30. Fast Forward

100 5 0
                                    

magaling na si Sam at wala na rin ang kanyang imagination friend na si Albert. tanggap na rin niya na ang lahat ng naramdaman niya kay Al noon ay pansamantala lamang. kahit na minsan ay hinahanap-hanap pa rin niya ito, lalo na sa tuwing mag-aaway sila ni Frank. ni minsan kasi, hindi siya nagawang awayin ni Albert noon. pero dahil nga perfect si Albert, hindi pwede ang away. minsan, napagtatalunan rin nina Frank at Sam si Albert. baliw kasi yang si frank.

kahit bati na si Frank at Sam and back to normal na ang lahat- ang kulitan, ang asaran- si Mark pa rin ang naging partner ni Sam sa Spring play nila. dahil si Mark ang laging katrabaho ni Sam, lalo siyang napalapit dito. at dahil nagkasama rin sila noon, at nagpanggap bilang magboyfriend and girlfriend, masaya ang crew sa chemistry nilang dalawa.

lagi silang nagtatawanan at nagkukulitan. at lagi nilang inaasar si Frank na selos na selos sa kanilang dalawa.

"ikaw kasi pre eh, binusted mo si Sam, kaya wala nang bawian." tawang-tawang sabi ni Mark kay Frank. di naman ito pinapatulan ni Frank dahil alam niyang may mali siya at alam niyang siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ni Sam.

"wag mo ngang asarin ang Francopotpot ko. baka mabaliw ka dyan" sabi naman ni Sam na nagpipigil ng tawa

"ewan ko sa inyo." sabi ni Frank at umalis na. "Goodluck na lang sa play niyo" dagdag pa nito habang kumaway patalikod

"kita mo to, ASAR TALO FRANCISCO!" sigaw ni Mark sa kanya.

"Panalo pa rin ako! Ako ang nobyo eh!" sigaw ni Frank na bigla na lamang nawala sa auditorium.

nakapagtapat na si Frank ng nararamdaman kay Sam. nagforgive and forget na rin sila. niligawan niya ito sa paraang alam niya. ang mga katanungan ni sam, nabigyan na rin ng linaw.

"alam mo Sam, sa kanya ka na nga, nagseselos pa rin siya sakin. ang pogi ko talaga." kantyaw ni mark kay Sam.

kasalukuyang naghahanda sila ngayon para sa play mamayang hapon. magkahalong kaba, takot at saya ang nararamdaman nila dahil sa wakas, matatapos na rin ang kapaguran nila.

"yak mark. mahiya ka naman. ni isa sa inyo, walang pogi. pero sa aking paningin, siya at siya parin." nakangising sabi ni Sam. hinampas naman siya ni Mark at sinabing kinikilig siya sa mga sinasabi nito.

"alam mo Mark, kung di lang talaga tanga, bobo, gago, baliw at unggoy yang si Frank ehdi, dapat matagal nang nagsimula ang happy ever after namin. psh! ano naman kung nakipagkasundo siya kay dad na liligawan lang ako pagdating ko ng 18? like duh? sayang yung time nu. tapos di pa niya sinabi sakin yun and hinayaan niya lang akong mabaliw.sa kanya. anong akala niya sakin? ganun lang kadaling kalimutan yung feelings ko for him? diba, kasalanan naman niya kung bat ako nahulog sa kanya. psh! nakakainis siya. sasaluhin naman pala niya ako nagpaligoy-ligoy pa. parang life and death situation lang talaga. at isa pa tong sakit niya. joke ba yun? ano? pagkatapos naming magpakasal mamamatay na agad siya? bwisit! ugh! pero alam mo, kahit ganun yun, love ko pa rin siya ng sobra sobra sobra" vent kung vent ang trip ni sam. si mark naman, nakangising nakikinig sa kanya. nakukyutan siya kay sam dahil para itong batang sumbong ng sumbong sa kanya.

"sumusuko ka na ba?" tanong ni frank na bigla na lamang bumalik at lumtaw sa kung saan. inulit niya ang kanyang tanong nang hindi sumagot si Sam dahil nagulat ito sa biglang pagtungyaw ng binata.

"maiwan ko muna kayo. magpapapogi lang ako lalo" sabi naman ni Mark na tawang tawa pa nung umalis at iniwan nga ang dalawang magkasintahan.

"kanina ka pa ba nakikinig? upo ka muna."

"sumusuko ka na ba sam? gusto mo na bang itigil na lang natin to?" malungkot na tanong ni Frank sa dalaga. nakatungo lamang ito sa tabi ni sam.

"you're so stupid."

My Idiot BffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon