?~ANG FEMALE LEAD?! tiningnan ko ang nakabangga sa kanya at sii~

Ang prinsepe? Si arc?! Nakatingin lamang siya sa female lead habang napapikit si Zephyrine at mukhang dinadamdam ang sakit nang pwet niya.

WALA BA SIYANG BALAK TULUNGAN SI PRINCESS ZEPHYRINE? Nakita ko ang paglagpas nung lalaking nakabangga ko sa harap ko.

Parang natuwa naman ako nang inilahad ni arc ang kamay niya sa female lead, tiningnan naman ni Zephyrine ang kamay ni arc bago iyon tinanggap.

Kalahating nakatayo palang ang female lead ng dumating sa likod ni Zephyrine ang lalaking nakabangga ko at hinawakan ang bewang nito para mas mapabilis ang pag tayo nito.

Pero nagulat ako nang bigla niyang binatawan ang kamay ng female lead nang dumating ang lalaking nakabangga sakin, ANO BANG GINAGAWA NIYA?! HINDI GANYANN~

Tekaaa~nag seselos ba siya sa lalaking tumulong at humawak sa bewang ng female lead? Muntik nang mapaupo ulit si Zephyrine buti nalang ay nasalo siya nang lalaking naka bangga ko.

Tinulungan nung lalaki makatayo si Zephyrine, nilagpasan naman sila ng nang prinsepe, apaka seloso naman pala ng prinsepe arc, parang Tinulungan lang si Zephyrine eh.

“Are you okay Princess?” tanong nang lalaki, tumango naman female lead.

“I'm okay, Henerel Miguel” mahinhing ani ni Zephyrine.

Wait? H-general Miguel? AS IN MIGUEL OLIVER BRUCE? A young general?

WHAT A FR3AKING FVCKIN LIFE! I MESSED UP AGAIN! I MESSED UP THE CHAPTER 8! ANO NA NAMANG KATANGAHAN TO XYRIA! DAPAT KASI UMALIS KANA KANINA PA EH!

D-DID I JUST B-BUMP INTO THE S-SECOND M-MALE LEAD?!

Fall inlove with Crazy Psychopath Villainous Hidden Prince Where stories live. Discover now